You are on page 1of 11

PHINMA-University of Pangasinan

Arellano Street, Dagupan Citty


College Of Social Sciences
Education Department

Masusing Banghay Aralin


Araling Panlipunan VI
Ika- 19 ng Disyembre, 2020

I. Layunin
Sa loob ng tatlumpong minutong aralin, ang 100% na mag-aaral ay inaasahang
makamit ang 80% na kasanayan sa mga sumusunod na:
a. natalakay isa-isa ang guhit sa globo;
b. naipaliwanag ang kahalagahan ng mga guhit sag lobo sa pamamagitan ng munting
dula-dulaan at;
c. nakagawa ng simpleng replika ng globo sa pamamagitan ng pagguhit.

II. Paksang Aralin


a. Paksa
Yunit I: Kinalalagyan Ng Pilipinas At ang Malayang Kaisipan Sa Mundo
Kabanata I: Tiyak na Lokasyon Gamit ang Mapa at Globo
Aralin 3: Ang Globo
b. Sanggunian:
K12 Curriculum Guide Araling Panlipunan ph. 56
c. Kagamitan
Kagamitan ng guro:
Globo, Plaskard, Relo, susulatan na hugis globo, tarpapel
Kagamitan ng mag-aaral:
Lapis, papel, coupon bond paper
d. Estatehiya
D.1. “Turo ko, Lalakbayin ko”
Ang estratehiyang ito ay nagpapakitang pagdidiskrube at pagtuklas ng
mga mag-aaral ang ibang lugar sa pamamagitan ng globo.
D.2. “Globo-hit 0 Globo-lat”
Ang estratehiyang ito ay masusubok ang kooperasyon ng bawat isa
sakanilang kinabibilangang grupo, at pakikipagpalitan ng ideya.
D.3. “Guhit-Globo”
Ang estratehiyang ito ay nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga
mag-aaral.

III. Pamamaraan
Guro Mag-aaral
A.1. Panalangin
Magandang araw mga bata, tayo ay magsitayo at Cherry: Kamay sa harap, kamay sa taas,
puriin ang ating Panginoon. kamay sa gilid halina’t magdasal. Panginoon,
maraming salamat po sa araw na ito,
patnubayan mo po kami, Amen.
A.2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang umaga po Bb. Marcellana!

Bago kayo magsi-upo, maari bang pulutin muna (Pinupulot ng mga bata ang mga kalat at
ang mga kalat sa gilid ng inyong upuan at ilagay inilalagay ito sa sarili nilang plastic bag)
ito sa loob ng inyong plastic bag. Kung malinis na
ay maari na kayong maupo.
A.3. Pagsuri ng Pagdalo
Meron bang lumiban sa ating klase ngayon? Cherry: Ma’am, kinagagalak ko pong ipaalam
Cherry, maari mo bang ipaalam sa klase kung na wala pong lumiban sa ating klase ngayon
meron bang lumiban? araw!

Mahusay! Ako rin ay nagagalak dahil narito


kayong lahat na nagpapatunay na pursigidong
mag-aral ng mabuti.

Dahil diyan ay gusto kong sabihin ninyo sa inyong Lahat: Nais ko pang matuto!
sarili na “Nais ko pang matuto!”

At dahil sabi niyo’y nais niyo pang matuto, tignan


natin kung ano ang inyong natutunan sa ating
tinalakay kahapon.
A.4. Balik-Aral
Tayo ay magbabalik-aral sa ating paksang
Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo. Ano kaya ang
dalawang pagtukoy ng lokasyong tinalakay natin
kahapon?

Maari ka bang makapag bigay ng isa Marvie kung Mag-aaral: titser Insular na pagtukoy ng
paano mo tukoyin ang lokasyon ng ating bansa? lokasyon po.

Ano naman sa tingin mo ang tinutukoy nito? Mag-aaral: natutukoy po nito ang lokasyon
sa pamamagitan ng pag-alam sa mga anyong
tubig na nakapaligid nito ma’am.

Gaya ng? Mag-aaral: gaya po ma’am ng Pacific Ocean.

