You are on page 1of 14

Pahayag na Ginagamit sa

Pagbibigay ng Opinyon at mga


Wastong Gamit ng Salita
A. Pagbibigay ng Matatag na Opinyon

 Buong igting kong


sinusuportahan ang...
Kumbinsido akong…
Labis akong naninindigan na…
 Lubos kong pinaniniwalaan…
A. Pagbibigay ng Neutral na Opinyon

 Kung ako ang tatanungin…


 Kung hindi ako nagkakamali…
 Sa aking pagsusuri…
 Sa aking palagay…
 Sa aking pananaw…
 Sa ganang sarili…
 Sa tingin ko…
 Sa totoo lang…
Wastong gamit ng mga Salita

 Nang at Ng
Ginagamit ang nang sa sumusunod na
pagkakataon:
bilang pangatnig sa mga pangungusap na
hugnayan; ito ay panimula sa sugnay na
di makapag-iisa
Hal.: Ang Pilipinas ay lalong nakilala sa
buong mundo nang mapili ang
Underground River sa Palawan bilang isa
sa New Seven Wonders of the World.
Ginagamit ang nang sa sumusunod na
pagkakataon:

 bilang pang-abay
Hal.: Nakatapos nang mabilis sa mga
gawain ang mga anak na
nagtutulungan.
 Sa gitna ng dalawang salitang-ugat
o dalawang pandiwang inuulit
Hal.:Parami nang parami ang mga
turistang dumarating sa bansa.
Ginagamit ang ng sa sumusunod na
pagkakataon:

 bilang pananda sa tuwirang layon


ng pandiwang palipat
Hal.: Ang nanay ay naghanda ng
pagkain sa bahay.
 Bilang pagpapakita ng pagmamay-
ari ng isang bagay o katangian
Hal.:Ang programa ng pamahalaan
para sa pamilya ay maganda.
Wastong gamit ng mga Salita

 Din/Rin at Daw/Raw
Ginagamit ang rin at raw sa
sumusunod na pagkakataon:
Kung ang sinusunduang salita ay
nagtatapos sa patinig at malapatinig
na y at w
Hal.: Gusto raw niyang mamasyal sa
Pilipinas.
Wastong gamit ng mga Salita

Ginagamit ang din at daw sa


sumusunod na pagkakataon:
Kung ang sinusunduang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa y
at w
Hal.: Mas mahal daw ang
pumunta sa ibang bansa.
Wastong gamit ng mga Salita

 Subukin at Subukan
Ginagamit ang subukin kung
sumusuri at nagsisiyasat sa uri,
lakas, o kakayahan ng isang tao o
bagay:
Hal.: Subukin mo ang husay ng
mga Pilipino.
Wastong gamit ng mga Salita

Ginagamit ang subukan kapag


gustong malaman kung ano ang
ginagawa ng isang tao o bagay nang
palihim:
Hal.: Subukan mo kung ano ang
ginagawa ng mga pinuno ng bansa
kapag nagtitipon.
Wastong gamit ng mga Salita

 Pahirin at Pahiran
Ginagamit ang pahirin kung ang ibig
sabihin ay pag-alis ng isang bagay.
Ginagamit ang pahiran kung ang ibig
sabihin ay paglalagay ng bagay sa
isang lugar o karaniwan ay sa isang
bahagi ng katawan:
Hal.: Pahirin mo ang dugo sa sugat
upang mapahiran ng gamot.
Wastong gamit ng mga Salita

 Sundin at Sundan
 Ginagamit ang sundin kung
ang pahayag ay nangangahulugan
ng pagsunod sa payo o pangaral:
Hal.: Sundin mo ang payo at utos
ng iyong magulang.
Wastong gamit ng mga Salita

 Sundin at Sundan
 Ginagamit ang sundan kung ang
pahayag ay nangangahulugan na
gayahin o puntahan ang pinuntahan
ng iba:
Hal.: Sundan mo ang ginagawa ng
iyong magulang upang maging
matagumpay ka rin sa buhay.
Punan ng wastong gamit ang patlang upang mabuo ang
pahayag sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng
panaklong.

You might also like