You are on page 1of 9

Aralin 1

Mga konseptong Pang Wika


PANIMULANG AKTIBIDAD

Anu ang maaring mangyari kung walang


wika at hindi natin maipahayag ang sarili ng
pasalita o pasulat man? Anu ang gagawin
mo para maiparating ang sumusunod?
Isulat sa isa kalahating papel ang iyong
sagot.
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika

•Nais mong maipaalam sa isang tao na mahal mo sya.

•Nais mong sabihin sa isang taong nagkamali na ang


kanyang nagawa ay isang pagkakamali at nais mo
itong itama.

•Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang


mahirap na kalagayan o problema mayroon ka.
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika

Para sa iyong kaalaman:


: Ang Pilipinas ay isang Kapuluan na binubuo ng pitong libong
pulong nabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo na
pinangalangan:

Luzon
Visayas
Mindanao
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika

Para sa iyong kaalaman:


: Ayon sa opisyal na estatistika tungkol sa mga wika at diyalekto
sa ating bansa, ang datos ay humigit kumulang na 150 wika at
diyalekto sa bansa. (Ayon sa Census of Population and Housing noong
2000)

: Batay sa datos,
Tagalog ang nangungunang wika na may 5.4 milyong
sambahayan,
Cebuano/Bisaya/Boholano naman pumapangalawa na may 3.6
milyong sambahayan,
Ilocano ay may 1.4 Milyong sambahayan,
Hiligaynon/Ilonggo 1.1 Milyong sambahayan
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika

Anu ba ang kahulugan ng salitang


“WIKA”?
: Ang Wika isang napakahalagang
instromento ng komunikasyon.

: Iyo ay behikulong ginagamit sa


pakikipag usap at pagpaparating ng
mensahe sa isat-isa.
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika
Ayon kay:
: Paz, Hernandez at Peneyra (2003)

Ang Wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at


mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
natin. Ito ay behikulo ng ating eskpresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.

: Henry Allan Gleason Jr. Isang lingguwista at propesor


emeritus sa University of Toronto.

Ang Wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na


pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika
Ayon kay:
: Charles Darwin

Si Charles Darwin (Isang bantog na siyentipiko) ay


naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa
ng serbesa o pagbebake ng cake o ng pagsusulat. Hindi
rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay
kailangan munang mapag-aralan bago matutuhan.

Ayon sa Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong


paraan: ito ay isang sistema ng komunikasyong
nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit
sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang
bayan o sa ibat-ibang uri ng gawain.
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika
MAIKLING PAGSUSULIT

Sa kalahating sulatang papel, isulat ang pangalan at seksyon at


sagutin ang mga sumusunod na tanong: (5 puntos bawat tanong)
Sumagot lamang sa loob ng 10 minuto.

1. Anu-ano ang mga kahalagahan ng wika sa buhay ng tao?

2. Anu kaya mangyayari kung mawawala ang wika sa pamayanan


o kultura?

3. Kung ikaw ang tatanungin, anong pagpapakahulugan ang


ibibigay mo sa salitang “Wika”?

Code: F11PT-Ia-85
Aralin 1 Mga konseptong Pang Wika

GAWAING PAMPAGKATUTO
(PERFORMANCE TASK)

Isulat sa buong sulatang papel ang sagot sa tanong na:

Papaano mo pagyayamanin ang iyong Wika?

Code: F11PT-Ia-85

You might also like