You are on page 1of 48

Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at


makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na,
nagaganap at magaganap pa
lamang.
Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang
pasalita, pasulat at pampaningin.
• Pasalita
kung ang ginawang midyum ay ang
radio at telebisyon;
• Pasulat
kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan
at iba pang uri ng babasahin; at
• Pampaningin
kung ang midyum ay ang telebisyon at
sine.
Mga
Katangian ng
Balita
Mga Katangian ng Balita
• Kawastuhan
- ang mga datos ay inilahad nang
walang labis, walang kulang

• Katimbangan
- inilahad ang mga datos na walang
kinikilingan sa alinmang panig na
sangkot.
Mga Katangian ng Balita
• Makatotohanan
- ang mga impormasyon ay tunay at
aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.

• Kaiklian
- ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan, hindi maligoy.
Kahalagahan
ng Balita
Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon
- Ang kakabaihang regular na natutulog nang
mas kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay
may mas mataas na panganib sa pagtaas ng
presyon ng dugo, ayon sa isang bagong pag-
aaral.
2. Nagtuturo
- Ang relaxation techniques ay isang mabuting
paraan para labanan ang stress at mapanatili
ang magandang kalusugan.
Kahalagahan ng Balita
3. Lumilibang
- Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko
na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa presscon ng
My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa
ito ng sariling eksena para mapansin siya.
4. Nakapagpapabago
- Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis
ng Manila Police DistrictStation Anti Illegal Drugs,
iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa
sa 11 police station ng Manila Police District (MPD).
Mga Sangkap
ng Balita
Mga Sangkap ng Balita
Ang isang balita ay nagiging balita
lamang kung ito ay nakakapukaw ng
interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring sabihing
ang anumang kaganapan na balita
para sa isa ay hindi balita para sa iba
Mga Sangkap ng Balita
• Kapanahunan
- Ito ay bago pa lamang nangyari o
maaaring matagal nang nangyari ngunit
ngayon lamang natuklasan.
• Kalapitan
- Mas interesado ang mgatagapakinig o
mambabasa na malaman ang nagyayari sa
kanilang paligid opamayanan kaysa sa
malalayong lugar.
Mga Sangkap ng Balita
• Kabantugan
- Tumutukoy sa pagiging prominente o sa
pagiging kilala ng taong sangkot sa
pangyayari.
• Kakatwahan o Kaibahan
- Mga pangyayaring di karaniwan tulad
halimbawa ng isang tao na nangagat ng
aso o ng isang hayop na dalawa ang ulo.
Mga Sangkap ng Balita
• Tunggalian
- Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban ng
tao laban sa kapwa tao, maaari itong
pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng
tao laban sa kaniyang sarili.
• Makataong Kawilihan
- Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring
nakapupukaw sa iba’t-ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot ,simpatiya,
inggit at iba pa.
Mga Sangkap ng Balita
• Romansa at Pakikipagsapalaran
- Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay
pag-ibig ng isang tao katulad ng mga
artista kundi ang pakikipagsapalaran din
ng mga ordinaryong tao.
• Pagbabago at Kaunlaran
- Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan ay nangyayari
sa pamayanan ay maaaring paksain ng
balita.
Mga Sangkap ng Balita
• Bilang o Estadistika
- Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng
eleksyon at iba pa.
• Pangalan
- Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng
mga nakapasa sa mga board examinations.
• Hayop
- Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle
mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal
inseminasyon.
• Kalamidad
- Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag- putok
ngbulkan at iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang mga
pinsalang dulot nito.
Mga Uri ng
Balita
Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita
- Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos
at ginagamitan ng kombenkombensyonal o
kabuurang pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
- Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos
at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
Mga Uri ng Balita
B. Ayon sa lugar na pinangyarihan
1.Lokal na Balita
- Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari
ay sa pamayanang kinabibilangan o
tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.
a. pambarangay b.panlalawigan
c. pambayan d. panrehiyon
e. panlunsod f. pambansa.
2.Balitang Pang-ibang Bansa
Mga Uri ng Balita
C. Ayon sa Nilalaman
•Pang-agham at teknolohiya
•Pangkaunlarang komunikasyon
•Pang-isports o pampalakasan
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan
1.Batay sa aksyon
- Ang manunulat / mambabalita ay naroon
mismo sa lugar na pinangyarihan ng
aksyon o pangyayari
Mga Uri ng Balita
2. Batay sa Tala
- Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga
talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital
at iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati
- Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang
talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam
- Kung ang mga datos ay nalikom sa
pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong
sangkot o may alam sa pangyayari
Mga Uri ng Balita
E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina
1. Balitang may iisang tala
- Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.
2. May maraming talang itinampok
- Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na
naganap sa iisang araw at halos
magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil
- Balitang pinaikli nalamang dahil sa kawalan ng
espasyo.
Mga Uri ng Balita
4. Dagliang Balita
- Pahabol na balita na dahil kawalan ng espasyo ay
nilagyan na lamang ng salitang flash at kasunod
nito ang isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang Pangkatnig
- Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit
kaagaapay sa kaugnay na pangunahing balita.
6. Bulitin
- Habol at karagdagan sa mahalagang balita at
inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at
nasa tipong mariin.
Mga Uri ng Balita
F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman
1. Balitang Pamukaw-Kawilihan
- Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao,
bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng
mambabasa.
2. Balitang Nagpapakahulugan
- Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa
dahilan, saligan, katauhan, katauhanng mga
pangunahing sangkot at kahalagahan ng
isang pangyayari.
Ang
Pamatnubay
Pamatnubay
Ang tawag sa una at pangalawang
talata ng balita. Nagsisilbi itong pang-
akit sa mga mambabasa dahil ito ang
pinakabuod ng balita. Sa akdang
lathalain o pabalitang lathalain, ito ay
maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata
Mga Uri ng
Pamatnubay
Mga Uri ng Pamatnubay
1. Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?,
Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?
- Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide
kung saan ang mga mahahalagang ay nasa una at
pangalawang talata. Karaniwang ginagamit ito sa
tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
- Ginagamitan ng pangganyak na panimula ang akda
upang akitin ang mambabasang basahin ang
kabuuan nito. Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat
ng Pabalitang Lathalain.
Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay

