You are on page 1of 14

BASURA

PADUA, Joelyn D. & RAMILO, Audrey Brenth C.


 Layunin
 Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
 1. matukoy ang pangunahing suliraning panlipunan sa
komunidad at sa buong bansa; at
 2. malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/
multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga reyalidad ng
lipunang Pilipino.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga
produktong nalilikha ng tao: mga produktong
nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng
pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng
pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa
pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga
produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at
sa mga gawain sa loob ng tahana; mga
produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-
sining; mga produktong nagluluwal ng iba
pang produkto; at marami pang klase ng produkto na
nalilikha sa sangkatauhan.
 Ang Pilipinas ay pangatlo sa nag-aambag ng basura sa buong
mundo kasunod ng Indonesia at China. Ito na yata ang isa sa
mga nakakabahalang isyu dito sa Pilipinas.
 Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw
(liquid wastes) at buo (solid wastes) na galling sa mga bahay
at barangay na hindi wastong pinamamahalaan ay isang
malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid ng mga sakit
na nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang
nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga
daga at iba pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit.
Pangkaraniwan na ang mga basang basura at dumi ang
nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy. Nagiging daan
ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa
kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng
masamang kalusugan.
GARBAGE EXPOSURE
Nangangailangan ng espesyal na pagpansin ang pagtatapon
ng mga basura mula sa mga ospital, yamang maaari itong
lumikha ng panganib sa kalusugan. Pangakaraniwang
nanggagaling ang mga basurang ito sa ospital, health care
centers, medical laboratories at research centers, tulad ng
mga karayom ng heringgilya, bandages, plasters, pamahid
at iba pang uri, ay itinatapon kasama ang karaniwang
basura. Ang mga tambakan ng basura at mga waste
treatment plants, ay isa pang nagdudulot ng panganib sa
kalusugan ng mga nakatira sa paligid.
SANHI NG BASURA
 Kakulangan sa edukasyon. Ang Pilipinas ay maraming
problema sa pagpapaaral sa mga kabataan ngayon bunga na
rin ng kakulangan sa mga guro na siyang tumutulong sa mga
kabataan upang maging edukado at ang kakulangan ng mga
silid aralan kung saan nag-aaral ang mga kabataan.
 Kakulangan sa implementasyon ng ng mga batas at
alituntunin ukol sa basura. Walang maayos na tapunan na
nakatalaga sa mga kalsada, walang maayos na sistema
ng waste management at unti-unti nang napupuno ang mga
imbakan ng basura.
 Kakulangan sa “disiplina”.
EPEKTO NG BASURA:
1. Ang mga insekto at mapapanganib na organism ay
nabubuhay at nakakapagparami sa basura.
2. Ang pagtaas ng bilang ng basura ay nagiging sanhi ng
polusyon sa hangin at nagdudulot ng mga sakit sa baga.
3. Nakokontamina ang mga anyong tubig na nakakaapekto
sa ating ecosystem.
4. Ang direktang paghawak ng basura ay nagpapakita ng
banta sa panganib sa kalusugan.
5. Ang hindi mabisang kontrol sa basura ay masama para sa
kabutihan ng munisipyo.
Ano nga ba ang
solusyon sa suliranin
sa basura?
Maaari itong lutasin sa pamamagitan ng waste
management o paglimita, pagbabawas o kaya’y
wastong pagtatapon ng mga basurang likido at solido
ng naglalayong panatilihin ang kalinisan ng
kapaligiran, at tiyakin na ang mga likas na yaman ng
daigdig ay magiging sustentable para sa mga
susunod na henerasyon. Madalas, wastong pagtatapon
ng mga basura ang pangunahing tuon ng mg programa
sa waste management dahil ito ang pinakamadaling
ipatupad.
 Ang proseso ng wastong pagtatapong ng mga basura ay
nagsisimula sa segregasyon koleksiyon nito.
 Ang segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng mga basura ay ayon
sa mga sumusunod na kategorya:
 nabubulok, di-nabubulok ngunit di-nairerecycle; di-nabubulok
ngunit nairerecycle; kemikal, lason, basurang mula sa mga
ospital (hospital waste), at iba pang katulad nito.
 Sa MRF ay agad na maihihiwalay ang mga maaari pang
pakinabangan sa mga basura na dapat nang itapon.
 Ang mga basurang nabubulok (basurang organiko gaya ng dahon,
tirang pagkain, dumi ng hayop, at iba pa) ay binubulok at pinoproseso
upang maging lupa o pataba. Samantala, ang mga basurang di-
nabubulok at hindi rin nairerecycle ay karaniwang itinatapon sa mga
sanitary landfill o mga kontroladong tambakan ng basura na
pinaiibabawan ng lupa kapag puno na.
 Ang mga basurang nabubulok at maaaring irecycle (tulad ng mga
sisidlang plastic at technology junk gaya ng mga sirang kompyuter at
cellphone) ay ipinapadala sa mga plantang nagrerecycle.
 Ang mga kemikal, lason, at iba pang katulad nito ay dinadala naman
sa mga waste facilities o mga pasilidad na nagpoproseso ng kemikal at
iba pang dumi upang hindi makapinsala sa kalikasan ito.
 Ang mga hospital waste ay karaniwang sinusunog sa mga incinerator
sa mga bansang pinapayagan pa iyon. Sa maraming bansa naman,
karaniwang sa sanitary landfill ipinapadala ang mga basurang mula sa
ospital.
Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal

 Bilang mga mag-aaral ng komunikasyon sa Filipino, isang kahingian na maunawaan ang


mga tinatalakay sa suliraning lokal at nasyonal. Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ng
pakikipagtalastasan sa paglalarawan, pagtalakay, at paghahanap ng mga solusyon sa mga
problema ng ating mga komunidad at ng buong bansa.
 Susi rin ang komunikasyon sa iba’t ibang paraan upang maipalaganap ang impormasyon
hinggil sa mga bagong patakaran ng gobyerno kaugnay ng mga isyung panlipunan.
 Sa lebel naman ng akademiya o unibersidad na kinabibilangan ng mga estudyante ng
komunikasyon, walang pananaliksik na maisasagawa nang maayos at mabisa kung walang
pagmamasid, pagtatanong, pakikisalamuha, pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, at
pakikipamuhay sa mga komunidad ng mga kapuwa Pilipino.
 Mahalaga ang kasanayan sa komunikasyong Filipino sa pagbabahaginan ng salaysay at
karanasan sa iba’t ibang pangkat sa mga komunidad na ating kinabibilangan.
 Paggamit ng 3R – Reduce, Reuse at Recycle

You might also like