Tama Marvie! Salamat. Ang Pacific Ocean o


Karagatang Pasipiko na nasa Silangang bahagi ng
ating bansa.

Eh ano naman sa tingin niyo ang tumutukoy sa


kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng
pag-alam sa mga bansang katabi o nasa
hangganan nito?

Maari mo bang ibahagi ito sa klase Bryan kung Mag-aaral: Bisinal na pagtukoy po ma’am.
anong pagtukoy ng lokasyon ito?

Mahusay! Maari ka bang makapagbigay ng


halimbawa ng bansa na malapit sa hilagang bahagi Mag-aaral: Kazakhstan po ma’am.
ng Pilipinas?

Magaling! Ngayon naman magsitayo ang lahat.


Maari ba kayong humarap sa silangang bahagi ng
ating silid? Mag:aaral: (sinusunod ang panuto)
Pakituro naman ang Hilaga?

Hurap naman sa Timog?

Ituro ang Kanluran?

Mahusay mga bata palakpakan natin ang ating


mga sarili! Maari na kayong maupo.

Magaling klase. Tunay nga na may natutunan kayo


kahapon tungkol sa ating tinalakay.
B. Pagtalakay
B.1. Lunsaran “Turo ko, Lalakbayin ko”
Gumagawa ba kayo ng inyong wishlist? O mahilig Lahat: Opo ma’am.
ba kayong humiling?

Isa ba sa inyong kahilingan ay ang makapaglakbay Lahat: Opo!


sa ibang bansa?

Kung mahilig kayong maglakbay, meron akong


inihandang Globo rito. At ito’y konektado sa ating
unang aktibidad na tatawagin nating “Turo ko,
Lalakbayin ko”. Kaya’t makinig muna sa aking
panuto.
Lahat: Opo ma’am.

Lahat: (ginagawa ang aktibidad ng nakapila)


Bawit hilera ay pipila rito sa harapan, isa isang
magpapaikot dito sa globo at papahintuin ito
gamit ng inyong hintuturo. Lahat: Opo titser

Ang globong ito ang magbibigay ng bansang maari


niyong lakbayin na isa sa inyong kahilingan at
isusulat niyo ito sa inyong wishlist. Naintindihan
Mag-aaral: Ma’am Korea po.
ba?
Mag-aaral: Opo ma’am, mahilig po kasi
Kung gayon ay maari nang pumila ang unang
akong kumain ng ramen noodles. Nais ko
hilera.
pong matikman din iyon doon mismo.
Sunod na ang ikalawa… ikatlo.

Meron na ba lahat?
Mag-aaral: Hugis pabilog po ma’am.
Sino ang makakapagbahagi ng kanyang bansang
lalakbayin? Mag-aaral: Ma’am may mga bansa po, mga
linya.
Jessica, Anong bansa ang tumapat saiyo?

Wow Korea, isa ba ito sa nais mong mapuntahan Mag-aaral: (nag-iisip)


Jessica?

Ang galing naman, salamat Jessica.

Ngayon naman, anu-ano sa tingin ninyo ang nakita


niyo sa globo?
Maari mo bang ilarawan itong globo Patricia?

Bukod sa hugis pabilog ito, ano pa ang iyong


napansin Rejean?

Mahusay Rejean! May mga bansa at mga linya o


guhit sa globo.

Ano kaya sa tingin niyo ang mga guhit na ito?


Papaano kaya natin malalaman ang saktong
lokasyon ng bansang nais nating puntahan sa
pamamagitan ng globo tulad na lamang ng ginawa
nating aktibidad?

At iyan ang tatalakayin natin sa ating bagong


aralin ngayon.
B.2. Layunin
Upang lalo pang mapalawak ang inyong kaalam
patungkol rito ay may tatlong layunin muna
tayong dapat tandaan at ito’y nagsisimula sa
pantig na “MA”.

Una, MAtalakay natin isa-isa ang mga guhit sa


globo. Ikalawang MA, MAipaliwanag ang
kahalahgan ng mga guhit sa globo sa pamamagitan Lahat: MAtalakay, MAipaliwanag at
ng pangkatang gawain. MAkagawa.
At ang ikatlong MA nama’y, Makagawa ng
simpleng replika ng globo sa pamamagitan ng
pagguhit. Maari bang ulitin natin ang tatlong MA.

