You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

PALAWAN STATE UNIVERSITY


Tiniguiban Heights, Puerto Princesa City

Roxas Campus
National Highway, Brgy. New Barbacan, Roxas, Palawan

Lesson Planning
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
A. Natutukoy ang melodic pattern na so-mi.
I. LAYUNIN B. Nakaaawit ng mga himig nang may wastong tono.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa paggamit ng sofa silaba so-mi sa pag-awit.

A. Pamantayang
Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pagkaunawa sa tono at payak na melodic pattern.
(Content Standards)
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakakatugon ng tama sa taas at baba ng tono sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan, pagkanta, at paggamit ng
Pagganap ibang instrument na nakalilikha ng tunog.
(Performance
Standards)
C. Mga Kasanayan sa Awitin ang payak na simple melodic pattern so-mi.
Pagkatuto
(Learning
Competencies)

II. NILALAMAN Simple Melodic Pattern (SO, MI)

III. KAGAMITAN
PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. Mga pahina sa gabay
guro Pg. 27-28
(Teacher’s Guide Pages)
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang
Mag-Aaral
(Learner’s Materials
Pages)
3. Mga pahina sa
teksbuk
(Textbook pages)
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng learning
resource
(Additional Materials
from Learning
Resource (LR) portal)
B. Iba pang
kagamitang panturo
(Other Learning Larawan, bandila, manila paper, kahon at hugis.
Resources)
Integrasyon
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang
Gawain
1. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating


panalangin. Rodel, pangunahan
mo ang ating panalangin.
(mananalangin ang mga mag-aaral)

2. Pagbati
Magandang Umaga sa inyong
lahat!
Magandang umaga rin po!
Bago umupo pulutin ang mga
kalat na inyong nakikita sa
ilalim ng inyong upuan.
(pupulutin ng mga mag-aaral ang kalat, itatapon
sa basurahan at uupo)

3. Pagtala ng mga liban

Mayroon bang liban ngayon sa


ating klase?
Wala po!
Ako ay nagagalak at walang liban
ngayon sa ating klase.

B. Balik aral sa
nakaraang aralin/ Bago tayo magpatuloy sa ating panibagong aralin
Pagsisimula ng sa umagang ito. Natatandaan niyo pa ba ang
aralin tinalakay natin kahapon. Itaas lamang ang kamay
(Review Previous kung nais sumagot.
Lessons)
Sige, Carl.
Ang tinalakay natin kahapon ay patungkol sa
pitch.
Magaling! Kahapon sinuri natin ang mga bagay
na may mababa at mataas na tunog.

Mayroon akong inihandang gawain para masubok


kung inyo na ba talagang naintidihan ang ating
nakaraang tinalakay. Pinangalanan ko itong
“YOUR SOUNDS FAMILIAR”.

Kailangan ko ng 5 mag-aaral para sa gawaing ito.


(tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ana, Kris, Colleen, Princess at Paul. Pumunta na
kayo dito sa harapan ng klase.

Ang gagawin ng limang mag-aaral ay isusuot sa


kanilang mga ulo ang sombrerong napili nila at
gagayahin ang tunog ng nasa larawan.
Samantalang ang mga natitirang mag-aaral
naman na nasa kanilang mga upuan ay ang
magsasabi kung ang tunog ba na ginagawa ng
kanilang kaklase ay mababa o mataas.
Malinaw na ba ang ating panuto?
Opo!

Magaling! Tayo ay magsimula na.


Sige, sinong nais na mauna?
Ma’am

Sige, Ana.

Meow..meow..meow..
Ang tunog ba na ginawa ng inyong kaklase ay
mababa o mataas?

Mataas po!
Tama!
Sunod ay si Kris.

Aw.aw. aw..
Ang tunog ba na ginawa ng inyong kaklase ay
mababa o mataas?

Mababa po!
Magaling! Sunod ay si Colleen.

