You are on page 1of 69

Pambungad sa Pilosopiya ng Tao

Aralin 5: ANG TAO BILANG MALAYA


Setyembre 4-8, 2017

Patricia Jane S. Arnedo


Teacher III
Pasig City Science High School
UNANG ARAW
Mga Layunin ng Sesyon:

1. Natutukoy na ang bawat pasiya at kilos


ay may kahihinatnan.
2. Nasusuri ang mga nagawang
pangunahing pasiya sa buhay.
3. Naitatala ang mga pangunahing
pasiya sa buhay mula edad 12.
Mahalagang Tanong:

Paano hinuhubog ng tao


ang kaniyang pagpili?
Gawain 1: Think-Pair-Share: Ano
ang Pipiliin Ko?

1. Panuto:
• Ano ang masasabi mo tungkol sa mga larawan
sa ibaba?
Gawain 1: Think-Pair-Share: Ano
ang Pipiliin Ko?

1. Panuto:
• Naranasan mo na ba ang ganitong uri
ng sitwasyon? Anong partikular na
sitwasyon ito? Ilahad ito sa katabi sa
loob ng 2 minuto.
Mga tanong:

• Ano-anong kaisipan ang mahihinuha


mo mula sa pagbabahaging isinagawa
ninyo ng iyong kapareha?
• Ano-anong partikular na sitwasyon sa
iyong buhay ang nangangailangan ng
masusing pagpili o pagpapasiya?
• Ano ang pinatutunayan nito sa iyo
bilang isang tao?
Pag-isipan:

• Kumikilos ang hayop ayon sa kaniyang


instinct. Isa itong awtomatikong kilos.
Tumutulong ito upang patuloy na
makakilos ang katawan at kagyat na
maproteksiyunan ang sarili sa panganib.
Ganito rin ang tao. Mayroon din siyang
instinct at tulad ng mga hayop,
pangunahin ang proteksiyunan ang
sarili.
Pag-isipan:

• Ngunit may pagkakaiba ang tao at hayop.


Bagaman parehong pinoproteksiyunan
ang sarili, may kakayahan ang tao na
tanungin ang kahulugan ng banta at
timbangin ang kaniyang tugon sa mga ito.
Nagagawa niyang huminto, umatras, at
pagmalayan ang kaniyang kapaligiran
bago suungin ang banta o hamon sa
kaniyang buhay.
Pag-isipan:

• Samakatuwid, hindi limitado ang kilos


ng tao sa paggamit ng kaniyang
instinct. Kumikilos siya batay sa
sinasabi ng kaniyang ISIP at
MALAYANG KILOS-LOOB.
Gawain 2: Mga Pasiya sa Buhay

1.Mga Panuto:
• Bilang isang mag-aaral sa Baitang 11,
marahil ay nakagawa ka na ng ilang
mahahalagang pasiya sa iyong buhay.
• Ilista ang mga nagawang pangunahing
pasiya sa iyong buhay. Pagkatapos isulat
ang kinahinatnan (mabuti at masama)
ng mga partikular na desisyon.
Gawain 2: Mga Pasiya sa Buhay

• Sundan ang pormat sa ibaba. (talahanayan)


Edad Mga Pasiya sa Mga Mabuting Masamang
Buhay Pinagpilian Kahihinatnan Kahihinatnan
12 taong
gulang
13 taong
gulang
14 taong
gulang
15 taong
gulang
16 taong
gulang
17 taong
gulang
Mga tanong:

• Ano-ano ang mga bagay na


isinasaalang-alang mo sa pagpili?
• Paano ka bumubuo ng pasiya at
kilos?
• Paano ka nakatitiyak na ang pasiya
at kilos na pinili mo ay patungo sa
mabuti?
Tandaan:

• Marunong manimbang ang tao.


