You are on page 1of 16

Ang

Kapangyarihan
ng Babae
 Joe-nel garcia
 Nakaranas ng Project Manager na
may isang ipinakitang kasaysayan
ng pagtatrabaho sa industriya ng
mga kaganapan sa serbisyo at
sining na gumaganap. Bihasa sa
Mga Serbisyo sa Kliyente,
Pamamahala ng Accounts,
Pagpaplano ng Kaganapan, at
Pamamahala ng Kaganapan. Ang
matibay na propesyonal sa
pamamahala ng kaganapan na
may isang Bachelor of Fine Arts
(BFA) na nakatuon sa Theatre /
Theatre mula sa University of
Ateneo de Manila.
ni: Benilda S. Santos.
Siya na nakapantalon at mainit ang
hininga inihiga ako sa gilid ng mundo
at tiningnan nang tiningnan hanggang
sa mangalisag ang aking buhok at sa
tinding galit at takot maging ahas ang
bawat isa sa kanila gutom na gutom sa
lasa ng laman ng labing may pawis ng
pagnanasa hanggang sa madurog ang
aking puso at sa di mapatid na sakit at
pait
maging bato ito malamig na malamig
ang pintig ngayong lupang latag na latag
na ang aking katawan sa ilalaim ng
malulupit mong talumpakan ikaw naman
ang aking titingnan nang titingnan
hanggang sa matuyo ka sa apoy ng aking
mga mata at sipsipin ng bawat ahas kong
buhok ang bawat patak ng dugo sainyong
mga uga at masimot ang kaliit-liitang
kutob ng buhay Namamangha ka sa liyab
ng aking higanti? Ay! Ikaw ang guro ko't
hari at lalaki.
ni: Ruth Elynia S. Mabanglo
Muli'y sinusian akong tila relos ng
umaga-- kamay at paang humaplit sa
patak-patak na tubig, walang
pangalang pagsusuot ng kaninumang
damit, saka kapeng iginigiit sa
pagitan ng suklay at lipistik.
Nagkakandado ako ng pinto sa bawat
pag-alis, umaalpas ang gunita kahit sa
nakasarang bintana, hindi pa ako
nakalalayo'y naniningil na ang
kalendaryo.
...Sinususian akong tila relos ng umaga: isip
at damdaming humahabol ng dyip sa kanto
ng mga saglit, katawang tumatawad sa
presyo ng mga minuto-- sa pagitan ng mga
tambutso, walang kasarian si Bernardo
Carpio.
ni: rolando b. Tolentino
Teoryang Pampanitikan:
"Feminismo" Ang feminismo ay
teoryang makababae, na kung
paano makikilala ang mga
kakayahan at kapangyarihan ng
mga babae.
Maraming salamat sa
inyong pakikinig

You might also like