You are on page 1of 7

Uri ng Pandiwa

Ang pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.


Dalawang Uri ng Pandiwa
1. Katawanin – ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa ganang sarili.
Halimbawa:
a. Nagpunta ang mga kabataan sa tahanan ni G. Lirio.
b. Ang mga magulang ay natuwa sa magandang alok ng guro.

2. Palipat - ang pandiwa ay hindi ganap o buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na


tinatawag na tuwirang layon.
Halimbawa:

a. Nagsabit ng karatula sa harap ng kanyang bahay si G. Lirio


Pandiwa T.L

b. Bumili ng instrumentong pangmusika ang mga kabataan.


P T.L.
Tukuyin kung katawanin o palipat ang pandiwang
sinalungguhitan sa pangungusap.

1. Naghulog ng sulat para sa kanyang nanay si


Marina.
2. Malinaw na nag-ulat sa klase si William.
3. Nagtatakbo nang mabilis na mabilis ang mga
manlalaro.
4. Nanonood ng sine ang magkaibigan.
5. Babalik kami sa Linggo.
Tukuyin kung katawanin o palipat ang
pandiwa sa pangungusap.
1. Ang mga magsasaka ay mag-aani ng mais sa
susunod na buwan.
2. Si Adelo ay nagpadala ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo.
3. Malimit maglakbay ang mag-anak na dela
Paz.
4. Bibili siya ng aginaldo para sa kanyang ina.
5. Nakatikim ka na ba ng ginataang dala ni
Daisy?
Gawaing Bahay:
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga
pandiwa bilang a) katawanin b)palipat
• 1. nagtanim
a.
b.
2. Naglaro
a.
b.
3. Magluto
a.
b.
Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa pangungusap. Isulat kung
katawanin o palipat

____ 1. Mag-isang naglalakad sa madilim na kalye


ang binatilyo.
____ 2. Maagang bumangon ang masipag na
manggagawa.
____ 3. Nagpasa ng magandang proyekto ang
pangkat ni Meynard.
____ 4. Ang pasahero ay nag-abot ng eksaktong
bayad sa tsuper.
____ 5. Ang mag-ina ay masayang sumalubong sa
mga panauhin.
Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa
pangungusap. Isulat kung katawanin o palipat
1. Sina Trina at Benjo ay sabay na nagsaliksik sa
silid-aklatan
2. Sama-samang nananalangin ang mag-anak
tuwing umaga.
3. Magkatulong na naghuhugas ng mga pinggan
ang magpinsan.
4. Mabigat ang paang umalis ang ama
patungong ibang bansa.
5. Si G. Ruiz ay humingi ng resibo sa saleslady.
Gamitin ang sumusunod na pandiwa
sa pangungusap.
1. naglalaba(palipat)
2. Napunta (katawanin)
3. Umawit (palipat)

You might also like