You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
IV-A CALABARZON
Division of Quezon
Lopez West District
HONDAGUA ELEMENTARY SCHOOL

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MUSIKA IV


(4A’s Teaching Approach)

A. Pamantayang Pangnilalaman
Demonstrates understanding of concepts pertaining to speed/flow of music.
B. Pamantayan sa Pagganap
Creates and performs body movements appropriate to a given tempo.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Uses appropriate musical terms to indicate variations in tempo, Largo and Presto,
MU4TP-IVb-2

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang pagkakaiba ng Largo at Presto bilang mga tempo sa musika;
b. Nakaaawit ng isang awiting may tempong Largo at Presto; at
c. Aktibong nakikilahok sa mga gawaing pagkatuto.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Ang Pag-awit sa Tempong Largo at Presto
B. Sanggunian: Kagamitan ng mga Mag-aaral sa Musika at Sining 4, pg. 110-114
C. Kagamitan: T.V., Marker, Board, Cartolina, Mga larawan, Envelopes

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral
upang pangunahan ang panalangin)
(Pangungunahan ng mag-aaral na tinawag ang
Inaanyayahan ko si _______ para panalangin)
pangunahan ang ating panalangin.

Amen. Amen.

Maraming Salamat _____.

2. Pagbati
Magandang umaga grade four pandanggo!
Magandang umaga rin po.
3. Pagtsek ng liban at hindi liban sa klase
(Tatanungin ng guro ang lider ng bawat
pangkat kung sino ang liban sa kanilang (Sasabihin ng lider kung sino ang liban sa
grupo.) klase)
4. Balik-aral
Sa nakaraang aralin naunawaan natin na
ang bawat bagay o pangyayari sa ating (Ang mga mag-aaral ay tahimik na nakikinig)
kapaligiran ay may kanya-kanyang kilos o
galaw.Gano’n din pagdating sa musika. Ang
mga awitin/tugtugin ay may tiyak na kilos o
galaw, Ito ay maaaring mabilis o mabagal.

Anong elemento ng musika ang


naglalarawan sa bilis o bagal ng daloy ng Ma’am ang elemento po ng musika na
isang awitin o tugtugin? naglalarawan sa bilis o bagal ng daloy ng
isang awitin o tugtugin ay tempo.

Magaling mga bata, ito ay ang tempo.

Ano-ano kaya ang mga halimbawa ng mga


awitin o tugtugin na may mabagal na (Sasabihin ng mga mag-aaral ang alam nilang
tempo. mga halimbawa ng awitin/tugtugin na may
mabagal na tempo.)

At ano-ano naman kaya ang mga (Sasabihin ng mga mag-aaral ang alam nilang
halimbawa ng mga awitin o tugtugin na may mga halimbawa ng awitin/tugtugin na may
mabilis na tempo. mabilis na tempo.)

Magagaling mga bata!


(Sasagot ang mga bata ayon sa gusto nilang
Kung kayo ay papipilliin, anong tugtugin ang pakinggang awitin o tugtugin at sasabihin kung
gusto ninyong pakinggan? Bakit? bakit iyon ang kanilang gustong pakinggan)

5. Pagganyak
Bago natin simulan ang kasunod nating
aralin, umawit muna tayo at sumayaw ng
tugtuging may pamagat na “A Ram Sam
Sam”
(Tatayo ang mga mag-aaral)
Tumayo muna ang lahat.

(Magf-flash ang guro ng awiting may (Gagayahin ng mga bata ang sayaw na “A
pamagat na “A Ram Sam Sam”) Ram Sam Sam)

Ram Sam Sam


A Ram Sam Sam (Traditional Moroccan Song)
(Traditional Moroccan Song)
A ram sam sam, a ram sam sam
A ram sam sam, a ram sam sam Guli guli guli guli guli ram sam sam
Guli guli guli guli guli ram sam sam
A ram sam sam, a ram sam sam
A ram sam sam, a ram sam sam Guli guli guli guli guli ram sam sam
Guli guli guli guli guli ram sam sam
A rafi, a rafi
A rafi, a rafi Guli guli guli guli guli ram sam sam
Guli guli guli guli guli ram sam sam
A rafi, a rafi
A rafi, a rafi Guli guli guli guli guli ram sam sam
Guli guli guli guli guli ram sam sam

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Ngayon mga bata ay maaari na kayong
umupo ng maayos sa inyong mga upuan.
Opo.
Nakaupo na ba ng maayos mga bata?