Boom.boom.boom.
Ang tunog ba na ginawa ng inyong kaklase ay
mababa o mataas?

Mababa po!
Mahusay! Sunod ay si Princess.

Hehehe…hehhe..heheheee..
Ang tunog ba na ginawa ng inyong kaklase ay
mababa o mataas?

Mataas po!
Panghuli ay si Paul.

Moo..moo..moo..
Ang tunog ba na ginawa ng inyong kaklase ay
mababa o mataas?
Mababa po!

Magaling! Ako ay lubos na natutuwa at malinaw


na sa inyo ang ating nakaraang tinalakay.

C.Paghahabi sa
layunin ng aralin Ano ang nakikita niyo sa larawan?
(Establishing
purpose for the
lesson)

Ma’am
Sige, John.

Mayroon po na dalawang bata na naglalaro.

Magaling! Ano ang nilalaro ng dalawang bata na


nasa larawan?
Naglalaro po sila sa seesaw.

Mahusay! Sa tingin niyo ba mga bata ay


nasisiyahan sila sa ginagawa nila?
Opo!

Sino dito ang nakakita na ng seesaw?


(magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sino sa inyo ang naranasan ng maglaro sa seesaw?


(magtataas ulit ng kamay ang mga mag-aaral)

Kadalasan ang seesaw ay matatagpuan natin sa mga


palaruan. Ito ay masayang laruin lalo na para sa mga
batang katulad niyo.
D. Pag-uugnay ng
mga halimbawa Klas, pamilyar ba kayo sa kantang
sa bagong aralin “See-Saw”
(Presenting Hindi po.
examples/instanc Kung ganon ay hayaan niyong ituro ko ito sa
es of the new inyo.
lesson)

(ituturo ng guro ang tamang pag-awit ng kantang


seesaw)

Ngayon ay kayo naman.


1,2,3 handa awit.
(ang mga mag-aaral ay aawitin ang kantang
seesaw.)

Lagyan natin ng kunting aksyon ang kanta. Salit-


salit nating itataas at ibaba ang ating kamay
katulad ng isang seesaw.
(ang mga mag-aaral ay aawitin ang kantang
seesaw habang isinasagawa ang aksyon na sinabi
ng guro.)

Mga bata, nasiyahan ba kayo sa ating ginawa?


Opo!

Mabuti kung ganon. Ngayong araw ay pag-


aaralan natin ang simple melodic pattern so-mi.

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin ngayong


umaga, narito ang ating layuning dapat
maisakatuparan.

A. Natutukoy ang melodic pattern na so-mi.


B. Nakaaawit ng mga himig nang may wastong
tono.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa paggamit
ng sofa silaba so-mi sa pag-awit.

Nauunawaan na ba ninyo mga bata ang ating


layunin ngayong umaga?
Opo!
E. Pagtatalakay
ng bagong Dumako na tayo sa ating talakayan.
konsepto at
paglalahad ng Tingnan at suriin natin ang sofa silaba sa
bagong musika.
kasanayan
(Discussing new
concepts &
practicing new
skill #1)

Klas, ano ang napapansin niyo sa posisyon ng


mga nota ng ating sofa silaba?

Ma’am, ang mga nota ay nagsimula sa mababa


hanggang pataas ng pataas.

Mahusay! Ang mga nota na nagrepresenta sa


sofa silaba ay unti-unting tumataas mula sa
mababa hanggang mataas.

Mga bata nais niyo bang malaman kung paano


inaawit ang sofa silaba sa musika?
Opo!

Sige, makinig kayo ng mabuti. Pagkatapos ko ay


kayo naman ang kakanta.

(aawitin ng guro ang sofa silaba)

Ngayon klas ay kayo naman


(aawitin ng mga mag-aaral ang sofa silaba)

Ang mga nota na nagrepresenta ng sofa silaba ay


unti-unting tumaas sa linya ng musical staff.
Nagsimula sa mababang Do hanggang sa mataas
na Do.