1. Pamatnubay na Ano
- Kung ang pinakatampok sa balita ay ang
pangyayari.
2. Pamatnubay na Sino
- Kung higit na pinakatampok ang tao o
organisasyong kasangkot sa pangyayari.
3. Pamatnubay na Saan
- Kung higit na mahalaga ang lugar na
pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito.
Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay
4. Pamatnubay na Kailan
- Hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil
ginagamit lamang ito kung higit na mahalaga
ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga
pangyayari.
5. Pamatnubay na Bakit
- Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang
pinakamahalaga.
6. Pamatnubay na Paano
- Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang
pinakamabisang anggulo na dapat itampok.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
mabisang Pamatnubay
1. Gumamit ng payak na pangungusap
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga
tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit
sa isang pangungusap lamang, kung ito ay
makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa
mambabasa. Alalahaning ang pangalawang talata
ay pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o
dikaraniwang salita sa isang pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at
mga iba pang katulad nitong gramatikong kayarian.
Kaayusan ng
Balita
Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos
sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:
Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong
sa mga sumusunod na dahilan:
1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga
mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay ng mga
mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay
nakapagpapatipid sa kanila sa panahon, dahil sa
pamatnubay pa lang ay nakukuha na n ila ang buod ng
istorya.
2.Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil kung kulang
ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling bahagi ng balita
na hindi nawawala ang mahalagang datos nito.
3.Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang
dalawang talata na naglalaman ng mahahalagang datos ay
maaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulo ng balita.
Mga Hakbang
sa Pagsulat ng
Balita
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos
bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o
pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang
ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido
ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-ibaibahin
ang haba nito.
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa
balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa
magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot
sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing
tambilang ang 10 pataas.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na
salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa
unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad
na mga salita o mga sugnay sa simula ng
magkasunod na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod
nito sa isang talata.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita
5. Ang isang pangungusap na talata ang
pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi
maiiwasan ang paggamit ng mahigit sa isang
pangungusap,hindi ito dapat na sumobra sa 3
pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang
kahalagahan upang kung kukulangin sa
espasyo ay maaaring putulin ang mga huling
talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito.
Mga Katangian ng Isang Manunulat
ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
- Alam kung saan makapangalap ng datos.
- Marunong kumilatis kung alin ang anggulo
sa pangyayari na itatampok sa balita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
Mga Katangian ng Isang Manunulat
ng Balita

7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at
gramatika.
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa
Mga Teoryang
Pampanitikan
Teoryang Realismo
• Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad ng buhay.
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng mayakda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat
Teoryang Realismo
Halimbawa ng mga akdang
masusuri sa teoryang ito
ay ang:
• Iba Pa Rin Ang Aming
Bayan
• Ambo
• Papel
• Mga Ibong Mandaragit
• Maganda Pa Ang
Daigdig
Teoryang Arkitaypal
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta
masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang
konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Realismo
Halimbawa:
• Gapo ni Lualhati
Bautista
Teoryang Formalismo/Formalistiko
• Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
mayakda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at
hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.

You might also like