Magaling.

Ngayon naman ay tingnan ang ilalim ng (Titingnan ng mga mag-aaral ang ilalim ng
inyong mga upuan. Tingnan kung may kanilang mga upuan para tingnan kung may
makikita kayong mga larawan mula rito. makikitang larawan)

(Sasagot ang mga batang nakakuha ng mga


Sino sa inyo ang may nakitang larawan sa larawan.)
ilalim ng kanilang upuan?

Itaas nyo nga at ipakita sa akin ang mga (Itataas ng mga mag-aaral ang mga larawan
larawang inyong nakita? na kanilang nakita para ipakita sa guro)

(Babalik na sa kani-kaniyang mga upuan ang


mga batang nakakuhan ng larawan.)

Hindi po buo ang mga larawan.


Ano ang napansin nyo sa mga larawan?

Ngayon, ay inaanyayahan ko ang mga


batang may hawak na larawan na pumunta (Pupunta ang mga batang may hawak ng
dito sa unahan at hanapin ang kapares ng larawan sa unahan at hahanapin sa isa’t isa
inyong mga nakita upang mabuo ang ang mga kapares nito saka ididikit sa pisara)
larawan.

Idikit ang mga nabuong larawan sa pisara.

Maraming salamat mga bata, makakabalik (Ang mga mag-aaral na tinawag ay babalik sa
na kayo sa inyong mga upuan. kaniya-kaniyang upuan.)

Ngayon ay ating tingnan ang bawat


larawan.

(Isa-isang tutukuyin ng guro ang mga


larawan)
Ang mga larawan po na nabuo ay larawan ng
Ano-ano ang mga nabuong larawan? bombero, batang may hawak na bola, larawan
ng matanda, at larawan ng mga sasakyan.
Magaling mga bata!

(Magbibigay ang guro ng sitwasyon at


magtatanong kung ano ang dapat na
maging kilos/galaw ng isang tao o ng isang
bagay sa bawat sitwasyon.)

Nalaman ng isang
bomber/fireman na may
sunog sa nasasakupan ng
isang bayan kung saan sya
nakadistino. Ano ang dapat
na ipakitang kilos o galaw ng
isang bombero sa ganitong Ang dapat po na ipakitang kilos o galaw ng
klaseng sitwasyon? isang bombero kapag may sunog ay dapat na
mabilis.
Tama, ang kilos ay dapat na mabilis.

Ano ang dapat na ipakitang


kilos o galaw ng isang
basketbolista kapag sya ay Ang ipapakitang kilos o galaw ng isang
naglalaro kasama ang basketbolista ay dapat na mabilis.
kanyang team?

Magaling mga bata, ang dapat na


ipakitang kilos ng isang basketbolista
ay mabilis na kilos.

Nakakita ka ng isang
matanda, may tungkod,
sumasakit rin ang kanyang
tuhod at likod. Ano sa palagay Magiging mabagal po ang pagkilos ng
mo ang ipapakitang kilos o matanda sa kanyang paglakad dahil sumasakit
galaw ng isang matanda kung ang kanyang tuhod at likod.
sya ay maglalakad na may
ganoong karamdaman?

Tama, magiging mabagal ang kilos ng


isang matanda sa kanyang paglakad
dahil sa kanyang nararamdaman.

Halimbawang marami ang


mga taong tumatawid sa
unahan ng mga sasakyan na
ito, kasabay pa nito ay ang
mga pasahero na
nagsisisakay upang umuwi
sa kani-kanilang mga
probinsya para Dahil may mga taong tumatawid ang mga
magbakasyon. Ano kaya ang sasakyan ay magkakaroon ng mabagal na
trapiko o galaw na maaaring pagkilos o paggalaw.
makita sa mga sasakyan?
Mahusay mga bata!