Tinitimbang niya ang sitwasyon sa abot-
tanaw ng kahulugan ng kaniyang
buhay: Anong uri ng tao ang magiging
siya sakaling ito ang gawin niya? Ano
ang epekto ng gagawing pagpili sa
kaniyang pagkatao? Paano siya
nabubuo o nawawasak ng kaniyang
gagawing pagpili?
Tandaan:

• Ang pagpili ay hindi lamang


pamimitas ng isa sa mga opsiyong
nakasabit sa isipan. Tinatanaw ang
pagpili bilang nakapaloob sa isang
kuwento na binubuo ng tao tungkol
sa kaniyang sarili. Ang tawag dito ay
ka-saysay-an.
Tandaan:

• Ang ka-saysay-an ay ang inipon na


paghahanap ng tao ng kani-kanilang
saysay sa buhay. Kaya’t saysay –
may kalidad na buhay ang ninanais
at binubuo ng tao. Hindi lamang siya
nag-iipon ng mga petsa at mga
pangyayari.
Tandaan:

• Bagama’t may kalayaan ang


taong piliin at gawin ang isang
kilos, hindi sakop ng kalayaang
ito ang PILIIN ANG
KAHIHINATNAN ng kilos na pinili
niyang gawin.
Takdang Aralin:

• Paano naging isang kakayahan


ng pag-hindi at pag-oo ang
kalayaan?
• Bakit hindi mapaghihiwalay ang
ka-saysay-an ng tao ang
kaniyang pagiging malaya?
IKALAWANG ARAW
Mga Layunin ng Sesyon:

1. Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita


ng maingat na pagpapasiya
2. Nasusuri ang mga kilos na nagpapakita
ng maingat na pagpapasiya
3. Natatasa kung siya ay naging maingat sa
pagpapasiya batay sa mga naging sagot
sa nakaraang gawain. (Gawain 2)
Mahalagang Tanong:

Paano hinuhubog ng tao


ang kaniyang pagpili?
Gawain 3: Ano ang Pasiya Ko?

1. Panuto:
 Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ng
mga taong ito, paano mo
maipakikita ang maingat na
pagpapasiya?
 Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1) Saksi si Abby sa madalas na pangongopya at
pandaraya ni Paula sa mga pagsusulit. Nitong
nakaraang markahan, tinanghal si Paula bilang isa sa
Top 10 sa kanilang klase. Magkaklase sila mula
elementarya kaya’t itinuturing na rin ni Abby na kaibigan
si Paula. Ngunit nakaramdam siya ng lungkot at
panghihinayang para kay Jenny na isa rin niyang
kaibigan sa klase. Mahusay na mag-aaral si Jenny at
higit siyang nararapat na itanghal sa mapasama sa Top
10. Ayaw ni Abby na mapagalitan at mapahamak si
Paula kung magsusumbong siya, ngunit maaaring
magpatuloy ang gawaing ito at tuluyang mawalan ng
pagkakataon si Jenny na mabigyan ng parangal. Kung
ikaw si Abby, ano ang gagawin mo?
2) Nagtapat ang kaibigan mo sa iyo na siya ang
kumuha ng dalawang libong pisong hinahanap ng
inyong kaklase. Kailangan ng kaibigan mo ang pera
ngayon upang pagtakpan ang nagastos niyang
pambayad ng kaniyang matrikula. Kilala ang
kaniyang mga magulang sa pagiging malupit at
mabigat ang kamay. Ang kaklase mo naman ay may
kayamanan at ang dalawang libong piso ay
ipambibili lamang niya ng sapatos na marami naman
siya. Nakarating na sa inyong guro ang balita ng
nawawalang pera. Aaminin mo ba sa guro ang
ginawang pagkuha ng iyong kaibigan? Pagtatakpan
mo ba siya tulad ng hinihingi niya?
3) Lagi kang pasimuno sa mga kalokohan sa
inyong klase. Sa bawat araw, mayroon kang hirit
na magiging dahilan upang maghagalpakan sa
katatawa ang buong klase. Hindi natutuwa ang
inyong guro rito dahil naaantala ang daloy ng
talakayan. Nagbabala na siya na dapat itigil ang
biruang ito. Isang beses, may humirit sa klase.
Hindi ikaw ito. Napuno ang guro at pinagalitan
ka sa klase. Ano ang gagawin mo? Hindi mo
kilala kung sino ang gumawa ng hirit na iyon.
Ikaw ang tinuturo ng lahat na may gawa ng
kalokohan. Ipagtatanggol mo ba ang iyong
sarili? Paano?
Mga tanong:

• Ano ang iyong mga natuklasan sa


natapos na gawain? Ipaliwanag.
• Ano ang mangyayari kung hindi
maingat sa pagpapasiya ang tao?
Ipaliwanag.
• Paano nakatutulong ang maingat na
pagpapasiya sa paggamit ng tama
ng ating kalayaan?
Pag-isipan:

• Natatangi ang tao at makikita ito sa


kaniyang pagpili o pagpapasiya. Ka-
saysay-an ng buhay ang kaniyang
pinipili. Nasa gitna siya ng
pagkanakatalaga na at ng kaniyang
kakayahang pumili kontra rito. Kaya
niyang humindi sa mga sirkumstansiya
ng kaniyang buhay.
Pag-isipan:

• Ang tao ay nasa loob ng serye ng


sunod-sunod at kabit-kabit na udyok-
bunga, ngunit nagagawa niyang
huminto, pagnilayan, pag-aralan at
gumawa ng matalinong pagpapasiya
ukol dito.
Pag-isipan:

• Ang kalayaan ay hindi lamang basta


pagpili sa mga opsiyong A, B, C o D.
Ang kalayaan ay pagpili sa kung ano
ang nagpapatao ang tao. Tama man
o mali sa paningin ng iba, bago o
luma, karaniwan o kakaiba, ang
pinipili ang ay lahat ng bagay na
magpapausad sa ginagawa niyang
kuwento.
Gawain 4: Ang Maingat na Pagpapasiya

1.Mga Panuto:
• Balikan ang sagot sa Gawain 2: Mga
Pasiya sa Buhay.
• Tukuyin ang dalawang kritikal at
magkasalungat na pinagpilian sa bawat
pasiyang iyong ginawa.
• Pag-isipang mabuti at husgahan kung
alin sa pinagpilian ang tama at mabuti.
Mga tanong:
• Masaya ka ba sa mga naging pasiya mo mula nung
ikaw ay 12 taong gulang? Bakit?
• Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gawin mo rin ang
isa pang opsiyon, ano kaya ang mangyayari?
Mapapanatag at magiging masaya ka rin ba?
Pangatuwiranan.
• May nabuo ka bang pangatlong pagpipilian mula sa
dalawang magkabilang pagpipilian? Ipaliwanag.
• Alin sa mga isinagawa mong kilos ang sa tingin mo ay
bunga ng maingat na pagpapasiya? Ano ang epekto
nito?
Tandaan:
• Ang pagiging malaya ng tao na yata ang
pinaka-makapangyarihang sangkap ng
pagiging tao. Ginagawang posible nito na
maging sino ang tao. Ang tao, hindi na
lamang basta tao; may pangalan siya, may
kuwento siya, may ambisyon siya, may
kinabukasan siya. Ngunit, anumang lawak ng
posibilidad na ginagawa ng kalayaan ng tao,
kailangang ipaalala na ang pagmamalabis
dito ang siya ring magiging mitsa ng
pagbagsak at pagkawasak niya.
Tandaan:

• Nararapat lamang na gamitin ng tao


ang kaniyang kalayaan sa kabutihan.
Maging maingat sa pagpili at
pagpapasiya.
Takdang Aralin:

• Ipaliwanag ang kaugnayan ng


pagpili, pinagpipilian,
pagpapasiya, at pag-ako ng
kalayaan sa bawat isa.
IKATLONG ARAW
Mga Layunin ng Sesyon:

1. Natutukoy ang kahihinatnan ng bawat


pasiyang pinili.
2. Nasusuri ang kabutihan at kasamaan
ng pasiyang pipiliin sa iba’t ibang
sitwasyon.
3. Nakapagtatala ng epekto sa sarili ng
mga pasiyang pipiliin.
Mahalagang Tanong:

Paano hinuhubog ng tao


ang kaniyang pagpili?
Gawain 5: Pasiya Ko, Susuriin ko!

