You are on page 1of 18

PA G BI SI T A N I R IZ A L S A

ESTA D O S U NID O S , 1 8 8 8
KABANATA 13
• Unang nakita ni Rizal ang Amerika noong Abril 28, 1888
ngunit nabahiran ng hindi magandang impresyon ang
pagpunta sa lugar na ito.
PAGDATING SA SAN FRANCISCO
• Ang barkong Belgic, ang kanyang sinakyan na dumaong sa San Francisco noong
Abril 28, 1888

• Hindi sila pinayagang bumaba ng barko dahil sa kumakalat na balitang may


epidemya ng kolera sa Dulong Silangan kung saan galing ang mga pasahero ng
barko.
• Sila ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang
mga ito ay mayroong sakit na kolera.

• Ang Amerikanong Konsul (Japan) at Gobernador (Hong Kong) ang


nagpatunay na walang epidemyang kolera.

• 643 Tsinong coolie ang lulan ng barko.

• Pagkaraan ng isang linggong pagkukuwarentenas. Ang mga


pasaherong nasa primera klase kasama si Rizal ay pinayagan ng
bumaba ng barko.
SI RIZAL SA SAN FRANCISCO
• Mayo 4, 1888 (biyernes ng hapon), ang araw na pinayagan si Rizal na
bumaba ng barko.
• Sa Palace Hotel siya nagparehistro na tinaguriang primera klaseng
hotel noong panahon iyon.
LELAND STANFORD
• Ang milyonaryong senador na
kinatawan ng California sa Estados
Unidos.

• Siya ay tagapagtatag at
tagapagtustos ng Unibersidad ng
Stanford.
GROVER CLEVELAND

•Pangulo ng Estados Unidos


SINULAT NIYA SA KANYANG TALAARAWAN:
• Nakita niya ang Golden Gate
• At ayon sa kanya ang
pinakamagandang kalye sa
San Francisco ay ang Kalye
Market.

• Mayo 4 – Mayo 6, 1888. Tumigil


si Rizal ng dalawang araw sa
San Francisco.
SA KONTINENTENG AMERIKA
• Mayo 6, 1888 (Linggo) 4:30 p.m., sakay ng barko, umalis na si Rizal sa San
Francisco patungong Oakland.

• Sa Oakland sumakay siya ng tren para maglibot sa lugar.


• Simula Mayo 7 – 13, nagsulat si Rizal sa kanyang talaarawan ng magagandang
karanasan niya pamula sa Nevada, Chicago hanggang makarating siyang
Albanya.
Mayo 7 (Lunes)
• nag-agahan siya sa Reno, Nevada na tinaguriang “Ang Pinakamalaking Maliit na
Lungsod sa Buong Mundo” at kilala rin sa casino.
Mayo 8 (Martes)
• Utah (ang ikatlong estadong dinaanan nila).
• Lumipat sila ng tren pagdating sa Ogden.
• Hanggang sa makarating sila sa Denver.
Mayo 9 (Miyerkules)
• Nagising si Rizal ng nasa Colorado na.
• Ikalimang estadong dinaanan nila.
Mayo 10 (Huwebes)
• Nagising siya ng nasa Nebraska na.
• Nadaanan din nila ang Omaha.
• Nakita niya ang ilog ng Missouri.
• 2 ½ minutong dumaan ang tren dito hanggang sa narating nila ang Illinois.
Mayo 11 (Biyernes)
• Nasa Chicago na sila ng nagising si Rizal.
• Umalis ng 8:14 ng gabi ng biyernes sa Chicago.
Mayo 12 (Sabado)
• Malapit na sila sa Canada.
• Hapon na ng makita niya ang talon ng Niagra na ikinumpara niya pa sa talon sa
Los Baños (Pagsanjan).
• Gabi na sila nakaalis ng lugar na ito.
Mayo 13 (Linggo)
• Albany (isang malaking lungsod)
• Nakita niya ang ilog ng Hudson na maraming bangka.
• Ayon kay Rizal ang Hudson ay (malawak at may magagandang barko at bahay.)
RIZAL SA NEW YORK
• Mayo 13 (linggo) – narrating ni Rizal ang New York at natapos na ang
paglalakbay niya sa Amerika. Tatlong araw siyang namalagi rito at
tinawag niyang “malaking bayan” ang New York.

• Mayo 16, 1888 – nilisan niya ang New York at tumungo sa Liverpool.
Sakay ng barkong City of Rome: “Pangalawang pinakamalaking barko sa
buong mundo.
MGA IMPRESYON NI RIZAL SA AMERIKA
MAGAGANDA NIYANG IMPRESYON MASAMA NIYANG IMPRESYON
1. Materyal na kaunlaran ng bansa na nakikita sa 1. Ang kawalan ng pantay-pantay na pagtrato
malalaking lungsod, lupaing agrikultural, mga
sa mga lahi.
umuunlad na industriya, at abalang mga
panawagan;
2. Ang enerhiya at pagpupursige ng mga Amerikano;
3. Likas na kagandahan ng bansa;
4. Matataas na antas ng pamumuhay; at
5. Mga oportunidad para sa mabuting buhay para sa
mahihirap na imigrante.
• Noong 1890, dalawang taon pagkaraan ng pagbisita ni Rizal sa Estados Unidos, si Jose Alejandro,
na noo’y nag-aaral ng inhenyeria sa Belhika, ay nakasama ni Rizal sa 38 Rue Philippe
Champagne, Brussels.

• Si Alejandro na hindi pa nakararating sa Amerika, ay nagtanong kay Rizal: “Ano ang impresyon
mo sa Amerika?”

• “Ang Amerika, ay isang bansang may napakagaling na kalayaan ngunit para lamang sa mga
Puti.” sagot ni Rizal.

You might also like