You are on page 1of 65

Ang DEKADA 80 ang pinaka

MAKULAY na dekada sa lahat ng


larangan Eto man ay mapa–
musika, pelikula, programa,
kasaysayan, pananamit, moda at
teknolohiya. Datapwat mas
mahuhusay ang mga teknolohiya at
imbensyon sa kasalukuyang
panahon na pumapatay naman sa
napakaraming negosyo.
Sa panahon naman ng
Dekada 80 nagmula ang mga
ideya nang makabagong gamit
o kasangkapan at nagkaroon
lamang ng mga inobasyon.
Hindi maikakaila na kay sarap
alalahanin at sariwain ang
panahong ito ng ating
kabataan.
Dekada 80 kung
kailan hindi gaanong
komplikado ang buhay,
hindi pa laganap ang
kahirapan gayundin ang
katiwalian.
Ang trapik ay hindi pa malala
dahil wala pang pedicab, kuliglig o
tricycle sa kalsada panaka-naka’y
may makikita kang kalesa na
bumibiyahe, asul na bus na kung
tawagin ay Lovebus at syempre
ang hari ng kalsada ang makulay
na jeepney na Sarao ang
tatak.Walang gaanong traffic at
organisado ang bawat lugar at
malinis.
Sa mga nakakaluwag sa
buhay ang kotseng kung
tawagin ay Box-type ang
bumida at kung may kaanak
ka naman na galing ng Saudi
stainless na owner-type jeep
ang inyong serbis.
Transportasyon
Hindi malilimutang mga Pagkain
halimbawa ng Bazooka Joe, pulang
Lipps candy, Tarzan, Nougat, Judge at
Bigboy bubblegum, Litson manok na
tsitsirya, Kropek, “kulangot”, Klim
(binaligtad na milk), Rin-bee, Chizcurls,
Nips, White Rabbit na pati balat ay
kinakain, inilalakong lumpiang sariwa at
pichie-pichie at sino ba ang
makakalimot sa sa sampalok na alat-
tamis ang lasa na nakabalot sa plastik
na dilaw.
Mga Pagkain
Mga SIKAT na TV soap opera
man ito o pelikula, Ang mga
klasikong komedya na John En
Marsha, TODAS, Iskul Bukol,
Champoy, Cafeteria Aroma, Bad
Bananas , Chicks to chicks at
maraming iba pa.
Ang GMA 7 noon ay kilala sa
pagpapalabas ng imported na serye; patok
na patok sa kabataan ang Knight Rider
tuwing Miyerkules at sa mga may edad
naman ay ang mga The A-team, Mission
Impossible, Blue Thunder, Love Boat,
Charlie’s Angel, Starsky & Hutch, Chips,
That’s Incredible at Tour of Duty.
May black & white serye na Combat at
Tarzan na sa panahong ‘yon ay talaga
namang hindi pinalalampas ng mga Pinoy.
Napakarami ding mga pelikulang
pilipino noon ang nakikipagsabayan
sa mga Hollywood Movies na madalas
pa nga ay mas marami pa ang sa atin.
May pagkakataon na may ipinalalabas
na isa o dalawang pelikula ang Regal
Films bukod pa ang iba na
independyenteng prodyuser ang may
gawa.Humanga ang lahat ng kumita
ang pelikulang Bagets ni Aga
Muhlach.
Mga pelikula ni Maricel Soriano,
Roderick Paulate, Tito, Vic & Joey,
Romnick at Sheryl at hindi mabilang
na mga artista. Sa mga pelikulang ito
ginaya ang pananamit ng aking mga
kaklase at ka-edaran; T-shirt na may
padding, mga buhok ng babae na
naka-spraynet at sa lalaki naman ay
naka-gel na Dep, sapatos na
magkaiba ang kulay o sintas with
matching tsaleko, nakatiklop na
manggas ng damit.
Wala pa noong computer o
internet, CD player o burner kaya ang
mga kabataan noon ay matiyagang
naghihintay sa radyo na patugtugin ang
mga paboritong kanta at niri-record sa
blangkong “Maxell” na Cassette tape.
