You are on page 1of 37

Initial:

Bakit nagsasagawa ng paglipat o migrasyon ang


isang tao at paano nakakaapekto ang kanilang
isinagawang pandarayuhan sa kanilang nilipatang
lugar?
• ayon sa commission on filipinos
overseas, may tinatayang 8.6
milyong mga pilipino noong 2009
ang nanirahan sa iba’t- ibang bansa.
• Sa loob naman ng pilipinas,
nakatatanggap ng pinakamaraming
migranteng pilipino ang malaking
lungsod, lalo na sa kalakhang
maynila.
ANO ANG MGA DAHILAN KUNG
BAKIT MARAMING PILIPINO ANG
NANGINGIBANG POOK?
Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay
PAGHAHANAP NG LIGTAS NA TIRAHAN
PANGHIHIKAYAT NG MGA KAPAMILYA O KAMAG-ANAK NA MATAGAL NANG
NANINIRAHAN SA IBANG BANSA
PAG-AARAL O PAGKUHA NG MGA TEKNIKAL NA KAALAMAN
PARTIKULAR SA MGA BANSANG INDUSTRIYALISADO
TERMINO NG
MIGRASYON
flow
- ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang
bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. madalas itong
gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
- kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na
madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows.
- kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa
bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag
na net migration
Stock  bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang
nilipatan.
- mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng
mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa
matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
PUSH FACTOR ASPEKTO PULL FACTOR

Maaring maglipat- Maaring maakit ang


pook kung walang Pang – ekonomiya
isang tao na mas
opurtunidad na mataas na kita sa
makapaghanapbuha ibang lungsod o ibang
y ang isang tao sa bansa kaya siya
kanyang tinitirahang maglilipat-pook.
pamayanan
PUSH FACTOR ASPEKTO PULL FACTOR

Laganap ang krimen sa Payapa at tahimik sa


lungsod na tinitirahan Panlipunan
lalawigan kaya doon
ng isang pamilya kaya lumipat ng tirahan ang
nagpasiya sila na isang pamilya
lumipat sa ibang
lungsod
PUSH FACTOR ASPEKTO PULL FACTOR

Maaring dahil sa
Pangkapaligiran Maaring nagpasiya ang
madalas tamaan ng isang pamilya na
bagyo ang isang lugar lumipat ng lalawigan
kaya’t nagpasiya ang dahil sa ganda ng
isang pamilya na tanawin at sariwang
lumipat sa ibang hangin doon.
lalawigan
LET’S RECAP………
1. Ano-anong pangkat ng manggagawa ang madalas na
nangingibang-bansa upang humanap ng trabaho?
2. Ano-anong bansa ang madalas puntahan ng mga
manggagawa? sa iyong palagay, bakit sa mga bansang ito
sila nagpupunta?
3. Magbigay ng mga salik o dahilang nakaiimpluwensiya sa mga
manggagawa sa pagpili ng bansang kanilang pupuntahan at
pangutwiranan ito.
EPEKTO NG MIGRASYONG SA PILIPINAS
MABUTI
• Nagkakaroon ng panustos sa pang DI MABUTI
araw-araw na pangangailangan
ang isang taong makahahanap • labis na dami ng tao sa iisang lugar
ng hanapbuhay ss kanyang at nagsisiskip ang mga tao sa
paglipat ng lugar lungsod.
• nahihirapan ang gobyernona
magbigay ng serbisyo sa
dumaraming bilang ng tao sa
lungsod
• kakulangan ng sapat na trabaho
MIGRASYON: PERSPEKTIBO AT
PANANAW
(OBSERBASYON SA PAGLAGANAP
NG MIGRASYON)
1. GLOBALISASYON NG MIGRASYON
>Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan
ng migrasyon.

>Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia,


New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa
at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang
pinagmumulan nito.

>Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya,


Latin America at Aprika.
2. MABILISANG PAGLAKI NG MIGRASYON

>Ang kapal o dami ng mga


nandarayuhan ay patuloy ang
pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng
daigdig.