Ngunit ngayong araw klas ang pag-aaralan lang


natin ay payak na melodic pattern so-mi.

Ang simple melodic pattern ay pagtaas at


pagbaba ng tono sa isang awit.

Ang himig sa musika ay tinatawag din na


melody o melodiya. Ang mataas na melodiya ay
so at mi naman ang mababa.

so
mi
Mga bata kung napapansin niyo mayroong mga
hugis na makikita sa inyong mga upuan. Nais
kong gamitin niyo ito ngayon sa ating gagawin.
Panuto: Ibigay ang nawawalang sofa silaba sa
awiting Rain, Rain Go Away. Ilagay lamang hugis
na bituin kung ang nawawala ay so at hugis
puso naman kapag mi.

Sinong nais na sumagot?

(tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Elizar, Elyssa, Elia, Julia, Mario, Marvin,


Marlon, Priscilla, Cheren at Harlene.

(iwawasto ng guro ang sagot ng mga mag-aaral)

Bigyan natin ng durian clap ang inyong mga


kaklase.

123
123
Aguy!Aguy! Aguy!
(gagawin ng mga mag-aaral ang clap)

F. Pagtatalakay
ng bagong Magkakaroon muli tayo ng gawain. Ngunit bago
konsepto at ang lahat, hahatiin ko muna ang klase sa 2
paglalahad ng pangkat.
bagong
kasanayan Mayroon akong hawak na kahon, dito natin
(Discussing new malalaman kung sinu-sino ang magkakagrupo.
concepts & Pakipasa ang kahon at dumukot ng isang
practicing skill pirasong papel sa loob.
#2)

(bubunot ang mga mag-aaral sa loob ng kahon)


Lahat ng mga nakakuha ng hugis parisukat ay
pumunta dito sa kanang bahagi ng upuan at ang
lahat naman ng nakakuha ng kulay lila ay sa
kaliwang bahagi.

(susundin ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro)

Unang Pangkat (HUGIS PARISUKAT)

Aawitin ng mga mag-aaral ang kantang “Goodbye


song” sa parte ng guro. Kapag ang tunog ay
mataas aabutin nila ang kanilang mga ulo
samantalang kapag mababang tunog naman ay
ipapadyak lamang nila ang kanilang paa.

Ikalawang Pangkat (KULAY LILA)

Aawitin ng mga mag-aaral ang kantang “Goodbye


song” sa parte ng mag-aaral. Kapag mahabang
tunog aabutin nila ang kamay pataas samantalang
kapag mababa naman ay ipapalakpak ang kamay.

Sabay na magpepresenta ang dalawang grupo.


Magkakaroon ng sagutang awit sa dalawang
panig.

Guro: Mag-aaral:

Good - bye , child - ren. Good - bye , teach - er .

See you, next time. See you , teach - er.

(ang guro ay may inihandang kagamitan para sa


Pangkatang gawain)

Klas narito ang ating pamantayan sa paggawa.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Kooperasyon - 10
Disiplina- 10
Presentasyon - 10
Kabuuang puntos = 30
(ipapaliwanag ng guro ang pamantayan)

Nauunawaan na ba ang ating pamantayang sa


paggawa?
Opo!

Bibigyan ko lamang kayo ng 7 minuto upang


gawin ang inyong pangkatang gawain at 3
minuto para ipresenta ito sa harap ng klase.
Malinaw ba klas?
Opo!

Mahusay! Maaari na kayong magsimula.

(pagkatapos ng itinakdang oras)

Tapos na ba ang lahat?


Opo!

Ngayon ay dumako na tayo sa presentasyon ng


dalawang pangkat.
(magpepresenta ang dalawang pangkat)

Magaling! Bigyan natin ng frog clap ang unang


pangkat.

(bibigyan ng frog clap ang unang pangkat)

Bigyan din natin ng love clap ang ikalawang


pangkat.

