You are on page 1of 12

Paggawa ng Konseptong Papel

Matapos na aprubahan ang inyong


paksa para sa pampanahong papel,
ANO NA?

Bago ang pagsusulat,


gumawa muna ng
KONSEPTONG PAPEL
Ano ang KONSEPTONG PAPEL?
Ito ang kabuuan ng ideyang
nabuo mula sa isang framework
ng paksang tatalakayin.
Ano naman ang framework?

Ito ang pinakaistruktura at pinakabuod ng isang


ideya na tumatalakay sa ibig patunayan,
linawin, o tukuyin.
May apat na bahagi ang konseptong
papel:

Rasyunal
Layunin
Metodolohiya
Inaasahang awtput
Rasyunal
-- ipinapahayag nito ang “kasaysayan”
o pinagmulan ng ideya at dahilan
kung bakit napili ang partikular na
paksa.
-- tinutukoy din nito ang
kahalagahan at kabuluhan
ng naturang paksa
Rasyunal
Ang pagdami at pagsugpo sa
pesteng janitor fish sa
Laguna de Bai
Itinuturing na tagalinis ng tubig ang mga janitor
fish. Kaya hindi mawawala sa mga
aquarium, malalaki man o maliliit, ang
nasabing isda. Subalit, ilang taon na ring
problema ng mga mangingisda sa Laguna
de Bai ang pagdami ng mga janitor fish.
Imbes na makatulong sa paglilinis ng lawa,
kabaligtaran pa ang nangyayari.
Mahalagang malaman ang usaping ito
upang mabigyan ng solusyon ang
lumalalang suliranin sa pagdami ng mga
janitor fish.
Layunin
-- tumutukoy ang layunin sa
pakay o gustong matamo
sa pananaliksik.
-- maaaring pangkalahatan o
tiyak ang layunin.

Pangkalahatan kung ipinapahayag ang


kabuuang layon, gustong gawin,
mangyari o matamo sa pananaliksik.
Tiyak kung ipinapahayag ang mga
ispesipikong pakay.
Layunin
Ang pagdami at pagsugpo sa
pesteng janitor fish sa
Laguna de Bai
Pangkalahatang Layunin: Alamin at suriin ang
sakop ng pinsala sa pagdami ng janitor fish,
ang epekto nito sa pamumuhay ng mga
mangingisda sa Laguna de Bai, at
makapagmungkahi ng mga posibleng
kalutasan sa pesteng ito.
Mga tiyak na layunin:
Alamin ang sakop ng janitor fish sa Laguna de Bai.
Suriin ang kapaligiran ng nasabing lawa na
kinahiyangan na ng mga janitor fish.
Alamin ang naging pinsala ng mga ito sa
pamumuhay ng mga mangingisda sa lawa.
Makapagmungkahi ng mga hakbang sa
pagbawas at pagsupil sa mga pesteng isda.
Metodolohiya
-- tumutukoy ito sa pamamaraan na gagamitin sa
pagkuha ng mga datos at pagsusuri sa
napiling paksa sa pananaliksik.
-- maraming paraang ginagamit sa pagkuha ng
datos gaya ng sarbey, panayam,
questionnaire, case study, obserbasyon, at
iba pa.
-- sa pagsusuri naman, ginagamit ang empirikal
na paraan, komparatibo, hermenyutika
(interpretasyon), semiotika (pagkuha ng
kahulugan), at iba pa.
-- malalaman ng mag-aaral ang mga partikular
na paraan o metodolohiya na ginagamit sa
larangan at maging sa mga kaugnay nito
kapag siya’y nasa larangan na.
Metodolohiya
Ang pagdami at pagsugpo sa
pesteng janitor fish sa
Laguna de Bai
Kukuha ng mga datos ukol sa
pagdami ng janitor fish sa Laguna de Bai
mula sa mga artikulo nasulat dito sa mga
diyaryo at magasin. Kukuha rin sa mga
science, agriculture, at aquaculture journals
na mayroon nito. Kukuha rin ng impormasyon
mula sa DENR at DA. Maaari ring kumuha
mula sa mga internasyunal na magasin gaya
ng National Geographic at sa mga bidyong
gawa ng NG at ng Discovery Channel.
Kapapanayamin din ang mga mangingisda
sa lawa at ang mga eksperto sa fisheries.
Mula rito, susuriin ang naging lawak ng problema
at sisikaping makapagbigay ng mga
rekomendasyon ukol sa pagbawas at
pagsugpo ng pesteng isda.
Inaasahang Awtput
-- ito ang magiging resulta ng pananaliksik.

Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng Janitor Fish


sa Laguna de Bai

Isang pampanahong papel ang gagawin na may


tentatibong haba na 12 hanggang 15 pahina.
Sa paggawa ng konseptong papel:

• dalawang pahina ng
short bond,
• font size ay Arial 12,
• double spaced
• isumite ang
kompyuterisadong kopya
sa MARTES, Pebrero 2

You might also like