>Malaki ang implikasiyon nito sa


mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga destinasyong
bansa
3. PAGKAKAIBA-IBA NG URI NG MIGRASYON

>Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos


lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito.

>May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees


migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay.

>Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular,


temporary at permanent migrants.
IRREGULAR MIGRANTS

Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa


na hindi dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa
bansang pinuntahan
TEMPORARY MIGRANTS
TEMPORARY MIGRANTS

- tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may


kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang
may takdang panahon.. ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign
students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang
manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.
PERMANENT MIGRANTS
PERMANENT MIGRANTS

- ay mga overseas filipinos na ang layunin sa pagtungo sa


ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o
citizenship.
4.PAGTURING SA MIGRASYON BILANG ISYUNG POLITIKAL

>Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon


sa mga bansang nakararanas nito.

>Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral


at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa
pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng
migrasyon.
5. PAGLAGANAP NG ‘MIGRATION TRANSITION’
>Ang migration transition ay nagaganap kapag ang
nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.

> Partikular dito ang nararanasan ng South Korea,


Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at
Turkey.
6. PEMINISASYON NG MIGRASYON
>Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping
migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour
migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki.

>Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng


kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga
manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy,
Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay
nagpapatunay rito
IMPLIKASYON NG PEMINISASYON NG MIGRASYON
>Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng
konseptong “house husband” kung saan inaako
na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa
tahanan pati ang gawain ng isang ina (kung
ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang
mapangalagaan ang buong pamilya lalo na
ang mga anak.

>Hindi ito marahil nakakaapekto sa


kalagayang panlipunan ng mga lalaki at unti
unti nang natanggap ng lipunan sa kadahilanan
na mas tinatanggap na dahilan ay upang
mapaunlad at maiangat ang katayuan ng kani-
kanilang pamilya
MGA ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
• pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon
• sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakapagdadala sa
kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na remittance. malaki ang naitutulong
nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan, sa pagpapagawa ng
bahay, pantustos sa pagpapaaral, at pambayad sa gastusing pangkalusugan-
habang nakakatulong sa ekonomiya ng bansang pinagtrabahuhan.
• sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay, nasasadlak sa
sapilitang pagtatrabaho, at nagiging biktima ng trafficking. ang mga
karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang mukhang
ito ng migrasyon
AYON SA TALA NG INTERNATIONAL LABOR
ORGANIZATION:
• halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay
mga kababaihan at 9.5 milyonnaman ay mga kalalakihan
• umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong
indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang milyon naman
ng mga rebeldeng grupo
• sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng
eksploytasyong sekswal
• nakalilikha ng us$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor taon-
taon
PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG
INTERNASYUNAL
BOLOGNA (BO-LO-NYA) ACCORD
• Hango sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na University of Bologna
kung saan nilagdaan ng mga ministro ng edukasyon mula sa 29 na mga bansa
sa europe ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng
bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling
matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais
na lumipat dito.
• dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum sa hinihinging
pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na paglipat ng mga
manggagawa at propesyunal na siyang kinakailangan ng iba’t ibang
kompanya at negosyo.
WASHINGTON ACCORD
• nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting
agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping
bansa.
• bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses sa bansang hindi accredited ay hindi
makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito tulad ng australia, canada, chinese taipei, hongkong,
ireland, japan, korea, malaysia, new zealand, singapore, south africa, united kingdom at usa.
• samakatuwid, ang engineering graduates sa pilipinas ay hindi itinuring na engineer sa mga bansang
nabanggit. dahil sa mga kasunduaang ito, maraming mga pilipinong propesyunal sa ibang bansa ay hindi
nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.
• isa pang dahilan dito ay ang kakulangan ng bilang ng taon sa basic education kaya naman second class
professionals ang tingin sa maraming mga pilipino. kung ihahambing sa maraming bansa, isa na lang ang
pilipinas sa may pinakamaikling bilang ng taon ng basic education. bilang tugon ng pamahalaan ay
ipinatupad ang k to12 kurikulum na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. inaasahan
ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa
kawalan ng trabaho sa bansa.

You might also like