2. Pagsusuri
Ang pagkilos natin at ng iba pang mga
bagay sa ating paligid ay may kanya-
kanyang tempo, maaaring ito ay mabilis o
mabagal, depende sa sitwasyon at mga
pangyayari sa paligid.

(Magtatanong ang guro)


Ma’am, kailangan po natin kumilos ng mabilis
Kailan ba tayo dapat kumilos ng mabilis? kapag kailangan, halimbawa ay kapag
nagmamadali o may kailangan habulin na
oras.

Kailan naman tayo dapat kumilos ng Ma’am nakadepende po sa sitwasyon kung


mabagal? kailan tayo dapat kumilos ng mabagal.

Mahuhusay mga bata!

Bigyan natin ang bawat isa ng “Ang galing- (Gagawin ng mga bata ang “Ang galing-galing
galing clap” (gagawin ng guro ang “Ang clap)
galing-galing clap”)

3. Talakayan (Ang mga mag-aaral ay makikinig)


(Tatalakayin na ng guro ang aralin)

Ang mga awitin o tugtugin ay kumikilos


tulad ng mga pangyayari sa paligid.
May mga pagkakataon na kailangang
kumilos nang mabilis at mabagal.
Kaugnay nito, ang musika ay
dumadaloy sa mabilis at mabagal na
paraan. Ito ay ang tinatawag na
tempo.

Mayroon tayong dalawang uri ng


tempo, ang Largo at ang Presto.

Ano nga ba ang Largo?


Ang Largo ay ang tinatawag nating
mabagal na tempo o mabagal na daloy
ng awitin o tugtugin. Masasabi nating
ang isang awitin/tugtugin Largo kung
ang tempo nito ay mabagal.

Ano nga ulit ang tawag kapag ang Ma’am kapag po ang awitin ay may tempong
tempo ng awitin ay mabagal? mabagal, ito po ay tinatawag na largo.

Magaling!
Ano naman ang Presto?
Ang Presto ay ang tinatawag nating
mabilis na tempo o mabilis na daloy ng
awitin o tugtugin. Masasabi nating ang
isang awitin/tugtugin ay presto kung
ang tempo nito ay mabilis.

Ano nga ulit ang tawag kapag ang Ma’am kapag po ang awitin ay may tempong
tempo ng awitin ay mabilis? mabili, ito po ay tinatawag na presto.

Mahusay!

Ngayon naman ay ating pakinggan


ang awiting “Kalesa” ni Levi Celerio

(Ipapakinig ng guro ang awiting (Papakinggan ng mga bata ang awiting


“Kalesa” at pagkatapos ay “kalesa” at susubukan na sagutin ang mga
magtatanong) tanong pagkatapos)

Mga Tanong: Ma’am ang Kalesa po ay transportasyong


Anong uri ng transportasyon ang pang-lupa.
kalesa?

Sa anong uri ng pamayanan makikita Ma’am ang kalesa po ay transportasyon noong


ang kalesa? panahon ng mga kastila dito sa ating bansa.

Ma’am ito rin po ay maaari rin makita sa mga


probinsya at siyudad.

Ma’am, ang mabuting naidudulot po ng


Ano ang mabuting naidudulot sa paggamit ng kalesa ay hindi na po ito
kapaligiran ng paggamit ng kalesa? gumagamit ng gasolina na nagdudulot ng usok
sa ating kapaligiran.

Ano ang inyong napansin sa tempo ng Ang awiting “Kalesa” po ma’am ay may
awiting “kalesa”? tempong mabilis at mabagal.

Mahusay mga bata, ang awiting


Kalesa ay may mabilis at mabagal na
tempo.

3.1 Paglalahat
Tandaan na ang mga awitin o tugtugin
ay kumikilos tulad ng mga pangyayari
sa paligid.Maaaring ito ay mabagal o
mabilis.