Mahusay mga bata, dahil ang bago nating Mag-aaral: Ang Globo
tatalakayin ngayon ay patungkol sa, maari mo
bang basahin ang nasa pisara Dana.
Lahat: Ang Globo
Maraming salamat Dana. Sabay-sabay nga ulit
nating basahin.
B.3. Paglalahad
May mga alam ba kong ibang mga uri ng linya?
Angela, ang iyong buhok ay isang halimbawa ng Mag-aaral: Patayong linya po.
anong uri ng linya?

Mahusay! Eh ano naman ang linyang nakikita niyo


rito sa pisara?
Maari mo bang ilarawan ito Ronalyn? Mag-aaral: may mga pahigang linya po titser.

Mag-aaral: Pakurbang linya po.


Bukod sa patayo at pahigang linya, maari ka pa
bang makapagbigay ng isa Euniece?
Mag-aaral: Bola po.
Gaya ng?

Magaling! Ang mga linyang nabanggit ng inyong


mga kaklase ay ilan lamang sa makikita natin dito
sa globo.
Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo,
mahalagang mabatid muna ang ilang mga
konseptong may kaugnayan dito.
Upang lalo niyo pa itong maunawaan ay sabay-
sabay nating tuklasin ito sa pamamagitan ng
inihanda kong Chart.

Mga Bahagi ng Globo


Longhitud ay ang
o distansyang angular na
Longitude natutukoy sa silangan
at kanluran ng
Prime Meridian na
tinatatawag
ding  malalaking
bilog o great circles.
Punong ay ang pinaka-gitnang
Meridyano guhit na humahati sa
o Prime silangan at kanluran
ng globo o itinalagang
Meridian
zero degree
longitude.

Latitud o ay ang distansyang


Latitude angular na natutukoy
mula sa hilaga o timog
ng equator o
ekwador.

Ekwador o ay humahati sa globo


Equator sa hilaga at timog na
hemisphere o
hemispero at itinakda
rin ito bilang zero
degree latitude.

Sa unang haligi ay pangalan ng bahagi ng globo,


ang ikalawang haligi nama’y ang kahulugan at ang
ikatlo ay ang larawan nito.

Umpisahan natin hilerang ito. Maari mo bang Mag-aaral: Longhitud o longitude po titser,
basahin Lanilyn ang bahagi at kahulugan nito. ito ay ang distansyang angular na natutukoy
sa silangan at kanluran ng Prime Meridian a
Salamat Lanilyn, ang longhitud o longitude sa
tinatatawag ding malalaking bilog o great
Ingles ay distansyang angular o mga pakurbang
circles.
patayo sa globo na mas kilala bilang malalaking
bilog o great circles na tumatahak mula sa North
Pole patungong South Pole.
Mag-aaral: ito po ma’am (tinuro ang guhit sa
Maari ka bang pumunta rito sa harapan Francis at globo)
ituro rito sag lobo ang linyang longhitud.
Mag-aaral: Punog Meridyano o Prime
Tama Francis! At dahil jan ay maari mo bang Meridian po titser, ito ay ang pinaka-gitnang
basahing ang sunod na hilera? guhit na humahati sa silangan at kanluran ng
globo o itinalagang zero degree longitude.
Ang prime meridian ay patayong guhit na
humahati sa silangan at kanlurang bahagi ng
globo, maari niyo bang ituro ang nasa kanlurang Lahat: (tinuro ang kanluran… silangan)
bahagi ng ating silid? Eh ang kanluran naman?

Ngayon naman, maari mo bang ituro rito sa ating Mag-aaral: Ito po ma’am.
globo ang prime na itinalagang zero degree
longitude Euniece? Mag-aaral: Ma’am ang Greenwich sa England
po.
Sa tingin mo anong bansa ang nakatapat dito?

