You are on page 1of 15

Kagalingan sa Paggawa

SUBTITLE
Ano ang paggawa?
Ang paggawa ng isang gawain o produkto ay
nangangailangan ng sapat na kasanayan upang ito ay
maisagawa. Kailangang may angking kahusayan ang
gagawa nito. Hindi sapat ang lakas ng katawan at ang
layuning makagawa. May mga partikular na
kakayahan at kasanayan ang kailangan sa paggawa.
Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay
isang salik na dapat-isaalang-alang, ngunit hindi lang
ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto
o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.
Ayon kay Pope John Paul II sa kanyang isinulat na
“Laborem Exercens” noong taong 1981, ang paggawa ay
mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito
naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa
sarili, kapwa at sa Diyos. Ang kagustuhang
maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kanya
upang magkaroon nang “Kagalingan sa Paggawa”
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung
tataglayin mo ang mga sumusunod na katangian: (1)
nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, (2) pagtataglay
ng positibong kakayahan, at (3) nagpupuri at
nagpapasalamat sa Diyos.
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga
Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na pagpapahalagang
humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na
pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang
nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo
na may kalidad. Ang produktong kanyang lilikhain ay bunga ng
kasipagan, tiyaga, pagiging malikhain at pagkakaroon ng disiplina sa
sarili
2. Nagtataglay ng Kakailanganing Kakayahan.
Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa
anomang larangan, kailangang pag-aralan at linangin ang mga
kakailanganing kakayahan at katangian tulad ng: kakayahang magbasa,
magsulat, magkwenta, makinig at magsalita, at ang pagkakaroon ng
mayamang kaisipan na gagabay sa iyo upang maging sistematiko at
malinang ang tatlong yugto ng pagkatuto: pagkatuto bago ang paggawa,
pagkatuto habang gumagawa, at pagkatuto pagkatapos gawin ang isang
gawain.
3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos
Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba,
may kalidad at kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos. Kung
ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan ng pagpuri at
pasasalamat sa Kanya.Kapag ganito ang natatak sa iyong isipan,
pagbubutihan at paghuhusayan mo ang lahat ng iyong gawain at ang
balik nito ay pagpapala mula sa Diyos. Ganito ang nangyari sa buhay nina
Vic at Avelyn Garcia. Ayon sa kanila, wala nang hihigit pa sa kaligayang
mararamdaman kapag ang iyong gawain ay isinabuhay bilang paraan ng
pagpuri at pagbibigay pasasalamat sa Diyos. Hindi mo kailanman
mararamdaman ang pagod at untiunting masusumpungan mo ang
damdaming para kang nasa langit, lalo na kung bahagi ng iyong kinikita
ay ibinabahagi mo sa mga nangangailangan. Ang susi sa tagumpay ng
magasawa bilang matagumpay na “Career Coach at Motivational
Speaker” na kanilang minsan nang naibahagi sa 700 C
Ang mga sumusunod na kakayahan ay makatutulong
din upang magkaroon ng matalinong pag-iisip na
kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa (“How to Think like Leonardo da Vinci” ni
Michael J. Gelb):
1. Mausisa (Curiosita)
Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya
ng kasagutan. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o
mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa. Dahil sa
kanyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-
eeksperimento, nakadidiskubre siya ng bagong kaalaman o
produkto na magiging isang malaking konstribusyon sa
kaalaman o nakapagpapaunlad ng kalidad ng buhay.
2. Demonstrasyon (Dimostrazione)
Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di
malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anomang
pagkakamali. Sa karanasang ito natututo ang isang tao
na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa
muli.
3. Pandama (Sansazione)

Ito ang tamang paggamit ng mga pandama,


sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
Ang kakulangan ng bahagi nang katawan
ay hindi hadlang upang isakatuparan ang
tunguhin.
4. Misteryo (Sfumato)
Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang
bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. May mga
pagkakataon sa buhay nang tao na nangyayari ang hindi
inasahan at ang hindi inaasahan na ito ay ang siyang
magbibigay nang pagbabago sa buhay niya bilang tao.
5. Sining at Agham (Arte/Scienza)
Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham,
sining katuwiran at imahinasyon. Binibigyang diin
nito ang kaalamang magpapatibay upang lalo pang
maging malikhain ang pag-iisip.
6. Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan
(Corporalita)
Ito ang tamang pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang
maging malusog upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
Kasama dito ang pag-iwas sa anomang bisyo na pwedeng makasama sa
katawan.
7. Ang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay
(Connessione)
Ito ang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at
mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t-isa. Ayon sa Law of Ecology:
“Everything is connected to everything else.” Ang mga halaman ang
nagbibigay ng Oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop, ang mga hayop
naman ay naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ulit ng mga
halaman sa paggawa ng pagkain

You might also like