You are on page 1of 35

Pagpapatuloy

Pagtataya
1. Ang Demokrasya ay isang uri o
sistema ng pamahalaan .Ayon kay
Pericles, “ Ang ating konstitusyon ay
isang demokrasya sapagkat ito ay nasa
kamay ng nakararami at hindi ng
iilan”.Sa iyong palagay, bilang isang
bansang demokratiko, natatamasa din
kaya natin ito sa kasalukuyang
panahon?
a. Oo, dahil lahat naman ng tao ay may pantay
na karapatan sa ating bansa.
b. Oo, dahil nagagawa natin ang ating mga
naisin nang walang tumututol sa atin.
c. Hindi, dahil hindi agad-agad naparurusahan
ang mga nagkasala.
d. Hindi, dahil may mga mahihirap pa din na
hindi makaahon sa kanilang kinalalagyan sa
ngayon.
2. Mahalaga ang edukasyon para
sa mga Athenian. Bilang isang
kabataan, ano ang kahalagahan ng
edukasyon sa iyong buhay?
a. Dahil sa edukasyon, makakamtan ko lahat ng
hangarin ko sa buhay.
b. Dahil sa edukasyon, makukuha ko ang lahat
ng gusto ko.
c. Dahil sa edukasyon, makatutulong ako sa pag-
angat at pag- unlad ng ating bansa.
d. Dahil sa edukasyon, malalaman ko ang lahat
ng bagay na makatutulong upang maging isang
mabuting mamamayan.
3. Isa sa mga kilalang personalidad sa
Greece ay si Socrates.Marami din siyang
naiambag para kanyang bansa.Ayon sa
kanya, mahalaga na kilalanin mo ang
iyong sarili. Tama kaya ang pahayag na
ito?
a. Oo. Dahil kung hindi mo kilala sarili mo,
hindi mo din makikilala ang ibang tao.
b. Oo. Dahil kung hindi, maaaring
maipahamak mo ang sarili mo.
c. Oo. Dahil hindi mo magagawa ang gusto
mo kung hindi mo kilala sarili mo.
d. Oo. Dahil kung hindi mo kilala sarili mo
wala din makakakilala sayo.
4. Si Alexander the Great ang isa sa mga
pinakamahusay na pinuno ng Imperyong
Macedonia ngunit ang mga mandirigma ay
minsang nag-alsa rin sa kanya dahil sa hirap na
nararanasan nila sa pakikidigma. Sa iyong
palagay, paano magkakaroon ng mabuting
samahan ang pinuno at ang pinamumunuan
nito?
a. Kailangang sundin ng mga pinamumunuan
ang iniuutos ng pinuno.
b. Kailangang may bigayan sa isa’t isa kung
saan kailangang sundin ng bawat isa ang
kagustuhan ng lahat.
c. Kailangang alamin ng mga pinuno ang
hinaing ng kanyang pinamumunuan at gayon
din naman ang isa.
d. Kailangang irespeto ang desisyon ng bawat
isa.
5. Ang Collossus of Rhodes at Scopas
ni Praxiteles ay ilan lamang sa mga
itinanghal na Seven Wonders of the
Ancient World. Ito ay pinagmamalaki
ng buong Kabihasnan.Bilang isang
mag-aaral, paano mo mapapahalagahan
ang mga pamanang ito?
a. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga
ito.
b. Sa pamamagitan ng hindi paglimot sa
mga pamanang ito.
c. Sa pamamagitan ng pagpunta sa mga
lugar na ito.
d. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
mga kaalaman tungkol dito sa mga
susunod pang henerasyon.
Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng
isang balita sa klase. Pagkatapos nito,
pipili ng isang balita ang lahat na pag-
uusapan ng grupo.
(Share it!)
“PhotoSuri”
Mga Layunin
1. Naipaliliwanag ang pinagmulan at
pinag-usbungan ng Rome’
2. Naipaliliwanag ang pangyayaring
naging dahilan ng pag-usbong ng
Roma; at
3.Nakikibahagi sa pangkatang gawain
tungkol sa mga uri ng tao sa Rome.
Panonood ng Video
Pangkatang Gawain: Multiple
Intellegences
Pangkat 1- Pagbuo g Jingle
Pangkat 2- Pagbuo ng Tula
Pangkat 3- Dula- dulaan
Pangkat 4- Newscasting
Open ended question:
Ang aking paunang natutunan sa pag-aaral
ng klasikong kabihasnan ng Rome ay
__________________________________
_______
__________________________________
_______
WikaRambulan
Try on bare ate

