You are on page 1of 7

Department of Education

R E G I O N III
S C H O O L S D I V I SI O N O F F ICE OF B AT AAN
SDO A N N E X – BAGAC DISTRICT
SAYSAIN ELEMENTARY SCHOOL

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Kindergarten

I. Layunin:
a. Natutukoy at napapangalanan ang iba’t-ibang uri ng sasakyang panghimpapawid.
b. Nakabubuo ng mga sasakyang panghimpapawid gamit ang mga makukulay na papel.
c. Nabibigyang halaga ang mga sasakyang panghimpapawid.
II. Paksang Aralin:
A. Sasakyang Panghimpapawid
B. Sanggunian: Kindergarten Curriculum Guide (Quarter 3, Week 28, Day 2)
C. Kagamitan: cellphone or TV,speaker,gunting,pandikit,mga larawan ng sasakyang panghimpapawid
III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1.1 Panalangin

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Mga bata, magsitayo ang lahat para sa Tatayo ang mga bata.
panalangin.”

“_______, pangunahan mo an gating Magdarasal ang mga bata.


panalangin sa araw na ito.”

1.2 Pagbati

Magandang umaga mga bata… Magandang umaga po Ma’am, Magandang


umaga mga Kaklase, Mabuhay!

Kamusta ang umaga n’yo mga bata? Mabuti po Ma’am!

1.3 Kalinisan

Tignan n’yo nga ang ilalim ng inyong mga (Ang mga bata ay mamumulot ng mga kalat
lamesa at upuan, pulutin nyo ang mga nakikita at basura.)
nyong kalat at basura.

Ayusin n’yo naman ang inyong mga lamesa at (Aayusin ng mga bata ang kanilang lamesa
upuan. at upuan)

Tapos na ba kayo? Opo, Maam.

Magaling! Maari na kayong umupo.

1.4 Attendance
Ngayon naman ay itala natin ang iban at hindi
liban sa ating klase ngayong araw na ito.

Pero bago yun, anong araw ngayon? Ngayon po ay araw ng Martes.

Magaling!

Attendance:
Boys:
Girls:
Total:
Remarks: Walang liban.

Magaling! Walang liban sa ating klase ngayong


araw na ito.
Bigyan nga nating ng YES clap ang bawat isa. (Papalakpak ang mga bata.)

1.5 Ulat Panahon

Mga bata, tingnan nga natin ang kalangitan


ngayon.

Ano sa palagay ninyo ang panahon natin


ngayon? Maaraw po ang panahon natin ngayon.

Mahusay! Maaraw nga ang panahon natin


ngayon.

B. Pagganyak

May inihanda akong isang awitin mga bata.


Handa na ba kayong sabayan ang ating
awitin?

Handa na ba kayo mga bata? Opo, Maam! Handa na po kami.


“The Wheels On The Bus”

The wheels on the bus go round and round


Round and round, round and round
The wheels on the bus go round and round
All day long.

The people on the bus go up and down


Up and down, up and down
The people on the bus go up and down
All day long

The baby on the bus says, “waah.. waahh..


waahh..
Wah.. waahh,. Waahh.. wah .. wah .
The baby on the bus says, wah, wah
All day long

The wheels on the bus go round and round


Round and round, round and round
The wheels on the bus go round and round
All day long.

Nasiyahan ba kayo mga bata?


Opo.
Magaling!
Maari na kayong umupo.

C. Balik Aral

Ano ang ating pinag-aralan kahapon? Atin pong napag-aralan ang iba’t-ibang uri ng
sasakyang Panlupa

Tama! Magaling!

Ano ba ibig nating sabihin sa sasakyang Ang mga sasakyang panlupa po ay mga
Panlupa? sasakyan na ginagamit natin upang tayo ay
makapaglakbay sa lupa.

Tama!

Kung talagang naunawaan nyo an gating


nakaraang aralin, mayroon akong inihandang
Gawain para sa inyo.
Ang gagawin nyo lang ay mamimili kayo sa mga
larawang ng mga sasakyang panlupa at idikit ito Opo.
sa pisara. Handa na ba kayo?

Magagaling mga bata! Talaga ngang


naunawaan nyo ang ating aralin.
D. Pagpapa-unlad na Gawain

Mga bata, tingnan nyo nga ang ilalim ng inyong


mga upuan, mayroon akong idinikit na mga
larawan dyan kanina bago kayo pumasok. (Hahanapin ng mga bata ang larawan)

Nakita nyo ba ang mga larawan? Opo, Maam.

