You are on page 1of 34

TIMOG-

SILANGANG ASYA
Nagpatuloy ang paghahangad ng mga Kanluranin sa
mga pampalasa ng mga bansa sa Timog Silangang
Asya. Ang pagbabagong dulot ng industriyalisasyon
ay lalo pang nagpataas sa pagnanais ng mga
Kanluranin na mapanatili ang kanilang imperyo.
Ginamit ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman
na makukuha sa mga bansa rito upang makagawa
ng mas maraming produkto. Higit sa lahat, ang
kanilang mga sobrang produkto ay dinala nila sa
mga pamilihan ng mga bansa sa Timog Silangang
Asya. Naisakatuparan nila ang lahat ng mga ito dahil
sakop nila ang karamihan ng mga bansa sa rehiyon.
INDONESIA
Patuloy na pinamahalaan ng
Netherlands ang Indonesia.
Ang mataas na paghahangad ng
mga taga-Europe sa mga
pampalasa at produktong
agrikultural ang nagtulak sa mga
Dutch na ipatupad ang culture
system o kilala rin sa tawag
na cultivation system. Ang
patakaran na ito ay iminungkahi
ni Johannes Van den Bosch.
Sa ilalim ng patakarang ito,
inatasan ng mga Dutch ang
mga magsasakang Indones
na ilaan ang sanlimang
(1/5) na bahagi ng
kaniyang lupain o 66 na
araw para sa pagtatanim ng
mga produktong iniluluwas
ng mga Dutch. Ilan sa mga
ito ay asukal, kape at
indigo.
 Nang makita ng mga Dutch ang tagumpay ng culture system, sapilitan na
ring ipinatanim sa mga Indones ang iba pang produkto tulad ng bulak,
palms, tsaa, tabako, quinine at iba pang pampalasa. Dumanas nang lubos
na paghihirap ang mga Indones sa ilalim ng patakarang ito dahil hindi na
sila makapagtanim ng mga produkto para sa kanilang sariling
pangangailangan.
CULTURE SYSTEM

Patakarang ipinatupad ng
mga Dutch sa Indonesia
upang matugunan ang
pangangailangan nito sa
pagbebenta ng mga
pampalasa sa pandaigdigang
kalakalan.
EDWARD DOUWES DEKKER
Tinuligsa niya sa kanyang aklat
na “Max Havelaar” ang Culture
System. Sa pamamagitan ng
aklat na ito, ibinulgar niya ang
kawalan ng pagpapahalaga ng
mga Dutch sa buhay ng mga
mamamayang Indones.
MALAYA AT SINGAPORE

Napasakamay ng mga British ang Singapore,


na noon ay bahagi pa ng Malaysia dahil
naghahanap sila ng angkop na daungan para
sa kanilang mga barkong pangkalakalan mula
India patungong China.
SIR STAMFORD RAFFLES
• Si Stamford Raffles ng East India Company at ang
Lieutenant Governor ng Java ang nagtatag ng
Singapore.
• Matapos makipagkasunduan sa pamunuan ng Johor,
isang basing komersiyal ang itinatag ditto noong
1819 at isinuko sa British East India Company noong
1824.
• STRAIT SETTLEMENTS - Ay isang pangkat ng mga
teritoryo ng Britanya na matatagpuan sa Timog-
silangang Asya. Ang orihinal na itinatag noong 1826
bilang bahagi ng teritoryo na kinokontrol ng British
East India Company, ang mga Straits Settlements ay
dumating sa ilalim ng direktang pagkontrol ng
Britanya bilang isang kolonya ng Crown noong ika-1
ng Abril 1867.
MALAYA AT SINGAPORE
Sa kabilang banda, kilala naman ang Malaysia sa malawak
na plantasyon ng goma (rubber) at sa pagkakaroon ng
malaking reserba ng lata (tin). Naging pangunahing
produktong panluwas ng Malaysia ang goma at lata.
SINGAPURA

Salitang Malay na
ang ibig sabihin sa
Ingles ay Lion City.
RUBBER

Ito ay orihinal na
matatagpuan sa South
America. Dinala ng mga
British ang mga buto nito sa
Malaysia upang pasimulan
ang plantasyon ng rubber
tree sa rehiyon.
MELTING POT

