You are on page 1of 3

Nobyembre 13, 2019

Miyerkoles

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
1. Nagagamit ang pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay
at pang-uri sa paglalarawan
2. Natutukoy ang kaibahan ng pang-abay at pang-uri
3. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang pang-abay at pang-uri.

I. Paksa
Paggamitng Pang-abay at Pang-uri
Sanggunian: Gabay Pangkurikulum
Alab ng Filipino
Lunsaran: Ang Alamat ng Rosas/Ang Pambihirang Sombrero
Kagamitan: manila paper, bond paper, larawan, laptop

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Isulat ang maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Napakaraming bulaklak at halamang malalago.
Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubugang mga usok,
Unti-unting namayat ang mga halaman.
Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.
Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.
Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.

Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye.


Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay.
Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na barangay sa aming
bayan.
Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan.
Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay mulingsumigla ang mga
tao.

B. Pagganyak

Ilarawan ang mga sumusunod batay sa

Katangian kilos
C. Pagtatalakay
a. Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan/panghalip

Halimbawa: Ang prutas na ito ay masarap.

Malamig ang Baguio ngayong buwan ng Disyembre.

b. Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa.

Halimbawa: Magalang na nagsalita ang bata sa kaniyang ina.

Naglalakad nang dahan-dahan ang matanda.

Suriin ang parehong salita ngunit iba ang gamit sa pangungusap.

Pang-uri Pang-abay

Maayos ang buhok ni Angelica Maayos na nagsalita si Ken sa kaniyang


ama.

Ang boses ni Regine ay maganda. Si Ana ay magandang maglakad.

Siya ay nagluto ng matamis na yema. Matamis siyang ngumiti sa lahat ng


kaniyang nakikita.

D. Pinatnubayang Pagsasanay
Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri
o pang-abay.
1. _____________ Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.
_____________ Matulin tumakbo ang kabayong itim.
2. _____________ Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
_____________ Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
3. _____________ Ang guro namin ay mahusay magpaliwanag ng mga
kababalaghan.
_____________ Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa mga
kababalaghan.
4. _____________ Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.
_____________ Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong
pambata.
5. _____________ Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang manggagawa sa Saudi
Arabia.
_____________ Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi
Arabia.
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri
o pang-abay.

1. ___________ Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.


___________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
2. ___________ Minahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.
___________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay wagas.
3. ___________ Mahigpit na yinakap ng ina ang kanyang mga anak.
___________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.
4. ___________ Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.
___________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.
5. ___________ Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.
___________ Naalala ko ang nakatutuwang bakasyon natin noong isang taon.

V. Takdang Aralin
Gamitin ang salita bilang pang-uri at pang-abay.
1. Masipag
2. Masaya
3. Malungkot
4. Magaling
5. mahusay

You might also like