At syempre dapat may songhits ka at
excited na hahanapin at sasabayan
ang tumutugtog na kanta nina
Madonna, Michael Jackson, Cyndi
Lauper, Robert Palmer, Spandau
Ballet, Tears for Fear
The Cure, Miami Sound
Machine, Culture Club at sobrang
dami pang grupo na hindi matatapos
kung ilalahad kong lahat o kaya
naman ay ang mga kantang sikat na:
Rico Mambo, Name Game,
Sometimes Fantasy, Body Rock
(theme ng mga breakdancer),
Flashdance, Sweet Dreams, Gold,
Shout, etc.
Ang isa pang libangan noon ng mga
Pinoy, ang pag-arkila ng komiks. (Sikat din
noon ang Liwayway Magazine at imported
na Playboy Magazine) Sino ba ang hindi
makaka-alala sa Happy Komiks at kay
‘Niknok” ng Funny Komiks? Ang sa iba
naman ang kanilang paborito ay mga
komiks na tulad ng: Wakasan, Lovelife,
Tagalog Klasiks, Pilipino Komiks, Horror
Komiks at iba pa na hindi na maalala sa
dami.
Komiks
Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan
at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay ng tao o
pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa
salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na may
titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.
Noon Hindi pa uso PSP, internet at kung ano ano pa
gadget sa panahon natin ngayon.Ang Komiks ang
isa sa mga libangang babasahin at isa din eto sa
mga naging bahagi sa buhay ng Pinoy. Halika at
minsan pa sariwain natin silang muli na minsan ay
nagbigay saya at kilig sa mga karakter or pagka
hilakbot depende sa tema ng bawat istorya na ating
sinusubaybayan.
MGA SIKAT NA MANG-AAWIT
Tama ang kasabihang: “Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa
paroroonan” pero hindi naman
natin gustong mamuhay at matali
sa nakaraan tama nang sariwain
ang alaala dahil ito na lamang
ang ating kayang gawin.
Mga Kalamidad noong
Dekada 80
Bagyong Nitang o Ike
• August 31-September 4, 1984
• 220 kph
• 1,363 deaths (unofficial est. 1,492-3,000
+)
• PhP 4.1B damage
Siargao at Nonoc Is., Surigao del
Norte incl. Surigao City; sur ng Leyte at
Panaon Island; Northern Bohol; Carcar,
Aloguinsan at Barili in Southern Cebu;
between Guihulngan at Vallehermoso sa
itaas na bahagi ng Negros Oriental;
gitnang Negros Occidental ang La
Castellana at La Carlota City; Guimaras;
Southwestern Iloilo ang Tigbauan at
Igbaras; San Jose de Buenavista,
Antique; Northern Cuyo Islands; Coron
Is., Palawan.
Naglandfall ito sa Negros
mga hapon ng araw.
Ito ay nagdala ng matinding
baha at pagguho ng lupa sa
bayan ng Ilog, at lungsod ng
Kabankalan kung saan marami
ang bilang ng nasawi.
Bagyong Undang o Agnes
• November 3-6, 1984
• 230 kph
• 895 deaths
• PhP 1.9B damage
Ang mata nito ay dumaan sa
Llorente, Eastern Samar at Talalora,
Samar; Babatngon, N. Leyte incl.
Naval sa Biliran Is., dalampasigan ng
Esperanza, Masbate; Gigante Islands
in Carles, Northern Iloilo;
dalampapsigan ng Roxas City, Sapi-
an Bay at sa natitirang lugar ng
Capiz; Batan at Aklan; Sebaste, norte
ng Antique; Coron and Culion Islands
ng Calamian.
Pagkaubos ng likas na yaman
Ang kapitalismo ay mabubuhay
lamang sa patuloy na paglikha ng mga
kalakal na kailangang maibenta sa
pamilihan. Dahil paghahanap ng mas
malaking tubo at kompetisyon ang batas
ng kanyang paggalaw, ilang daang beses
na mas matindi ang pagnanais nito na
sagarin sa pinakamabilis na paraan ang
likas na yaman ng mundo, "sa ayaw at sa
gusto" ng indibidwal na kapitalista.
