ni jose rizal ang mga pangyayari sa bisperas ng kapistahan ng san diego. Sa unang liham, ipinakilala ang makapangyarihan taong dumalo at naging abala sa pagdiriwang ng pista gayundin ang magarbong paraan ng pagdiriwang nito mula sa mga palabas sa entablado , mairangal na prusisyon, masasarap na pagkain hanggang sa inuming nakahanda sa mesa. Sa ikalawang liham ay mababasa ang kuwento ni G. Martin Aristorenas tungkol sa karanasan niya sa pagsusugal kasama ang mga kilalang taong gaya nina Padre Damaso at kapitan tiago. At sa huli ay mababasa ang sulat ni maria clarang may himig pag-aalala para kay ibarrang hindi nakita sa mga pagdiriwang dahil sa masamang pakiramdam nito. Sa mismong araw ng pista, halos karamihan ang mga mamamayan ay nakasuot ng pinakamahusay nilang damit, magagandang alahas at mga sumbrero. Umaga pa lamang ay punumpuno ng mga tao ang simbahan. Si Padre Damaso ay muntk ng hindi makapagsermon fahil sa sipon at pamamaos ng boses na nagawang malunasan ng matatandang bababe sa kumbento. Maagang nagsimla ang prusisyon na halos wala namang ikinaiba sa prusisyon ng mga nagdaang araw maliban lamang sa insidenteng nangyari kay Padre Salvi kung saan siya’y tinawag na “Pa-pa!,Pa-Pa” ng isang sanggol na mukhang kastila.