You are on page 1of 6

AngTeenage

Pregnancy,ito ay
ang pagbubuntis
ng mga babae sa
edad 12 hanggang
19, isa itong
malawakang isyu
hindi lamang sa
Pilipinas kundi sa
buong mundo.
Ayon sa estadistika ng Save the Children, 13
milyong babae sa ibat ibang parte ng mundo ang
nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito,
nagkaroon ng malawakang kampanya ang gobyerno
upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage
pregnancy.
Maraming mga kababaihang maagang
nabubuntis ang nahihiyang pumunta sa clinic, kung
minsan nga ay tinatago nalang nila ito.
Dahil sa mga gawi nilang ito ay maraming pwedeng
mangyari sa kanilang pag bubuntis. Kabilang sa mga
panganib na maaaring idulot ng maagang pagbubuntis
ay ang pagkakaroon ng kumplikasyon na madalas
Hanggang sa ngayon ay patuloy na tumataas
ang bilang ng mga kabataang maagang
nabubuntis sa bansa at batay ito sa 2011
report ng United Nations (UN) Population Fund-
Philippines, tumaas ng 70 porsyento ang antas
ng teenage pregnancy sa bansa sa loob
lamang ng 10 taon.
Noong 1999, umabot sa 114,205 ang naitalang
kaso ng teenage pregnancy sa bansa, subalit
pagsapit ng 2009 ay umakyat pa ito sa
195,662 kaso.
Dahil sa mga nangyayaring ito, nananawagan
ang ilang grupo sa pamahalaan na bigyan ng
atensyon ang dumaraming kaso ng teenage
pregnancy sa pamamagitan ng pagpapasa ng
batas na makatutulong sa maayos na
komunikasyon at samahan ng isang pamilya.

You might also like