Tawag sa lugar o rehiyon kung saan nagtatagpo ang


iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko. Ang
populasyon ng Malaysia ay binubuo ng mga katutubong
Malay, malaking bahagdan ng mga Tsino, Tamil, Pilipino,
at mga Nepalese.
Unang Digmaang Anglo- Ikalawang Digmaang Anglo- Ikatlong Digmaang Anglo-
Burmese Burmese Burmese
1842-1856 1852-1853 1885-1886
Natalo ang mga Burmese at Natalo ang mga Burmese dahil Natalo ang mga Burmese
nilagdaan ang Kasunduan sa sa mas malakas na kagamitang  
Yandabo. pandigma ng mga British.
     Ganap na sinakop ng England ang
Nagbigay ng bayad-pinsala Nawalan ng karapatan ang
ang Burma buong Burma at isinama ito bilang
mga Burmese na dumaan sa probinsiya ng India. Isa itong
 
mga rutang pangkalakalan na malaking kahihiyan para sa
Napasakamay ng English
East India Company ang
dati ay kanilang pagmamay-ari. kaharian ng Burma na matagal
Arakan at Tenasserim nang namamahala sa kanilang
  lupain.
Tinanggap ng Burma ang
British Resident sa palasyo
ng hari

Hidwaan sa kalakalan. Itinuring ng mga British na


Paglusob ng Burma sa mga
estado ng Assam, Arakan, at
Sapilitang kinuha ng mga pagtataksil ang
Manipur na itinuring ng mga British ang mga barkong
pangkalakalan ng mga pakikipagkasundo ng mga
British na panghihimasok sa haring Burmese sa bansang
India Burmese
France
RESIDENT SYSTEM
• ay isang patakaran na ipinatupad ng mga British sa Burma.
• Ang British Resident ay kinatawan ng pamahalaan ng
England sa Burma.
• Bilang kinatawan, kailangang manirahan ang British
Resident sa Burma. Isa sa kaniyang tungkulin ay ang
pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang bansa. Ibig sabihin,
may karapatan siyang makipag-usap, makipagkasundo,
makipagkalakalan at magdesisyon sa mga usaping
panlabas ng Burma na dati ay gawain lamang ng Hari ng
Burma.
ANG FRANCE SA INDOCHINA
• Sa simula, ang Indochina ay binubuo lamang ng
ilang malalayang estado. Di-naglaon, ito ay
pinag-isa ni Emperador Gialong, isang prinsipeng
Annamese sa tulong ng mga Pranses.
• Ang pagkamatay ni Gialong noong 1820 ay
nagdulot ng kaguluhan sa bansa. ANO ANG
GINAWA NG MGA SUMUNOD NA MGA
PINUNO?
• PROTECTORATE - Ang salitang protectorate ay
nangangahulugan at tumtutukoy sa isang nasyon
na pinoprotektahan at kinokontrol ng kabilang
bansa o nasyon.
HENRI RIVIERE
• Noong 1882, inangkin din ni Henri Riviere
ang Hanoi(capital ng vietnam) sa tulong ng
mga mersenaryong kilala bilang “Black
Flags.”
• Sa kanyang pamumuno, kaagad
ipinasunod ng mga Pransesang
patakarang Asimilasyon – ay tumutukoy
sa pag-angkop at pagtanggap ng isang
kultura ng isa pang kultura.
ANG KOLONISASYON NG PILIPINAS
Sa higit 300 taon ay napasailalim ang mga Pilipino sa
kamay ng mga Espanyol.
Nagtangka man silang makamit ang kalayaan ngunit
sila ay nabigo.
Sa pagpasok ng ika - 19 na siglo, nagsimulang
magpalawak ng kaniyang teritoryo sa Asya - Pasipiko
ang United States.
• Ang Pilipinas ay tuwirang pinamahalaan ng mga Kastila noong 1851. Gabay ng patakarang
Asimilasyon, ipinangaral ng mga misyonerong Kastila hindi lamang sa kanilang relihiyon kundi
pati ang kanilang mga gawi sa sining, pagpipinta, musika, pati na sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
• Ang mga Kastila rin ang umukopa sa matataas na posisyon sa simbahan at pamahalaan.
• ROYAL AUDENCIA - ang pinakamataas na hukuman ng mga Kastila sa Pilipinas.
• URBAN BASED THINKING – kaisipang nababatay sa mga lungsod sa pamamagitan ng
pagtatatag ng mga munisipyo, lungsod, at lalawigan o REDUCCION.
• ENCOMIENDA – isang sistemang piyudal kung saan ang isang bahagi ng lupain kasama ang
mga naninirahan at yamang likas nito ay ipinagkaloob sa mga Kastila bilang gantimpala sa
kanilang mga serbisyo sa hari.
• MONOPOLYO – pagkontrol sa kalakalan ng isang bansa sa bansang kanyang nasasakupan.
Itinatag ni Gobernador Jose Basco ang monopoly ng tabako na matagumpay na nagpayaman
sa mga Kastila sa kapinsalaan ng mga Pilipino.
 Noong una, tinulungan
ng mga Amerikano ang
mga rebolusyunaryong
Pilipino sa pamumuno
ni Emilio Aguinaldo na
talunin ang mga
Espanyol. Natalo ang
mga Español at
idineklara ni Aguinaldo
ang kalayaan ng
Pilipinas noong Hunyo
12, 1898.
 Subalit, lingid sa kaalaman ng
mga Pilipino ay nagkaroon ng
lihim na kasunduan ang mga
Spain at United States. Batay sa
kasunduan, susuko ang Spain sa
United States at isasalin sa huli
ang karapatang pamunuan ang
Pilipinas.
 Pormal na naisalin sa kamay ng
United States ang pamumuno sa
Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa
Paris. Nilagdaan ito ng mga
kinatawan ng United States at Spain
noong Disyembre 10, 1898
 Sumiklab ang Digmaang Pilipino - Amerikano
noong 1902 kung saan ay natalo ng mas malakas
na puwersang Amerikano ang mga Pilipino.
Itinatag ng mga Amerikano ang Pamahalaang
Militar at nang lumaon ay naging Pamahalaang
Sibil na parehong pinamumunuan ng mga
Amerikano at Pilipino. Nagpatayo rin sila ng mga
paaralan at ginawang libre para sa lahat ang pag-
aaral, ospital, kalsada, at mga gusaling
pampamahalaan.
Sa huling bahagi ng kanilang pamumuno, Itinatag nila ang Pamahalaang Commonwealth
kung saan ay sinanay nila ang mga Pilipino sa pagpapatakbo ng isang pamahalaang
demokratiko.