(bibigyan ng love clap ang ikalawang pangkat)

G. Paglinang sa
Kabihasaan Kaparehong pangkat magkakaroon tayo ng
Tungo sa isang laro. Handa na ba ang lahat?
Formative
Assessment 3 Opo!
(Developing
mastery/leads to Kung napapansin niyo klas mayroon kayong
formative bandila sa bawat pangkat. Asul na bandila
assessment 3) para sa unang pangkat habang pulang
bandila naman sa ikalawang pangkat. Itataas
lamang ang bandila kung nais na sumagot sa
ipinakitang larawan ng guro. Ang pangkat na
may maraming puntos sa huli ang
hihiranging panalo at makakatanggap ng
papremyo.

Para sa unang bilang


__

Nauna ang ikalawang pangkat.


Ano ang inyong sagot?
So po.

Tama!
Ikalawang bilang.

__

Unang pangkat, ano ang inyong sagot?


Mi po.

Magaling!
Para sa ikatlong bilang.

__ __

Ikalawang pangkat, ano ang inyong sagot?


So, mi po.

Magaling!
Ikaapat na bilang.

so __ __ mi
Sige ikalawang pangkat, ano ang inyong
kasagutan?

So, mi po.

Tama!
Para sa huling bilang.

__ __ __ __

Unang pangkat, ano ang inyong kasagutan?

Mi, so, so, mi po.


Tama! Ang pangkat na nakakuha ng
maraming puntos ay ang unang pangkat.
Narito ang inyong premyo.

H. Paglalapat
ng araalin sa Mga bata kantahin natin ang awiting “Duyan”
pang-araw- gamit ang payak na simple melodic pattern
araw a buhay so-mi. S ay para sa so at M para sa mi.
(Finding
practical Duyan
applications of
concepts &
skills in daily
living)
S M S S M
Du - yan u - min - bay

S S M M S S M
Pa - ta - as at pa - ba - ba.

1,2,3 handa awit.


(aawit ang mga mag-aaral)

I. Paglalahat ng
Aralin
(Making Klas, sana may natutunan kayo ngayong
Generalization araw sa ating talakayan.
& abstractions
about the Ano nga ulit ang paksa natin sa umagang
lesson) ito? Andrew?
Ma’am patungkol po sa payak na melodic
pattern.

Magaling! Ibigay ang payak na melodic


pattern na ating tinalakay?

Sige Anjean. .

So po.

Mahusay! Ano pa klas? Harlene?


Mi po.

Anong pagkakaiba ng so at mi? Claire?


Ang so po ay mataas na himig at mi naman
ang mababang himig.

Magaling! Natutuwa ako dahil lubos niyo ng


naiintindan ang melodic pattern na so-mi.
IV. Pagtataya
(Evaluating Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at
learning) isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang payak na melodic pattern?

a. Ito ay pagtaas at pagbaba ng tono sa isang


awit.
b. Ito ay ang pagtaas lamang ng tono sa isang
awit.
c. Ito ay ang pagbaba lamang ng tono sa isang
awit.

2. Kung mababa ang tono anong silaba ang dapat


gamitin?

a. so b. mi c. si

3. Kung mataas ang tono anong silaba ang dapat


gamitin?

a. so b. mi c. si

4. Ano ang tawag sa limang linya na pahalang


kung saan nakalagay ang mga nota.

a. Melodiya b. Staff c. Tono


5. Mahalaga ba na pinag-aaralan natin ang
mataas at mababang tono?

a. Opo, mahalaga itong pag-aaralan.


b. Hindi po natin itong kailangan pag-aralan.
c. Hindi po natin ito kailangan sa araw-araw na
buhay.

V. Karagdagang
gawain para sa Panuto: Hanapin ang mataas at mababang
takdang aralin tunog sa awit na “ENGINE, ENGINE
at remediation number 9”.
(Additional
activity for
application
remediation)

Inihanda ni:

Mary Ann M. Limpiado


Student Teacher

You might also like