You are on page 1of 16

Sa Aking mga Kabata

Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal


ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong
wika at pinamagatang,
"SA AKING MGA KABATA".
• Ang "Sa Aking Mga Kabata" ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol
sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na
ginawa ito ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat
niya noong 1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal.[1][2]
• Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo
na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito.[3] Pinaghihinalaan ang mga
makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-
akda.[4]

"SA AKING MGA KABATA".

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid


Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian

At ang isang tao’y katulad, kabagay


Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa


Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,


Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,


Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
The Rizal Retraction

You might also like