Isa sa mayor na dahilan kung bakit
dumadalas at naging mas mapamuksa
ang mga ulan at baha ay ang pagkakalbo
ng kagubatan, hindi lang sa Pilipinas
kundi sa maraming mga bansa. Ang
kagubatan ng Amazon, ang binansagang
huling baga ng kalikasan ng mundo ay
mabilis na nasisira, kapwa kagagawan ng
mga ganid na loggers at ng polusyong
dulot ng mga industriyalisadong
kapitalistang mga bansa.
Sa Pilipinas, noong 70s at 80s
ay mabilis na nakalbo ang kagubatan
dahil sa paglakas ng furniture at
wood industry. Walang pakialam ang
mga kapitalista sa mangyari sa
kagubatan at ang maging epekto nito
sa kalikasan. Tanging ang mahalaga
lamang sa kanila ay magkamal ng
malaking tubo habang malakas pa
ang "demand".
Dagdag pa dito ang walang
pakundangang pagmimina ng malalaking
kapitalista na walang pakialam sa risgo at
banta ng buhay ng mga manggagawang
minero. Mula Luzon hanggang Minadanao,
ilang daang minero na ang namatay nitong
nagdaang mga taon dahil sa kawalan ng
proteksyon sa loob ng minahan at sa mga
bagyo at baha.
Ang "kaunlaran" at "industriyalisasyon"
sa ilalim ng kapitalismo ay pagkamatay ng
milyun-milyong mamamayan at pagkasira
ng bilyun-bilyong ari-arian:
JOSE MARIA SISON
Taong 1987 pa lumikas ng bansa si
Jose Maria Sison sa banta ng pag-
aresto at asasinasyon ng mga
ahente ng Estado. Pero sa kabila
nito, hindi pa rin siya tinatantanan ng
mga ito. Bilang tagapayo ng
negotiating panel ng National
Democratic Front of the Philippines
naging aktibo si Sison sa usapang
pangkapayapaan.
Pero marahil, puntirya siya ng
gobyernong Arroyo dahil sa patuloy na
pagtuligsa niya sa naghaharing sistema
at mga naghahari sa Pilipinas. Sa kabila
ng pagkadistiyero niya sa The
Netherlands mula 1987, pinaghihinalaan
siya ng militar at gobyernong Arroyo na
pinuno pa rin ng armadong rebolusyon
sa Pilipinas. Nagsimula ang dekada ng
bagong siglo sa isang deklarasyon ng
mga rebolusyonaryo:
Tapos na ang kilusang
pagwawasto sa mga kamalian ng
nakaraan. Anila, nagtagumpay ang
Communist Party of the Philippines
sa pagsugpo sa iba’t ibang hibo ng
kontra-rebolusyonaryong kaisipan at
diwa sa loob nito, at magpapatuloy
na ito sa pagsusulong ng naantalang
armadong pakikibaka.
At naisulong nga. Mula sa
limitadong bilang ng gerilyang prente
noong dekada ’80, naabot nito ang
mahigit 120 prenteng gerilya sa buong
bansa. Sa unang bahagi ng bagong
milenyo, itinuring muli ang New
People’s Army, armadong puwersa ng
CPP at National Democratic Front of
the Philippines, bilang “pangunahing
banta sa seguridad” ng Estado.
Mga sikat na artista noong
dekada 80
Vic Joey Tito
Maricel Soriano
Sharon Cuneta
Herbert Bautista
Mga sikat na pelikula noong
dekada 80
Mga sikat na kanta noong
dekada 80
• Manilyn Reynes - Mr. Disco
• Kahit maputi na ang buhok ko –
sharon Cuneta
• Hindi ako iiyak – The Flippers
• Ikaw lang ang aking mahal
Mga Sikat na Mang-aawit
Mga sikat na kasuotan
REPORTERS
Carriedo, Reyland
Cabañez, Bea Stela
Golez , Theresa
Vergara, Bernadette
BSEd-FILIPINO 3

You might also like