You are on page 1of 24

AKADEMIKONG

SULATIN
Sa Rebyu ng Dula, Iskit, One-Act Play,
Monologo, Cosplay, at Imprubisasyon
Layunin
◦Nasusuri ang katangian ng mabasa at mahusay
na sulatin batay sa binasang halimbawang dula,
iskit at one-act play
◦Nakasusulat ng halimbawang dula, iskit, one-act
play, monologo, cosplay at imprubisasyon.
◦Nakapagtatanghal ng monologo at cosplay
batay sa isinagawang akademikong sulatin
Panimulang Gawain
KONSEPTO PANANALIKSIK PANAYAM SARILING ALAM
DULA

ISKIT

ONE-ACT PLAY

MONOLOGO

COSPLAY

IMPRUBISASYON
DULA
Anyo ng panitikan na nagtataglay ng katangian
ng pananagisag sa isang kasaysayan o yugto ng
tunay na buhay. Nakapaloob sa anyong ito ng
panitikan ang mga kuwentong isinulat upang
maitanghal sa entablado, pagganap ng mga
tagpo, at dahilan sa pagtatanghal. Panumbas
ang salitang dula sa play. Iniuugnay rin ito sa
palabas at pagtatanghal.
ISKIT
Isang uri ng dula na may layuning makalikha ng
karikatura ng isang tao . Maituturing din itong istilo
ng pagsulat o paraan ng pagkakaganap at
pagbibigay interpretasyon sa isang karakter.
Maihahalintulad din ito sa isang parodiya.
Maituturing din itong maikling dula.
One-Act Play
Dulang ang istruktura ay binubuo ng isang
yugto lamang (Casanova, 1984). Maikli at
madali itong itanghal. Hindi nangangailangan
ng malaking gastos sa produksiyon dahil sa
iilan lamang ang artista, kagamitan, at iba
pang kailangan sa palabas.
Monologo
Isang taong nagsasalita mag-isa. May manonood
man o wala. Karamihan sa mga dasal, lirika, at
lahat ng lamentasyon ay pawang monologo.
Monolohista ang tawag sa taong nagsasagawa
ng monologo sa posibleng nagsasalitang mag-
isa, solong nakikipag-usap sa manonood ng isang
palabas gaya ng dula, nagsasalita sa dula na
hindi nakikita ang manonood.
Cosplay
Ito ay pinagsamang salitang Hapon na “kosupure” na
nangangahulugang kasuotan (kosu) at play o pagtatanghal
(pure). Sa cosplay, karaniwang ginagaya ang mga tauhan sa
anime, computer games, manga, at tokusatsu. Inimbento ang
cosplay taong 1984 ni Nobuyuki Takakashi. Tinangkilik ito sa
Pilipinas bilang uri na rin ng fashion statement ng mga kabataan
at lugar para sa pakikipagkaibigan, lalo na sa mga nagkakahilig
sa cosplay. Ang cosplay ay sumikat sa Pilipinas simula taong 1991
at binigyan ng mga lumikha sa sariling pangalan sa Pinoy Cosplay.
Bahagi ng cosplay sa bansa ang convention ng mga cosplayer.
Imprubisasyon
Isang paraan ng pagbuo ng eksena, diyalogo,
aksiyon, o buong dula na ang mga miyembro ng
pangkat pandulaan mismo ang lumilikha ng mga
ito. Biglaan at walang iskrip. Hamon ang talas ng
isip, pandama, at husay at galing bilang
kabuuan. May mga pagkakataong nilikha rin ang
mga awitin, tunog, musika at maging mga
kasuotan at mga props na aangkop sa uri ng
dula o produksiyong binubuo.
Rebyu ng Dula at Iba pang Pagtatanghal
Bilang Akademikong Sulatin

Ang kasanayan sa panood ang mabisang kasangkapan


upang makabuo ng isang komprehensibo at epektibong
rebuy ng dula, iskit, monologo, one-act play, cosplay, at
imprubisasyon. Ngunit, hindi nagtatapos sa panonood
ang maayos na rebuy. Mahalagang kasangkapin ang
kasanayan sa pagsulat at pagbibigay ng akmang
interpretasyon upang makalikha ng makatotohanang
akademikong sulatin.
Panonood: Habang sa Pagrerebyu
Kaakibat ng panonood ang pagbasa at pag-unawa sa mensahe
ng isang palabas o anumang pagtatanghal. Ang palabas ay
isang uri ng teksto na nasa anyong audio-visual na kailangan
lapatan ng pagpapakahulugan. Dapat abangan ng manonood
bilang mambabasa ang mga nakalutang na isinasagisag ng
palabas batay sa lingguwistika (salita) o biswal (larawan) na
ibinibigay ng anumang pagtatanghal o produksiyon.
Samakatuwid, sa panonood bilang lunsaran ng gagawing rebuy,
magkasama ang iba’t ibang makrong kasanayang
pangkomunikasyon.
Umiikot ang rebyu sa:
Tema --- Bakit ito ang pamagat ng dula, pagtatanghal, o produksiyon?
---Ano ang pangunahing paksa o ideya at genre ng palabas?
Tauhan---Sino ang bida, kontrabida, at iba pang nagsiganap?
---Paano nagsiganap ang mga tauhan? Akma ba ang kanilang kilos, pahayag, at iba pa?
Banghay---Ano ang simula, gitna, at wakas ng kuwento o palabas?
---- Ano ang krisis, resolusyon, aral na hatid ng kuwento o palabas?
Iskoring/Musika---Ano ang mensaheng hatid ng musika?
---Paano naging epektibong o hindi epektibo ang ginamit na musika?
Disenyo ng Produksiyon---Ano-ano ang nagging pangunahing disenyo ng produksiyon?
---Paano pinabisa ng disenyo ang produksiyon ang kabuuan ng palabas?
Direksiyon--- Ano ang naging paraan ng direksiyon ng produksiyon?
--- Paano nagging epektibo o hindi epektibo ang produksiyon?
Sining Biswal
Sining Biswal
Ito ang kahit anong sining na maaaring makita, di
kabilang ang sining-pagganap. Nasa ibang
kategorya ang ang mga ganoong mga sining
katulad ng teatro, musika, o opera, bagaman
walang malinaw na hangganan; tignan ang sining
pangkatawan at interaktibong sining, sa
halimbawa, o ituring ang pelikula at sining ng
midya, na maaaring isali sa karamihan ng ibang uri
ng sining.
Epekto
Komik Strip
Komiks Strip
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga
salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay
o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang
salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
-Graphic novel

-Editorial Cartoon

You might also like