You are on page 1of 11

Maragtas:

Epikong Mula sa

Maragtas kasaysayan
Epikong mula sa Panay, Capiz
isinulat sa pagitan ng mga taong 1200- 1250
Isinalin sa wikang Hilagaynon at Kiniray-a ni Pedro Alcantara Montecarlo, 1907

Para sa mga mamamayan ng Panay, hanggang ngayon ang


epikong ito ay kanila pa ding ipinagdiriwang bilang isang
dahilan kung bakit lumaki ang populasyon ng rehiyong
Visayas.

Buod ng mga Pangyayari


Sa epikong ito nakasaad ang paglalakbay ng sampung datu
ng Borneo papunta sa kapatagan ng Panay. Ang Borneo
(Bisya/Bisaya) ng mga panahong iyon ay pinamumunuan ng
isang masamang at sakim sultan na si Sultan Makatunao.

Buod ng mga Pangyayari


Isang araw, napag-alaman ng isang datu na balak gawan ng
masama ng sultan ang kanyang asawa kaya tinangka nilang
manlaban. Nang malaman ni Datu Sumakwel (isang magaling
na datu ) ang kanilang binabalak, agad itong nagdalawang isip
at sumangguni kay Datu Puti ( punong ministro ni Makatunao).
Sa kadahilanang hindi nila kayang talunin ang pwersa ni
Makatunao at marami lang mamatay, napagdesisyunan nila na
umalis at mamuhay sa ibang lugar.

Buod ng mga Pangyayari


Sa pamumuno ni Datu Sumakwel at Datu Puti, ang sampung
datu kasama ang kanilang pamilya at mga katulong ay
naglayag papunta sa pulo ng Aninipay ( Panay ). Dito ay
nakilala nila ang hari ng Aninipay na si Marikudo(isang Ati), at
kanilang binili ang mga lupain upang kanilang gawing tirahan
gamit ang gintong salakot at gintong batya.

Buod ng mga Pangyayari


Agad naman itong ibinigay ng mga Ati sa Bisaya maging ang
kanilang mga bahay at sila ay nanirahan sa kabundukan.
Madaling inihatid ni Datu Puti ang mga datu sa kani-kanilang
lupain upang paunlarin ito at bumalik sa Borneo para iligtas pa
ang ibang Bisaya sa kamay ng malupit na Sultan.

Kagitingan, pagiging lider at iba pang katangian ng


mga bida
Pagpapahalaga sa kanilang dignidad
Pagsasaalang-alang ng buhay ng kanilang mga nasasakupan
pagiging masiyasat at mahinahong pagtugon sa suliraning di
dapat ginagamitan ng dahas
Pagiging mapagmalasakit sa nasasakupan

Kaugnayan ng maragtas sa kasalukuyan


Nagbibigay diin ito sa sinaunang paraan ng
pamumuno sa mga kabisayaan bago pa man
dumating ang mga kastila na maaring
maihalintulad sa paraan ng pamumuno ngayon
ng isang malayang bansa.

Kaugnayan ng maragtas sa kasalukuyan


Nagsisilbing isang susi pa din ng pagtuklas ng
kasaysayan ng sinaunang Panay ang epikong
ito at ang ilan sa mga bahagi nito ay nagbibigay
sa atin ng kaalaman tungkol sa kultura ng
kabisayaan bago pa dumating ang mga kastila.

Kaugnayan ng maragtas sa kasalukuyan


Sa kasalukuyan ito ay halos mabaon na sa limot ng ilan
nating kababayan at nagmimistulang isang parte na
lamang ng ating kasaysayan. Ito ay dapat maibalik sa
kamalayan ng bawat Pilipino dahil sumasalamin ito sa
malalim na kultura ng ating mga kababayang taga-Panay
at balunlungod din ng ating bansa. Mapupulutan ito ng
mga aral na maari nating gamitin aplikasyon sa ating
pang-araw-araw na buhay at suliranin.

Reperensiya:
Maragtas (Epikong Bisayas). (n.d.). Retrieved August 30, 2016, from
http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mgaepiko-maragtas-epikong-bisayas_603.html
Mr. Homework: Maragtas (Epikong Bisayas). (n.d.). Retrieved August 30,
2016, from
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/maragtas-epikong-bisaya
s.html
Scott, W. H. (1968). A critical study of the prehispanic source materials
for the study of Philippine history. Manila: University of Santo Tomas
Press.

You might also like