Magaling! Maari nyo bang sabihin kung anu-


anong mga larawan ang inyong nakita/nakuha? Iba’t-ibang uri po ng mga sasakyan.

Tama! __________, anong tawag sa sasakyan


ang nasa larawan na hawak mo?

Ito po ay isang eroplano.


Magaling! Maari mo ng idikit iyan dito sa pisara.

Ikaw naman ______________, anong ang


pangalan ng sasakyan ang nasa larawan?

Helicopter po.

Mahusay!

Hot air Balloon po.

Ano naman ang nasa ikatlong larawan?


Tama!

Jet plane po ma’am.

Ano naman ang nasa ika-apat na larawan?

Spaceship po.

Ang huling larawan?

Magagaling mga bata! Bigyan nga natin ng 1-2-3


MAGALING clap ang bawat isa. 1-2-3
MAGALING! MAGALING! MAGALING!
Ang aralin natin sa araw na ito ay tungkol sa
Mga Sasakyang Panghimpapawid.

Kapag naririnig nyo ang mga sasakyang


panghimapapawid, ano ang naiisip ninyo? Mga sasakyan po na lumilipad.

Magaling!

Ang mga sasakyang panghimpapawid ay mga


sasakyang lumilipad sa langit. Ito ay mga
mabibilis na uri ng transportasyon.

Anu-ano nga ulit ang mga uri ng sasakyang “Airplane, Helicopter, Hot Air Balloon, Jet Plane,
panghimpapawid? and Spaceship Maam”

Mahusay mga bata.


Nakakita na ba kayo ng eroplano?
Sino sa inyo ang nakasakay na sa eroplano? Opo/hindi po…

Ang Airplane o eroplano, ito yung karaniwang


sinasakyan ng mga tao kapag pupunta sila sa
malayong lugar. Mas Malaki ito kaysa sa
helicopter.

Ang Helicopter naman ay di hamak na mas maliit


kaysa sa Eroplano at iilan lamang ang maaring
sumakay ditto.

Ang Hot air Balloon ay lumilipad sa


pamamagitan ng init nagmumula sa apoy.
Nakakita na ba kayo ng hot air balloon? Opo.

E.Pagpapahalaga

Mahalaga ba sa atin ang mga sasakyang


Panghimpapawid? Opo, Maam.

Bakit? Mahalaga po ito dahil mas mabilis tayong


makakarating sa ating pupuntahan, lalong-lalo
na po kung pupunta tayo sa malalayong lugar
Very Good! gaya ng ibang bansa.
Mahalaga sa atin ang mga sasakyang
panghimpapawid sapagkat napapadali nito ang
ating paglalakbay.

F. Paglalahat

Naunawaan nyo ba ang ating aralin sa araw na


ito? Opo.

Tungkol saan ang ating aralin? Mga sasakyang Panghimpapawid.

Tama!

Anu-anong uri ng mga sasakyang Airplane, Helicopter, Hot Air Balloon, Jet Plane,
panghimpapawid ang ating nakilala? and Spaceship Maam.

Mayroon akong inihandang mga ginupit na


makukulay na papel. Marunong ba kayong
gumawa ng isang eroplano? Opo.

Ngayon, tuturuan ko kayong gumawa ng


eroplanong papel at papaliparin natin ito
mamaya.

Handa na ba kayo mga bata? Handa na po.

F. Paglalapat

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat

Unang Pangkat- Buuin ang puzzle ng ibat-ibang


uri ng sasakyang panghimpapawid.

Ikalawang Pangkat- Bilangin ang iba’t-ibang uri


ng sasakyang panghimpapawid na mayroon sa
larawan.

Ikatlong Pangkat- Idikit ang mga larawan ng


sasakyang panghimpapawid sa tama nitong
pangalan.

Bago kayo pumunta sa kani-kaniya ninyong


pangkat, ano ang mga pamantayan na dapat
ninyong sundin? Makiisa at tumulong sa pag-gawa.

Sumunod sa panuto.

Magaling! Ngayon ay maari na kayong Tumahimik.


magpunta sa kani-kaniya ninyong grupo.

G. Pagtataya

Inihanda ni:
Xarina Joie S. Ladado

Teacher I

Binigyang Pansin ni:


Jessica A. Torres
Principal II

You might also like