You are on page 1of 20

ISIP AT KILOS LOOB

TATLONG URI NG NILIKHANG MAY BUHAY SA


MUNDO
HALAMAN
HAYOP
TAO
TAO

• Katulad sa halaman ang tao ay


nangangailangang alagaan upang lumaki,
kumilos at dumami. Kumukuha sya ng sapat
na sustansya upang makaya niyang
suportahan ang sarili.
•Katulad sa hayop ang tao ay may damdamin
kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa
kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa
kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi
inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan
ng hindi tama subalit kumakalma sa tuwing
pinakitaan ng pagkalinga.
Nilikha ang tao ayon sa “wangis ng Diyos”,
kaya tinatawag ang tao na kanyang obra
maestro.
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa
kakayahan niyang makaalam at magpasya
nang malaya.
TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP
NG TAO ayon kay Dr. Manuel Dy

Isip
Puso
Kamay o katawan
ISIP
Kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at
buod ng isang bagay.
May kapangyarihang manghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
Ang isip ay tinatawag na…

Katalinuhan (intellect)
Katwiran (reason)
Intelektuwal na kamalayan
(intellectual consciousness)
Konsensya (conscience)
Intelektuwal na memorya (intellectual memory)
PUSO
Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa
pagkatao ng tao.
Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
Dito hinuhubog ang personalidad ng tao.
Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito
nagtatago.
KAMAY O KATAWAN
Sumasagisag sa…
1. Pandama
2. Panghawak
3. Paggalaw
4. Paggawa
5. Pagsasalita
Karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o
gawa.
Ginagamit upang ipahayag ang
nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan.
Instrumento sa pakikipag-ugnayan sa
ating kapwa.
ISIP- ang kapangyarihang
mangatuwiran ay tinatawag na isip.
KILOS-LOOB- ang kapangyarihang
pumili, magpasya at isakatuparan
ang pinili ay tinatawag na kilos-loob
Isip – ang tao ay naghahanap ng
KATOTOHANAN kaya’t patuloy syang
nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa
nang naaayon sa katotohanang natuklsan. Ang
paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi
nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng
isip.
KILOS-LOOB – ito ay makatwirang
pagkagusto (rational appetency), sapagkat
ito ay pakultad na naakit sa mabuti at
lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang
tunguhin ng kilos-loob any kabutihan.

Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na


impormasyon ng isip.
Kilos-loob
•Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob,
dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang
isang bagay na hindi niya alam o
nauunawaan.
Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa
tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang
kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang
kilos.
Isip at Kilos-loob
• Ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan ay kailangang sanayin at
linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kaniyang
layunin.
• Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at
kilos-loob.
• Inaasahang naipamamalas sa kanyang pagkatao ang
mapanagutang paggamit ng mga ito.
• Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas
ng pinag-aralan kundi kung paano ginagamit ang kaalaman
upang ilaan sang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao,
paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa
pamayanan.
Natatangi ang tao dahil…
-sa kakayahan ng isip at kilos-loob
na kumilos ayon sa kanyang
kalikasan ang magpakatao

You might also like