1. Panuto:
• Suriin ang sumusunod na
sitwasyon.Tukuyin ang magiging pasiya
mo sakaling ikaw ang nasa kalagayan
ng mga taong ito.
• Ilahad ang kahihinatnan ng iyong
pasiya at tukuyin kung mabuti o
masama ito. Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Gawain 5: Pasiya Ko, Susuriin ko!

• Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.


• Sundan ang pormat sa ibaba.
(talahanayan)
Sitwasyon Pasiya Kahihinatnan Mabuti o Paliwanag
Masama?

3
1) Nakiusap ang iyong kaklase na pakopyahin
mo siya sa nalalapit na pagsusulit. Mababa
talaga ang kaniyang mga marka kahit na
hilig niyang mag-aral. Tumutulong siya ng
kaniyang mga magulang sa pagtitinda
pagkauwi galing sa paaralan. Hirap siyang
makapag-aral dahil sa pagod. Pakokopyahin
mo ba siya na maaaring ikapahamak
ninyong dalawa kapag nahuli kayo? Kung
pababayaan mo naman siya, maaaring
bumagsak siya sa pagsusulit at ikatanggal pa
niya sa paaralan. Paano na ang kaniyang
kinabukasan? Siya pa naman ang inaasahan
ng kaniyang mga magulang.
2) May proyektong itinakda ang inyong
guro. Hinati ang klase sa apat na
pangkat. Sa kasamaang palad,
kumpleto na ang bawat grupo maliban
sa isa - ang pangkat na iniiwasan mo.
Lumapit ka sa kanila at sumali. Payag
naman silang tanggapin ka ngunit may
kondisyon - ikaw ang gagawa ng buong
proyekto! Ayon pa sa isang kagrupo,
kung magsusumbong ka sa guro,
gagawin nilang miserable ang buhay
mo. Ano ang gagawin mo?
3) Isa kang lider sa inyong paaralan.
Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil
naniniwala kang ito ang mag-aahon sa inyo
sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong
pamilya upang makapagtapos ka ng pag-
aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal
na mahal mo. Isang araw nagyaya siyang
pumasok kayo sa hotel upang
mapatunayan ang pagmamahal na iyon.
Sabi niya, iiwanan ka niya at
magpapakamatay siya kung hindi mo siya
pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin?
Mga tanong:

• Ano ang iyong mga natuklasan sa


natapos na gawain? Ipaliwanag.
• Ano ang kahihinatnan ng pasiya mo
sa bawat sitwasyon?
• Sapat na bang patunay ang
kahihinatnan upang masabi kung
mabuti o masama ang iyong pasiya?
Bakit?
Pag-isipan:
• Ang pagpapasiya ay hindi simpleng
pamimili sa pagitan ng mabuti at masama
- laging mabuti ang dapat at kailangang
piliin sa kahit na anong kalagayan. Ang
pagpapasiya ay ginagawa sa pagitan ng
parehong mabuti. Pagkatapos makita na
may kabutihan na pinanggagalingan ang
magkabilang panig, makapagpapasiya na
nang mas obhektibo at nang may talino.
Pag-isipan:

