You are on page 1of 16

-------------------------------------------------------------

AP9MKE-Ig-15 AP 9
Aralin 5: PAGKONSUMO
Ang mga mag-aaral ay may pag-
unawa:
sa mga pangunahing konsepto
ng Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay
Aralin 5: PAGKONSUMO
• Ang mga mag-aaral ay may pag-
unawa:
sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-araw-
araw na pamumuhay
-------------------------------------------------------------
Pamantayan sa Pagkatuto:

Naipaliliwanag ang konsepto ng


pagkonsumo. (AP9MKE-Ig-15)

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
Gawain 1: Pag-isipan Mo! (Pangkatang Gawain)
Pag-aralan ang mga larawan. Gamit ang manila paper, isulat kung
ano ang mga nakikita dito. Pagkatapos, ipresenta ang sagot sa
klase.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------

Produksyon Paggamit at Sebisyo

Paggawa Pagkonsumo

Dayagram 1.1
AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
PAGKONSUMO – ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga
produkto upang matugnan ang mga pangangailangan at matamo ng tao
ang kasiyahan

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------

TUWIRAN O DIREKTA
• Ang uri ng pagkonsumo na
nagaganap kapag sa ating
pagbili at paggamit ng
produkto at serbisyo ay
agarang natatamo natin ang
kasiyahan at
kapakinabangan.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
PRODUKTIBO
Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag bumili tayo
ng produkto upang gamitin sa paglikha ng iba pang produkto
o serbisyo.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
MAAKSAYA
Ang uri ng pagkonsumo na ang
pagbili at paggamit ng produkto ay
hindi tumutugon sa pangangailangan
ng mamimili at hindi nagdudulot ng
kasiyahan sa kanya. Maaaring ang
ginawang pagbili ay bunga ng mga
salik na nakaiimpluwensya sa ating
pagkonsumo.
AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------

MAPANGANIB
Ang uri ng pagkonsumo
ng mga bagay na maaaring
magdulot ng sakit at
perwisyo sa tao.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
Gawain 2: I-aksyon Mo!
Bubunot ang lider ng pangkat ng isang strip na papel na may
nakasulat na uri ng pagkonsumo. Pagkatapos, bibigyan ng 20
segundo ang pangkat para pag-isipan at iplano ang
ipapakitang aksyon batay sa nakasulat sa nabunot na strip ng
papel at huhulaan ng ibang grupo.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
Paglalahat:
Mayroon tayong apat na uri ng pagkonsumo ---
tuwiran, produktibo, maaksaya at mapanganib.
Magbigay ka ng halimbawa ng iyong
pagkonsumo para sa bawat uri at ipaliwanag.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
Pagpapahalaga:
Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman
ukol sa pagkonsumo? Paano ito
makatutulong sa pang-araw-araw na
buhay?

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
Pagtataya:
Sagutin ang bawat tanong. (10 puntos)
1. Ano ang pagkonsumo?
2. Anu-ano ang mga uri ng pagkonsumo? Paano
ito nagkakaiba? Ipaliwanag.

AP9MKE-Ig-15 AP 9
-------------------------------------------------------------
Takdang Aralin:
Anu-ano ang mga salik ng pagkonsumo? Magsaliksik ukol
dito. Isulat kalahating papel ang magiging kasagutan ukol
dito.

AP9MKE-Ig-15 AP 9

You might also like