Tama! Salamat Euniece. Dumako naman tayo sa Mag-aaral: Ang latitude ay ang distansyang
latitud o latitude sa Ingles, maari mo bang basahin angular na natutukoy mula sa hilaga o timog
ang kahulugan nito Jessel? ng equator o ekwador.

Ang latitude ay ang pakurbang pahigang guhit sa Mag-aaral: Ang ekwador o equator ay
globo na humahati dito, ito ang hilaga at ito naman humahati sa globo sa hilaga at timog na
ang timog ng equator o ekwador na itinakda din hemisphere o hemispero at itinakda rin ito
bilang zero degree latitude. Maari mo bang bilang zero degree latitude.
basahin ang buong kahulugan nito Anthonette?

Salamat Anthonette, maari bang magsitayo kayong Lahat: (hurap sa hilaga at silangang bahagi
lahat. Kayo ay humarap sa hilagang bahagi ng ng silid)
ating silid. Sa timog naman.

Mahusay mga bata! Pwede na kayong magsi-upo. Lahat: Longhitud, Prime meridian, Latitud at
Muli nga nating basahin ang mga bahagi ng globo Ekwador.
na tinalakay natin ngayon.
Lahat: Opo ma’am.
Magaling mga bata, naunawaan na ba ang ating
aralin ngayon? Lahat: wala na po titser
May mga katanungan ba?
Kung wala na kayong katanungan, tignan nga
natin kung talagang naintintihan ninyo ang ating
aralin. Dumako na tayo sa pangkatang gawain.
B.4. Paglalapat “Globo-hit o Globo-lat”
Ang aktibing ito ay tatawagin nating “Globo-hit o
Globo-lat” kung saan meron ako ritong hugis globo
na pagsusulatan o guguhitan ninyo ayon sa aking
katanungan, pag sinabi kong “Globo-hit!” iguguhit
niyo sa globo ang sagot, kung sinabi ko naman ay
“Globo-lat!” ay isusulat niyo ang pangalan kung
anong bahagi ng globo iyon.

Ngunit bago tayo magsimula ay makinig muna sa


aking panuto.

Una ay papangkatin ko muna kayo sa tatlo, bawat


pangkat ay mabibigyan ng hugis globong
pagsusulatan o paguguuhitan, marker at pambura.

Ikalawa, ang bawat grupo ay may representante


sa bawat tanong kung saan siya ay ang magsusulat
o guguhit sa ibingay kong pagsasagutan ninyo ay
siya na din mismo ang magtataas ng sagot ng
inyong grupo at ang ikatlo ang pangkat na may
pinaka maraming puntos ay siyang panalo.
Lahat: Opo
Maliwanag ba mga bata?
Kung kayo ay handa na ay maari na kayong
gumawa ng pabilog, at sisimulan na natin ang
aktibidad.

Para sa unang tanong, ito ay ang distansyang


angular na natutukoy mula sa hilaga o timog Mag-aaral:
ng equator o ekwador. Globo-hit!

Nauna ang Pangalawang pangkat, isang puntos


para sainyo.

Sunod na tanong, tinatatawag na malalaking bilog


o great circles. “Globo-lat!” Mag-aaral:

Longitude
Isang puntos para sa unang pangkat. o longhitud

Para naman sa ikatlong tanong, itinakda rin ito


bilang zero degree latitude. Mag-aaral:
ekwador
o equator
Nauna ang ikatlong grupo kaya’t meron na din
silang isang puntos.

Mag-aaral:
Sunod na tanong, ito ay humahati sa globo sa
hilaga at timog na hemisphere o hemispero,
“Globo-hit!”

Ang pangalawang pangkat ay mabibigyan muli ng


isang puntos dahil nauna silang nakasagot ng
tama.
Mag-aaral:
Pang-limang katanungan, makinig mabuti. Ito ay
ang pinaka-gitnang guhit na humahati sa silangan
at kanluran ng globo, “Globo-hit!”

Mahusay! Ikatlong pangkat, isang puntos muli


para sainyo.

Mag-aaral:
Sunod na tanong. Ito ay ang
distansyang angular na natutukoy sa silangan at
kanluran ng Prime Meridian, “Globo-hit!”

