You are on page 1of 6

Yunit 1 Filipino Aralin 9 araw 2

Ibahagi sa klase ang takdang-aralin,


maaaring gamitin ang panimulang ito:
Ayon sa _____ ko, ang bagyong ____
ang pinakamalakas na bagyong
naranasan nila. Nangyari ito noong
______. Dahil sa bagyo, __________.

Halimbawa:
Ayon sa nanay ko, ang bagyong Kading
ang pinakamalakas na bagyong
naranasan nila. Nangyari ito noong
Oktubre 1978. Dahil sa bagyo, mahigit
300 tao ang namatay.
Piliin kung alin ang kasingkahulugan ng
mga sumusunod na salita:
1. Nailubog ni Bebot ang sapatos niya sa baha, ito ay
a. naitapak
b. naianod
c. naitapon
Sagot: b. naianod
2. May pasok ba tayo bukas?, tanong ni Kiko sa
kaklase niyang si Totoy.
Wala, ang biglang sabat ni Fidel na kararating lang.
Kasingkahulugan ng sabat ang
d. sagot
e. tanong
f. sigaw
Sagot: a. sagot
Kapag may bagyo, malakas ang
buhos ng ulan kaya kadalasan ay
bumabaha. Ano sa palagay
ninyo ang mangyayari kapag
tumataas ang tubig at may ilog
sa malapit sa bahay ninyo?
Habang binabasa ang kuwento,
alamin ang sagot sa tanong na
ito: Ano ang nangyari sa bahay
nina Ram at mga kapatid niyang
malapit sa ilog ang mga bahay?
Basahin ng tahimik ang
pahina 23-26.
Pangkatang gawain:

Pangkat 1: ano ang palatandaan ni Greg na may parating na


bagyo? Kanino niya natutuhan ito? Ilista ninyo ang mga
palatandaang ito.

Pangkat 2: Ano-ano ang nangyayaring pinsala kapag Signal No.


3? Iuulat ninyo ang mga ito.

Pangkat 3: Ano ang leptospirosis? Paano nagkakaroon ng


leptospirosis ang tao? Ipaliwanag ninyo ito.

Pangkat 4: Sino ang nakita ng magkakaibigan na batang nag-


iisa sa pansamantalang tirahan ng mga nasalanta ng bagyo?
Gumawa ng tanong at tanungin (interview) ang bata.

Pangkat 5: Kung kayo ang bumisita sa pansamantalang tirahan


ng mga nasalanta ng bagyo, ano ang gagawin ninyong tulong?
Isadula ang pagbahagi ng tulong.

You might also like