You are on page 1of 8

ESPIRITUNG BANAL

Katulad ng banayad
na simoy ng hangin,
haplos mo’y
di napapansin.
Subalit paano ko
malilimutan
ang hatid mo sa puso
ay kapayapaan.
Ang buhay kong nagdusa
sa gitna ng dilim,
pinalaya ng liwanag
mong nagniningning.
At ang init mong dalisay,
pumapawi ng lamig.
Ngayo’y batid kong
ikaw ang pag-ibig.
KORO:

Salamat sa ‘yo,
Espiritung Banal.
Ikaw and dalisay
na pagmamahal.
Salamat sa ‘yo,
Espiritung Banal.
Ikaw ang apoy
na nagbibigay sigla,
Nagpapakilos
sa puso upang
magmahal.
Salamat,
Espiritung Banal.
Katulad ng banayad
na buhos ng ulan,
sa ‘yo’y aking natagpuan,
masaganang tubig
na bumubukal.
Sa pusong nauuhaw,
hatid mo’y pagmamahal.
At sa bawat sandaling
aking kasama ka,
ang init mo’y
aking damang-dama.
At sa ‘king galak at luha
ay kapiling kita.
Pag-ibig at ikaw ay iisa.
KORO:

Salamat sa ‘yo,
Espiritung Banal.
Ikaw and dalisay
na pagmamahal.
Salamat sa ‘yo,
Espiritung Banal.
Ikaw ang apoy
na nagbibigay sigla,
Nagpapakilos
sa puso upang
magmahal.
Salamat,
Espiritung Banal.

You might also like