Bukod dito, nais din ng mga Amerikano na manatili ang kanilang impluwensiya sa
pamahalaan ng Pilipinas upang maprotektahan ang kaniyang mga interes sa bansa
matapos niyang maipagkaloob ang kalayaan nito.
PERLAS NG SILANGAN

Ganito inilarawan ni Jose


Rizal ang Pilipinas dahil
sa ganda ng bansa at sa
kaniyang lokasyon nito
sa Asya.
20 MILYONG DOLYAR

Ibinayad ng United
States sa Spain
kapalit ng
pagpapaunlad na
ginawa ng España
sa Pilipinas.
THOMASITES
Tawag sa mga
unang gurong
Amerikano na
dumating sa
Pilipinas lulan ng
barkong
S.S.Thomas
• “MANIFEST DESTINY” – ay batay sa ideya na ang United States ay
itinalaga ng Maykapal na magpalawak ng hangganan ng walang hanggang
lupain o bansa man. Ideya na itinalaga ng Maykapal ang mga Amerikanong
magpalaganap, kontrolin, at panahan ang alinmang bansa kung
kinakailangan.

BENEVOLENT ASSIMILATION – sa pamamagitan ng prosesong ito,


ipinahayag ni Pangulong McKinley ang kanyang intensiyong mapag-aral,
malinang at maitaas ang kabuhayan, at gawing Kristiyanismo ang mga
Pilipino.
ANG THAILAND BILANG MALAYANG
BANSA • SIAM – pangalan ng bansang Thailand noon. Ang
bansang tanging nanatiling Malaya noong
panahon ng kolonyalismo.
• Ang Siam ay matatagpuan sa pagitan ng Burma
na kontrolado ng Britain at France.
• Minabuti ng hari ng Siam na ideklara ang bansa
bilang isang neutral zone sa pagitan ng dalawang
kapangyarihan.
• ANO ANG GINAWANI HARING
CHULALONGKORN PARA SA SIAM?
EPEKTO NG KOLONYALISMO SA TIMOG-
SILANGANG ASYA
• Pinaunlad ng mga cash crop o produktong pang-eksport na naipagbibili sa pamilihang
pandaigdigan ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.
• Nakinabang ang mga dayuhan sa mga nalinang at higit pang pinaunlad na mga daan,
daungan, at daang-bakan na nagpabuti sa sistemang komunikasyon at
transportasyon.
• Napabuti at nalinang ang edukasyon, kalusugan, at kalinisan sa rehiyon.
• Ang rehiyon ay nagmistulang “Melting Pot” - Tawag sa lugar o rehiyon kung saan
nagtatagpo ang iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko. Ang populasyon ng
Malaysia ay binubuo ng mga katutubong Malay, malaking bahagdan ng mga Tsino,
Tamil, Pilipino, at mga Nepalese.

You might also like