TRIUMVIRATE
Owh! Gush Toes
=Augustus
Fox row Man ah
=Pax Romana
Fog the with sha I log
raw bacon
=Pagtawid sa
Ilog Rubicon
Paano mo masusukat ang
isang mahusay na
pinuno?
Magbigay ng ilang mga
katangian nna taglay ng
isang mahusay na Pinuno.
Bakit?
Panuto: Basahin mabuti at Piliin ang
letra ng tamang sagot.
1. Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at
Gaius Gracchus, kapwa tribune, ang
lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap bilang panganib sa katatagan ng
Republic kung kaya’t hinikayat nila ang
pagpapatupad ng mga pagbabago. Alin sa
sumusunod ang pinakamatinding epekto nito?
a. Sumiklab ang serye ng rebelyon na nauwi sa
digmaang sibil
b. Dumami ang tagasuporta ng magkapatid sa
paglaban para sa mga pagbabago
c. Naging malakas ang panawagan para sa mga
pagbabago
d. Nagkaroon ng hidwaan ang mga pinuno na
nanguna sa pakikipaglaban para sa mga
pagbabago
2. Binuo nina Julius Caesar, Pompey at
Crassus ang Unang Triumvirate ngunit si
Julius Caesar ang higit na naging popular
dahil sa mga repormang kanyang
ipinatupad na naging dahilan din upang
siya ay maging isang diktador. Alin ang
pangunahing dahilan ng pag-angat ni Julius
Caesar?
A. Patuloy niyang pinalawak a ng mga lalawigan
B. Sinuway niya ang utos ng Senado at tinalo si
Pompey
C. Tinanggap niya ang mga Plebeian sa Senado at
binalewala ang utang ng mga mahihirap
D.Mahusay siyang pinuno sa larangan ng digmaan
at larangan ng pamamahala at bagamat siya ay
diktador, pinatawad niya ang kaniyang mga kaaway.
3. Nabuo ang ikalawangTriumvirate at
kalaunan, Iginawad kay Octavian ang
titulong “Augustus”. Paano nakatulong
sa pamamahala niya ang paggawad
nito?
A. Sa labanan sa Actium, tinalo niya ang
pwersa ni Mark Anthony at Cleopatra
B.Ibinalik niya ang kaayusan at pinagbuti
ang pamamahala
C.Kinontrol niya ang hukbong militar
D. Binuksan niya ang pagkamamamayan sa
maraming tao sa imperyo
4. Nagdulot ng kapayapaan at
kasaganaang kilala bilang Pax
Romana ang pamamahala ni
Augustus. Ano ang
pinakamahaagang salik sa
kalagayang ito sa Roma?
A. Pagkakaroon ng mahusay na
pinuno at pamamahala
B. Kawalan ng mga kalaban
C. Masaganang pamumuhay
D. Pag-iral ng kapayapaan
5. Ang Triumvirate ay alyansa ng
tatlong katao.Sila ay
makapangyarihang tao na
nangasiwa sa pamahalaan Bakit
karaniwang nagkakahidwaan ang
mga magkakalayansa?
A. Dahil sa pag-aagawan sa
kapangyarihan
B. Dahils sa pagiging diktador ng ibang
pinuno
C. Dahil sa inggit kung may umaangat
na mas mahusay mula mula sa alyansa
D. Dahil sa pagkatalo sa mga labanan

You might also like