You are on page 1of 18

Ginagamit natin ang wika, hindi kaya

ginagamit tayo nito?

Mga Panlahat na Gamit ng Wika


Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o
pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito
ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos,
kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating paguugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman
Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng
wika upang mapag-aralan natin kung papaano
napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay
sa mundo.

I. Ayon kay Michael A.K. Halliday

1.Instrumental Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para


mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan
ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang
kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng
mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap
ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
Halimbawa:
Mga bigkas na ginaganap (performative utterances)
pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya.
Iba pa pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigaypanuto, pag-uutos, pagpilit.

2.Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga


pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of
control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng
wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga
papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para
alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan
para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pagabala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.
Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para
alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.
Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa,
pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro,
pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.

3.Representasyunal Gamit ng wika sa pagpaparating ng


kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari,
paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay,
paghahatid ng mga mensahe, atbp.
May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin
upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may
pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at
hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay
(assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang
o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang
intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at
kalalabisan.
Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng
isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na
naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan
sa daigdig.

Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/


pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di
kayay tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba
(peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon
ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan
ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa
daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit
(particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex,
pasalita ang wika, atbp.
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag,
paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling
impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.
Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit
na ito.

4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay


Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang
pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion;
iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless)
pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay
(channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.
Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito
sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/
grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/
mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon),
mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at
panrehiyon, atbp.
Dapat matutuhan ng mga tao ang mga ibat ibang uri ng
gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang
mahusay sa iba.

Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon


ng wastong pag-uugali (good manners), wastong
pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga
bagay ayon sa kinagawian (presented way).
Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian,
maging malaswang salita (dirty words) sa maling
tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon.
Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa
pagkadulas sa pangyayari.
Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro,
panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay,
pagtanggap, atbp.

5.Personal Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng


isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan
ang wika. May tinig o kinalalaman ang mga tao sa
nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi,
magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang
pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng
pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga
padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan
ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng
pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin.
Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura,
pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin

Totoong may gamit na personal ang wika


ngunit napakahirap itong ilarawan nang
buo. Sa gamit na ito, nagsasama-samang
gumagalaw sa mga paraang walang
nakaaalam ang wika, ang isipan, ang
kalinangan/ kultura at ang katauhan/
personalidad.

6. Heuristic Gamit ng wika bilang kagamitan sa


pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring
gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa
daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong,
konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na
pagsubok sa hypothesis, atbp.
Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang
disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong
magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na
pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot.
Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito
ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang
sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay
ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa
paglikha ang simbolismo ng metalanguage isang
wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng
mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian,
pagbabago, pangungusap, atbp.

Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran,


pagbibigay-konklusyon, paggawa ng hypothesis, pagbibigay
katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna,
pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, dipagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya.

Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga


kalagayang pang-edukasyon at sa mga gawaing
pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng ibaibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng
pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng
wika. Isa ring suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at
nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng wika sa
mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang
disiplina.

7. Imahinatibo Gamit ng wika sa pagbuo ng isang


sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan,
sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian
visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang
magawa sa kabilang dako.
Ito rin ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa
paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol
( babys babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang
paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong
pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang
labis. Ilan lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng
imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o ibang tao.
Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di
lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga
posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig.

Pinahihintulutan din nito ang paglalagay ng


sarili sa katauhan ng mga nababasa/ nakikita
sa telebisyon at sine: nakikinig sa radyo, cd
player, MP3 player (vicarious experience).
Tinutulungan ding matugunan ang maraming
estetiko at artistikong pangangailangan
(urges). Pinahahalagahan ang gamit na
imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong
paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong
isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at
pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito.

II. Ayon kay Roman Jakobson

Kognitibo/ reperensyal/ Pangkaisipan Pagpaparating ng


mensahe at impormasyon.
Conative Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa
pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.
Emotive Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga
saloobin, damdamin at emosyon.
Phatic pakikipagkapwa-tao
Metalinggwal paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga
layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.
Poetic patula, paggamit ng wika para sa sariling
kapakanan.

III. Ayon kay W.P. Robinson

Estetiko Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.


Ludic Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang
katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng
wika habang natututuhan ito, pagbibiro.
Pag-alalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao
paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin
ang pagkikita ( nangyayari kapag ang dalawa o higit pang
tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati),
wika bilang kagandahang asal (kumusta ka?); pagbati,
pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o
pakikiramay.

Pag-alalay sa iba Paggamit ng wika upang


alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin
ng iba paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon
ng tungkulin/ obligasyon pag-uutos, pakiusap,
pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob,
panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot,
panghihiram, pagtawad.
Pag-alalay sa sarili Kaugnay ang ugali at
damdamin Pagkausap sa Sarli nang tahimik o
mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip,
pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran,
pagpapaliwanag.

Pagpapahayag ng Sarili Pagpapahayag ng sarili,


katauhan at damdamin tuwiran sa pamamagitan ng
pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa
damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng
tinig, tunog ng tinig (voice quality).

Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan paggamit ng


wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal
ng mga tao mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa
isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa
iba (G. Gng. Bb)

Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistika a) Pagkilala


(discrimination) pagkilala at pagpapahayag ng kaibhan
at pagkakatulad ng mga bagay. b) Pagbuo (organization)
pag-uuri-uri at pagbibigay katuturan sa mga
kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay.
Pagtuturo Paggamit ng wika sa pagpaparating
(imparting) ng bagong impormasyon at kasanayan.
Pagtatanong at Panghuhula Pagtataka, paghahanap,
paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng haraya
(imagining) pagpapasubali (suppoising).
Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay.

You might also like