Ang unang pangkat ang nakasagot ng tama at mas


nauna kaya magkakaroon din sila ng isa pang
puntos. Mag-aaral:
Punong
At para naman sa ating huling katanungan. Ito ay Meridyano o
ang pinaka-gitnang guhit na humahati sa silangan Prime Meridian

at kanluran ng globo, “Globo-lat!”

Nauna muling nakasagot ng taman ang unang


pangkat at sila rin ang may pinakamaraming Lahat: (pumapalakpak)
puntos na nakuha kaya’t sila ang panalo.
Palakpakan natin sila. Palakpakan niyo din ang
inyong sarili dahil naipakita ninyo sa klase ang
kooperasyon sa bawat pangkat.

Maari niyo nang ayusin ang inyong upuan.


C. Paglalahat “Guhit-Globo”
Kung tunay ngang naintindihan niyo ang ating
paksa, may aktibidad pa tayong gagawin na
tatawagin nating “Guhit-Globo”. Maari bang
maglabas kayo ng isang coupon bond paper at
gumuhit ng simpleng replika ng globo at lagyan
ang bawat bahagi nito ng label patungkol sa
tinalakay natin kanina. Pagtapos na ay ipasa ito
saaken. At ako’y bubunot upang ibahagi sa klase Lahat: Opo titser
ang kahalagahan nito. Naintindihan ba mga bata?
(gumuguhit ng simpleng replika ng globo)
Kung gayon ay simulan nang gumawa.

Mahusay klase! Natutuwa ako at may natutunan


kayo sa ating paksa ngayong araw.
II. Ebalwasyon
Dahil jan ay magkakaroon kayo ng pagsusulit. Ang
inyong nakuhang puntos sa pangkatang gawain
kanina ay idaragdag ko na lamang sa inyong
makukuhang puntos sa inyong pagsusulit.

Maglabas kayo ng bolpen at sangkapat na papel at


sagutan ang mga katanungan sa tarpapel. Meron
lamang kayong 2 minuto upang sagutan ito.
Lahat: Opo titser.
Maliwanag ba klase?

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1.) Ang longhitud ay tinatawag ding________?


a. Prime Meredian
b. malalaking bilog o great circles.
c. zero degree latitude
d. zero degree longtitude

2.) Ang __________ ay ang pinaka-gitnang guhit


na humahati sa silangan at kanluran ng
globo?
a. longhitud
b. ekwador
c. latitud
d. prime meridian

3.) Itinakda rin ito bilang zero degree latitude.


Anong bahagi ng globo ito?
a. ekwador
b. prime meridian
c. latitud
d. longhitud

4.) Amg _______ ay ang distansyang angular na


natutukoy mula sa hilaga o timog
ng equator o ekwador?
a. latitude
b. longhitud
c. ekwador
d. Prime meridian

5.) Ang longhitud o longitude ay ang ______?


a. ay ang pinaka-gitnang guhit na
humahati sa silangan at kanluran ng
globo.
b. ay ang distansyang angular na
natutukoy mula sa hilaga o timog
ng equator o ekwador.
c. ay ang distansyang angular na
natutukoy sa silangan at kanluran ng Lahat: Opo ma’am
Prime Meridian. (ipinapasa na ang papel)
d. ay humahati sa globo sa hilaga at timog
na hemisphere o hemispero.

Tapos na ba mga bata? Kung tapos na ay maari


niyo nang ipasa ang inyong papel.
IV. Takdan-Aralin/Kasunduan
Bago tayo magtapos sa ating klase ay may
kasunduan muna tayo. Kayo ay magbasa
patungkol sa Kinalalagyan ng Pilipinas sa Globo. Lahat: Opo titser
Dahil yun ang sunod nating tatalakayin sa muli
nating pagkikita. Maliwanag ba?

Kung gayon ay, paalam na klase! Lahat: Paalam na po at maraming salamat po


Bb. Marcellana! Hanggang sa muli salamat
po! Papasa kami!

Inihanda ni:
Donna Marie D. Marcellana
B1-3BEED-02

Ipinasa kay:
Dr. Cherry B. Calaunan

You might also like