You are on page 1of 11

BANGHAY NG ARALIN SA SENSORY PERCEPTUAL

I. PALATANDAANG KASANAYAN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikila ang iba’t ibang galaw ng mga hayop.
2. Naisasagawa ang mga galaw ng hayop.
3. Nabibilang ang mga hayop ayon sa mga galaw nito.
4. Nakabubuo ng mga hayop mula sa pirapirasong larawan.
5. Nakasusunod sa mga panuto na inihanda sa bawat bahagi ng paksa o aralin.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa : Iba’t- ibang Galaw ng mga Hayop


KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-guro
Pahina 518-521
Code PNEKA-IIIi-00-4

B. Iba pang kagamitang panturo


Mga larawan, mga tunay na bagay, ICT( laptop, television)
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
Mga Pang araw-araw na gawain:
 Panalangin
 Pagsasabi ng araw at panahon
 Kumustahan
 Pag-iisa-isa sa mga bata
 Pagganyak
 Pangganyak na Tanong/Gawain

Mga bata, tumayo ang lahat sumabay sa awit na ( Magsisitayo ang mga bata at sasabayan ang guro. )
inyong pakikinggan.
Marahil ay napaindak kayo sa ating ginawa. Opo!

B. Balik Aral sa nakaraang Aralin


Ngayon, tingnan natin kung naalala nyo pa ang huling
pinagaralan natin. May mga larawan ako ng hayop dito sa
unahan, sasabihin nyo lamang kung ang mga ito ay panlupa, pantu-
(Iisa-isahin ng mga bata ang mga larawan)

Magaling mga bata, sa tingin ko ay talagang naintindihan talaga


ninyo ang huli nating pinagaralan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. ( Activity 1)

Mga bata,ngayon ay tatawag ako ng mga bata sa unahan, huhulaan ninyo?


kung anong galaw ang kanilang ginagawa. Pagalingan ng bawat grupo.
Naintindihan nyo ba ang ating gagawin mga bata?
Opo! Naintindihan po namin!

Mga bata ano kaya ang ginagawa ng inyong kaklase?


Siya po ay naglakad at tumakbo.
Magaling! Ngayon naman ay tingnan natin ang susunod na gawain.
Ano sa tingin nyo ang ginawa ng inyong kaklase?
Lumundag po o tumalon po siya ma’am!
Ngayon tingnan natin ang huling gagawin ng inyong kaklase,
(Lumalangoy) Siya po ay lumalangoy ma’am!
Magaling mga bata!

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


Kasanayan.( Activity 2)

Mula sa ginawa ng inyong mga kaklase sa unahan, tingnan natin


ang mga larawan ng hayop na aking ipapakita ano kaya ang kaugnayan ng mga
galaw sa mga larawang ito?Narito ang ilang hayop:
UNA:

Ano kayang pangalan ng hayop na ito mga bata?


Ang hayop po ay isang palaka.

Tumpak! Isa itong palaka. Papaano kaya gumagalaw ang isang palaka?
Ang palaka po ay tumatalon ma’am.

PANGALAWA:

Ano kaya mga bata ang nasa kasunod na larawan? Nakikilala nyo
kaya ito mga bata?
Nakikilala po namin ma’am, yan po ay isang bulate.

Tama mga bata, ito ay isang bulate, mula sa ginawa ng inyong kaklase
kanina, anong galaw ang pwedeng gawin nito?
Ang ginagawa po ng isang bulate ay gumapang.

Magaling! Talagang tingin ko ay nanonood kau sa inyong mga bahay


tungkol sa mga hayop. Tingnan natin ang kasunod na hayop na aking ipakikita.

PANGATLO:

Ano kaya ang nasa larawan? Ano kaya ang galaw na pwede nitong gawin?
Isa po itong isda at ang galaw po nito ay paglangoy.

Napakahusay! Ang isang isda ay lumalangoy. Tingnan nating mabuti ang


Huling hayop na aking ipakikita.

PANG-APAT:

helicopter,airplane,air balloon,jet. Larawan ng balsa, submarine,barko,


yate,Bangka. Ipapakita ng guro ang mga larawan sa pisara.
Sasakyang panghimpapawid ang tawag sa mga sasakyang lumilipad sa
Hangin samantalang, Sasakyang Pantubig ang tawag sa mga sasakyang
makikita sa tubig.
E. Paglinang sa Kabihasnan (Analysis)
Ngayon upang mas inyong maintindihan ang aking sinasabi naghanda
ako ng mga pangkatanng Gawain o igugrupo ko kayo s 3.
(sasabihin ng guro ang pamantayan sa paggawa)
Pangkat 1. Buuin ang puzzle ayon sa tamang hitsura ng larawan..
Pangkat 2: Bilangin ang mga sasakyang Pantubig at Panghimpapawid.
Piliin ang mga tamang bilang sa ibibigay ng guro.
Pangkat 3. Bakatin ang larawan ayon sa sunod-sunod na bilang upang
mabuo ang larawan. Kulayan ito pag katapos.
Naiintindihan ba ninyong lahat mga bata? Opo!

F. Paglalahat ng Aralin (Abstraction)


Tandaan mga bata na ang mga halimbawa ng mga sasakyang Pantubig
ay mga balsa, barko,bangka, submarine,yate. Samantalang ang mga
halimbawa ng sasakyang Panghimpapawid ay mga eroplano, rocket,
hot airballoon,helicopter at jet. Kung sasakay tayo sa mga nabanggit
ano ang dapat gawin? ( Magbibigay ang mga bata ng mga sagot.)

G. Paglalapat ng mga Gawain sa Pang araw- araw na Gawain. (Application)


Panuto: Ilagay sa tamang lugar ang mga sasakyan kung saan ito nagagamit.

Sasakyang Pantubig Sasakyang Panghimpapawid

( Sasagutan ng mga bata ang mga tanong)


H. Pagtataya ng Aralin (Assessment)
Panuto: Kulayan ng asul ang mga sasakyang makikita sa tubig at
Kulayan ng dilaw ang mga sasakyang Panghimpapawid.

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin.


Gumupit tig 2 piraso ng larawan ng sasakyang pantubig at panghimpapawid.
Idikit ito sa inyong kwaderno.
Panuto: Kulayan ng asul ang mga sasakyang makikita sa tubig Panuto: Kulayan ng asul ang mga sasakyang makikita sa tubig
At kulayan ng dilaw ang mga sasakyang Panghimpapawid at kulayan ng dilaw ang mga sasakyang Panghimpapawid.
PANTUBIG PANGHIMPAPAWID

You might also like