• Sa unang tingin, tila napakahirap


pumili sa dalawang mabuti. May
pakiramdam ng pagkaipit dahil nga
kapuwa kanais-nais ang magkabilang
panig. Sa pagkakataong ito,
makatutulong ang gabay na tanong
sa pagpapasiya na: Ano ang
pinakamabunga?
Pag-isipan:
• Hindi agad na nagpapakita ang opsiyong
magbibigay ng pinakamagandang bunga. Hatid
ng pagkapit sa mga birtud ang pagkita sa ibayo
ng mga pinagpipilian. Sa madaling salita, hindi
kailangang makulong sa dalawang pagpipilian.
Hindi iyan o iyon ang pipiliin. Hindi isa sa kanilang
dalawa. Pareho? Nakakakita pa siya ng iba pang
mga opsiyong makasasakop sa mga
pagpapahalagang nasa likod ng magkabilang
panig. Nakabubuo ng ikatlo, ikaapat, o panlima
pang opsiyon pagkatapos ng nakahaing unang
dalawa.
Pag-isipan:

• Kaya naman, hindi nagiging mahirap


ang pagpapasiya dahil hindi naman
pala kailangang paglabanin ang
dalawang panig. Maaaring piliin ang
pareho sa pagbuo ng bagong
opsiyong sasaklaw sa dalawa.
Gawain 6: Ang Epekto ng aking
Pagpapasiya sa Aking Sarili

1.Mga Panuto:
• Balikan ang sagot sa Gawain 5: Pasiya
Ko, Susuriin ko!
• Tukuyin ang epekto ng pasiya mo sa
mga sitwasyon sa iyong sarili.
• Ipaliwanag kabutihan at kasamaang
(kung mayroon man) dulot sa iyo ng
mga pasiya mo.
Gawain 6: Ang Epekto ng aking
Pagpapasiya sa Aking Sarili

1.Mga Panuto:
• Sundan ang pormat sa ibaba.
Pasiya Epekto sa Sarili Kabutihang Kasamaang
Dulot Dulot

Sitwasyon 1

Sitwasyon 2

Sitwasyon 3
Mga tanong:

• Ano-anong kaisipan ang iyong


mabubuo mula sa mga sagot mo sa
talahanayan?
• Ano ang epekto sa tao ng
pagkakaroon ng kalayaang pumili?
• Paano natin matitiyak na mabuti ang
lagi nating pipiliin?
Tandaan:
• Nakakulong ang tao sa kaniyang
kalayaang gawin anuman ang kaniyang
pasiya o desisyon at nasa loob pa rin siya
ng lubid ng kahapon, ngayon at bukas.
Samakatuwid, hindi ganap ang kalayaan
ng tao sa paraang hindi pa rin siya
makakawala sa kaniyang pagkalimitado.
Hindi mahika ang kalayaan na kapag
ninais ng tao ang isang bagay,
magagawa na niya ang kaniyang ibig.
Tandaan:

• Ang kalayaan ay kabaligtaran ng


layaw. Sa kalayaan, mayroon kang
kaakibat na responsibilidad,
samantalang sa layaw ay walang
pakialam kung anoman ang maaaring
mangyari. Layaw ang malabis na
pagbibigay-hilig, ang walang habas na
pagpapakasasa sa maluwag na
pahintulot.
Tandaan:
• Sa madaling salita, ang kalayaan ay hindi
pagbibigay-pahintulot. Hindi dapat tingnan
ang kalayaan bilang nagmumula sa labas ng
tao na para bang pumipikit ang pulis upang
hindi ka bantayan at hulihin sa maling
gagawin mo. Nagmumula sa loob ng tao ang
kalayaan – ang sarili mismo ang nagpupulis sa
kaniyang sarili upang masiguro na ang bawat
pagkilos niya ay ayon sa kaniyang saysay na
binubuo.
Takdang Aralin:

• Bakit natatangi ang tao sa lahat


ng nilikha sa aspeto ng
pagkakaroon ng kalayaan?
IKAAPAT NA ARAW
Mga Layunin ng Sesyon:

1. Nakapaglalahad ng pansariling karanasan na


nagpapakita ng pagpili at kahihinatnan nito.
2. Nahihinuha na ang tao ay nilikhang malaya;
nasa kaniyang mga kamay ang pagbuo niya ng
kaniyang pagka-sino.
3. Nakasusulat ng komprehensibong Pagninilay sa
mga konsepto at reyalisasyong nakalap mula sa
Aralin 4 at paano ilalapat ang mga pang-unawa
at reyalisasyong ito sa totoong buhay.
Mahalagang Tanong:

Paano hinuhubog ng tao


ang kaniyang pagpili?
Gawain 7: Ang Kalayaan Ko sa
Pagpili, Gagamitin Ko sa Mabuti

1. Panuto:
• Mag-isip ng 1 sitwasyon o dilemma na
maaari ninyong maranasan ngayong
kayo ay nasa Baitang 11 o sa
hinaharap.
• Ilahad ang iyong mga maaaring
pagpilian o opsiyon sa nasabing
sitwasyon o dilemma.
Gawain 7: Ang Kalayaan Ko sa
Pagpili, Gagamitin Ko sa Mabuti

1. Panuto:
• Isulat ang iyong pasiya at ang maaaring
kahihinatnan nito. Tukuyin kung mabuti
o masama ito. Ipaliwanag ang iyong
sagot.
• Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
• Sundan ang pormat. (talahanayan)
Gawain 7: Ang Kalayaan Ko sa
Pagpili, Gagamitin Ko sa Mabuti
Sitwasyon Mga Pasiya Kahihinatnan Mabuti o Paliwanag
o Pagpipilian Masama?
Dilemma
Mga tanong:

• Ano-anong kaisipan ang iyong


mabubuo mula sa mga sagot mo sa
talahanayan?
• Bakit itinuturing na “pagkakatali” ang
kalayaan ng tao?
• Paano nakaangkla ang tanong na
“Sino ako?” sa kalayaan?
Pag-isipan:

• Malayang pumili ang tao ng kahit ano


ngunit, ang mas mahalagang aspekto
ng kaniyang kalayaan ay ang kaniyang
pagtanggap sa kaniyang pinili at sa
mga kahihinatnan ng kaniyang pinili.
Hindi bulag ang pagpiling ginagawa.
Ang bawat pagpili ay pagtataya.
Buong buo niyang ibinibigay ang
kaniyang sarili sa kaniyang pinili.
Pag-isipan:

• Sa ano’t ano mang kahihinatnan ng


kaniyang pagpili, ang tanda ng tunay
na malaya ay ang pag-ako sa
kaniyang pasiya bilang kaniya. Hindi
niya ituturo ang iba, sisisihin ang iba,
ibibintang sa iba ang kaniyang mga
ginawa.
Pag-isipan:

“Ako ang pumili nito! Pasiya ko ito!


Kung masaktan man ako o
mahirapan sa aking pinili,
tatanggapin ko ito bilang bunga ng
aking pagkalimitado at ituturing na
posibilidad para sa pagbabago sa
susunod.”
Pag-isipan:

• Akong-akong-ako ang sumusulat


ng ka-saysay-an. Akong-akong-
ako ang nagpapasiya. Akong-
akong-ako ang tutupad ng pasiya.
Akong-ako rin ang mananagot sa
anumang pasiya ko. AKO MISMO!
Gawain 8: Pagninilay

1. Panuto:
• Sagutin ang mga tanong sa
talahanayan sa ibaba upang
lubusang mapalawak ang
pagkaunawa sa Aralin 5:
Gawain 8: Pagninilay

Ano-ano ang mga Ano ang aking Ano-ano ang mga


konsepto at pag- reyalisasyon sa hakbang na aking
unawa na pumukaw bawat konsepto at gagawin upang
sa akin? pag-unawang ito? mailapat ko ang
mga pang-unawa at
reyalisasyong ito sa
aking buhay?
Pagtatapos ng Aralin 5:

“Every human has four endowments –


self-awareness, conscience,
independent will and creative
imagination. These give us the ultimate
human freedom – the POWER to
choose, to respond, to change.” ~
Stephen Covey
Takdang Aralin:

Pasagutan ang sumusunod na tanong


sa kuwaderno.

1. Ano ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng “ako-ismo” sa “ako-
mismo”?

You might also like