(Magtatanong ang guro)

Ano ang tawag sa awitin/tugtugin na Ma’am, ang tawag po sa awitin/tugtugin na


may mabilis na tempo? may mabilis na tempo ay presto.
Ano ang tawag sa awitin/tugtugin na Ma’am, ang tawag po sa awitin/tugtugin na
may mabagal na tempo? may mabagal na tempo ay largo.

Magagaling mga bata!

Bigyan natin ang bawat isa ng “Ang (Gagawin ng mga bata ang “Ang galing-galing
galing-galing clap” (gagawin ng guro clap)
ang “Ang galing-galing clap”)

4. Paglalapat

Ngayon naman, tayo ay magkakaroon


ng pangkatang gawain.

(Papangkatin ang klase sa tatlong


pangkat)

Handa na ba kayo para sa ating Opo.


pangkatang gawain mga bata?

Kung handa na, ano-ano nga ulit ang Unawain mabuti ang tagubilin para sa
mga pamantayan o dapat n’yong gagawin.
tandaan kapag may pangkatang
gawain? Gumawa ng tahimik.

Huwag maingay.

Makipagtulungan sa ka-grupo.

Maghanda ayon sa ibinigay na oras ng guro.

Mahusay mga bata.

Ngayon tinatawagan ko ng pansin ang


mga lider ng bawat pangkat upang
kunin ang envelop na naglalaman ng
mga tagubilin sa inyong gagawin.

(Lalapit ang mga lider sa guro para kuhain ang


(Bibigyan ng guro ang lider ng bawat
envelop na naglalaman ng mga tagubilin)
pangkat ng envelop na naglalaman ng
mga tagubilin para sa gagawin ng
kanilang pangkat.)

Ngayon naman ay basahin ng lider


(Babasahin ng lider ang tagubilin para sa
ang tagubilin para sa kanilang
kanilang gagawin)
gagawin.
Magsimula tayo sa lider ng unang (Magbabasa ang lider ng unang pangkat)
pangkat.
Kasunod ay ang lider ikalawang (Magbabasa ang lider ng ikalawang pangkat)
pangkat.
At panghuli ay ang lider ng ika’tlong
pangkat.
(Magbabasa ang lider ng ika’tlong pangkat.)

Naintindihan ba ang inyong gagawin


mga bata? Opo!

Tandaan mayroon lamang kayong


tatlong (3) minuto para sa inyong
preparasyon.

Maaari nyo nang simulan ang inyong


pangkatang gawain.
(Sisimulan na ng mga mag-aaral ang
pangkatang gawain)
(Matapos ang tatlong minuto ang guro
ay magtatanong)

Handa na ba ang bawat pangkat para


sa kanilang presentasyon?
Opo!

(Magbibigay ng puna ang guro para sa


naging presentasyon ng bawat
pangkat)

Palakpakan natin ang bawat pangkat!


(Papalakpak ang mga mag-aaral ang bawat
pangkat.)

IV. PAGTATAYA
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na elemento ng musika ang naglalarawan ng mabilis


o mabagal na pag-awit o pagtugtog?
a. rhythm b. melody c. tempo

2. Alin sa sumusunod ang mabilis na tempo?


a. largo b. presto c. piano

3. Alin sa sumusunod ang mabagal na tempo?


a. largo b. forte c. presto
4. Alin sa sumusunod na awitin ang may tempong largo?
a. Ang Alibangbang b. Chua-ay c. Ili-Ili Tulog Anay

5. Alin sa sumusunod na awitin ang may tempong presto?


a. Ang Alibangbang b. Ugoy ng Duyan c. Ili-Ili Tulog Anay

V. TAKDANG-ARALIN
Humanap/ Makinig ng isang awitin na may tempong largo at presto. Awitin ito sa
harap ng klase.

Inihanda ni:

MAREBEL P. AGUILAR
Student Teacher

Sinuri ni:

MRS. GLEZY JOY H. ANACION


Cooperating Teacher

You might also like