You are on page 1of 27

FILIPINO 101

TAGALOG Bikol Hiligaynon Ilokano


Kapampangan Pangasinense Sebuano Samar-
Leyte (waray alipin oripon ulipon adysen
alipan aripin ulipon oripon apo makoa ko apo
apo apu apo abo abo araw aldaw adlaw mil
aldo agew adlaw adlaw away iwal away apa
pate subeg away away
Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa
sangkatauhan sapagkat ito ang pinakamagandang kasangkapan ng tao
sa kanyang pakikisalamuha sa pang- araw-araw na pakikipag-ugnayan.
Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga isinatinig na mga
makabuluhang tunog, pinili at isinaayos sa pamamaraang paarbitaryo
upang lubusang maunawaan at magamit ng mga taong nabibilang sa
isang lipunang may natatanging kultura. Wika ang siyang
tagapagpahayag ng mga ideya at sakali mang hindi mapangalagaan
ang pagkakakilanlan nito, tiyak na mawawalan ng saysay ang mga
karunungang nakapaloob dito.
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na
gamit sa pagpapahayag.” Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na
ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid
at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Ang wika ay
instrumento ng komunikasyong panlipunan ayon kay Constantino (1996).
Ito ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain at
panlipunan. (Ayon kay Francisco 2006, mahalaga para sa isang tao na
maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit
niya sa paraang metodo, tiyak at makabuluhan.)
Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila
nanggaling ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang
lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language,
tawag sa wika sa Ingles-nagmula ang salitang lengguwahe o
lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”,
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang wika-sa malawak
nitong kahulugan-ay anumang anyo ng pagpaparating ng
damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang mayroon.
Mahalaga ang wika sapagkat: ito ang
midyum sa pakikipagtalastasan o
komunikasyon; ginagamit ito upang malinaw
at efektivong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao; sumasalamin ito sa kultura at
panahong kanyang kinabibilangan; at isa itong
mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng
kaalaman
Sa Sarili- Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na
nilalang ay nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Sa lahat
ng aspeto ng buhay ng isang tao, nagiging imposible ang
lahat ng kanyang naisin kung may sapat siyang kakayahang
gamitin at padalisayin ang wikang kanyang nalalaman. Sa
Kapwa- Ayon nga sa kasabihang nawiwika sa Ingles” No Man
is An Island” Hindi nalikha ang wika para lamang gamitin ng
isang tao sa kanyang sarili…kausapin ang sarili…gamitin sa
sarili nang walang ibang makikinabang kundi ang kanyang
sarili.
Nangangahulugan lamang na ang wika ay isang
napakahalagang sangkap upang makihalubilo ang
isang rasyunal na tao sa kanyang kapwa rasyunal na
nilalang upang mapalawig nito ang kanyang
karanasan, karunungan at pagiging isang tao na
nabubuhay sa mundo ng mga tao.
Sa Lipunang Kinaaaniban- Sa pagsama-sama ng mga
karanasan, mga karunungan, mga pangarap at mga saloobin
ng bawat rasyunal na nilalang nabubuo ang isang kulturang
nagsisilbing kaluluwa ng isang lipunan. Isang lipunan na
masasabing natatangi sa ibang lipunan sapagkat
nagkakaroon ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat
na sulok ng kanilang nasasakupan.
1. Ang wika ay masistemang balangkas- Bawat wika ay sistematikong
nakaayos sa isang tiyak na balangkas. May kanya-kanyang palatunugan,
palabuuan ng mga salita at istraktura ng mga pangungusap ang bawat wika.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Bawat wika ay may mga makahulugang
tunog na kasangkapan sa komunikasyon. Maraming tunog ang maaaring
malikha ng tao subalit hindi lahat ay maituturing na wika sapagkat hindi ito
naisaayos upang maging makabuluhan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Pinipili ang wikang gagamitin upang
maging makabuluhan at higit na maunawaan ng kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo – Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay
hindi matututong magsalita kung paanong ang naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. (Just the sounds of speech and
their correction with entities of experience are passed on to all members of any
community by older members of that community.)
5. Ang wika ay ginagamit- Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting mawawala at
tuluyang mamamatay. Ito ang dahilan kung bakit daynimiko ang wika. Habang ito’y
ginagamit, patuloy itong nagbabago:patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad
sa patuloy na pagbabago ng panahon.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura- Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa pagkakaiba ng
kultura. Natatangi at malikhain ang bawat wika sapagkat nakabuhol ito sa natatanging
kultura kung saan ito ginagamit.
7. Walang Superyor na wika sa ibang wika - Bawat wika ay superyor
sa mga taong gumagamit nito sapagkat sa wikang ito sila
nagkakaintindihan. Hanggat ang wika ay nagagamit ng isang pangkat
ng tao upang maipahayag ang kanilang sariling kultura at
nagkakaunawaan sila, ang wikang ito ay superyor sa kanila. Walang
mas mataas na wika sa ibang wika at wala ding mas mababang wika sa
iba.
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan at paano
nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit may mga
hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-
aral ng paksang ito. Nahahati sa dalawa ang mga
hinuha at haka-haka hinggil sa pinagmulan ng wika.
Una ay ang batay sa Bibliya at ang ikalawa ay ang
batay sa Agham.
1. Kwento ng Tore ng Babel-(Tower of Confusion)
Mababasa ang kwento sa aklat ng Gen. 11:1-9. Ito
ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng
mga tao ng toreng napakataas na abot hanggang
langit. Nagawa ng mga tao ito dahil sila ay
nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng Diyos
ang ginawa nilang ito kung kaya pinag-iba-iba
niya ang kanilang wika.
 2. Ang mga Apostol Sa bagong Tipan, mababasa
naman sa mga Gawa ng mga Apostol na ang wika
ay nagsisilbing biyaya upang maipalaganap nila
ang salita ng Diyos, Sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo nakapagsalita ang
mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman
upang maituro ang ebanghelyo sa iba’t ibang tao.
1. Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na
ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog
na narinig nila sa kalikasan. (Langitngit ng
puno ng kawayan, hampas ng alon sa
malaking bato, Ungol ng salita ng mga hayop
 2. Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may
kaugnay na tunog. Panggagaya pa rin sa tunog ang
batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang teoryang
ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng mga
tunog ng bagay sa paligid na naging batayan din
ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang
nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng ding-
dong ng kampana, “bang- bang” ng baril at “boom”
ng granada.(ex. Simbolo- puso(pag-ibig) at mga
simbolong pantrapiko at babala
3. Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang
naunang sumensyas ang tao kaysa magsalita.
Subalit dumating ang panahong kailangan
niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais
sabihin. Isang halimbawa dito ang pagtango
kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling
kasabay ng pagsasabi ng hindi.
 4. Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito.
Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam sa mga
Pranses. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang
pagtaas at pagbaba ng kamay ay
nangangahulugang nagpapaalam. Subalit sa
panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong kilos
ng kamay naipapakita ang pagpapaalam kundi
maaari ding iwagayway upang magpaalam.
5. Pooh-pooh –Pinatutunayan ng teoryang ito na
kailangang ibulalas ng tao ang kanyang
damdamin. Ang tao ay lumikha ng wika upang
maipahayag ang iba’t ibang damdamin ng tao
tulad ng pag-ibig, awa, tuwa, galit, lungkot at
iba pa. ex. Takot-o-o-o-h, naku!
 6. Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha
bunga ng pwersang pisikal sa kanyang ginagawa.
Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng
isang inang nanganganak kapag umiire. Kasama na
rin ang mga salitang nabibigkas ng isang karatista
at isang boksingero. Halimbawa ng Yo-He-Ho
Pagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ug Pagsuntok –
hu-hu-hu, bug-bug Pagkarate –ya-ya-ya Pag-ire –
hu-hu-e-e-e
7. Musika- Ipinalagay ng dalubwikang Danish
na si Otto Jerpensen na ang sinaunang wika
ay may melodiya at tono. May kakulangan
umano sa detalye ang wikang ito at walang
kakayahang gamitin sa pakikipagtalastasan.
8. Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas
na sosyal, ang teoryang ito ay naniniwalang
ang tao ay lumikha ng kanyang wika upang
magamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
9. Navya-Nyaya-Ang teoryang ito ay mula sa
India. Pinaniniwalaan nito na ang lahat ng
nasusulat na komunikasyon ay mula sa tunog
na nalikha ng tao. Samakatuwid nag-ugat ang
pasulat na komunikasyon sa pasalitang
komunikasyon.
10. Tarara-boom-de-ay-Pinaniniwalaan ng
teoryang ito na ang tao ay natututong bumuo
ng mga salita mula sa mga ritwal at
seremonya sa kanilang ginagawa. Hal. Ta-ra-
ra-boom-de-ay - Paglututo at paglilinis ng
bahay---tarara-ra- ray-ray - Pakikidigma at
pag-aani- da-da-da, bum-bum

You might also like