You are on page 1of 29

TRANSK R IP S Y ON

•ANG TRANSKRIPSYON AY TULAD DIN NG PALATULDIKAN.


GINAGAMIT ANG TRANSKRIPSYON AT PALATULDIKAN
BILANG GIYA O PATNUBAY KUNG PAPAANONG BIBIGKASIN
NG WASTO ANG MGA SALITA SA ISANG WIKA.
NILIKHA NG MGA DALUBWIKA
SA EUROPA ANG
TRANSKRIPSYON KUNG ILANG
DANTAON NA ANG NAKARAAN,
NOONG MGA PANAHONG
USUNG-USO ANG PAG-UURI-
URI O PAGPAPANGKAT-
PANGKAT SA MGA WIKA SA
DAIGDIG.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA


salita

pangungusap

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


• HINDINILA MAGAMIT ANG ORTOGRAPYA O SISTEMA NG PAGSULAT NA
GINAGAMIT SA ISANG PARTIKULAR NA WIKANG KANILANG SINUSURI
SAPAGKAT BUKOD SA IBA’T IBANG SISTEMA NG PAGSULAT ANG GINAGAMIT,
KARANIWANG NANG ANG ISPELING NG ISANG SALITA, KUNG SISTEMANG
ROMANO ANG GINAGAMIT, AY HINDI MATAPAT NA NAGLALARAWAN NG AKTWAL
NA BIGKAS NITO.
DALAWANG KLASE ANG TRANSKRIPSYON NA
KARANIWANG GINAGAMIT NG MGA DALUBWIKA

• TRANSKRIPSYONG PONETIKO
• TRANSKRIPSYONG PONEMIKO
UNA AY KUMUKUHA SIYA NG MGA
IMPORMANTE O NG MGA TAONG LIKAS
NA NAGSASALITA NG NASABING WIKA.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND


ITINATALA NIYA ANG MGA SALITA O
PANGUNGUSAP NA BINIBIGKAS NG MGA
IMPORMANTE SA PAMAMAGITAN NG
TRANSKRIPSYON PONETIKO.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND


SA TRANSKRIPSYONG PONETIKO, LAHAT NG TUNOG NA MARINIG NG NAGSUSURING
LINGGWIST, MAKAHULUGAN MAN O HINDI, AY KANYANG ITINATALA.
•SA TRANSKRIPSYONG PONETIKO,
HINDI LAHAT NG TUNOG NA
BINIGYAN NG KAUKULANG
SIMBOLO NG ISANG NAGSUSURI AY
MAKAHULUGAN O PONEMIKO.
This Photo by Unknown Author is licensed
under CC BY-SA
SET NG MGA PONEMANG BUMUBUO SA WIKA
•SA PAGTATALA NG MGA PONEMA NG ISANG WIKA,
ANG GINAGAMIT AY TRANSKRIPSYONG PONEMIKO.
TRANSKRIPSYONG PONETIKO

• ANG GINAGAMIT NA PANGULONG SA MGA SALITA AY MGA BRAKET

HALIMBAWA:
TRANSKRIPSYONG PONETIKO: [ ɁaɁa.sah]
TRANSKRIPSYONG PONEMIKO

• ANG GINAGAMIT NAMAN AY MGA PAHILIS NA GUHIT O VIRGULES.

HALIMBAWA:
TRANSKRIPSYONG PONEMIKO: /a.a.sa/
•SA NGAYON, ANG MGA GUMAGAMIT NG TRANSKRIPSYON SA
FILIPINO AY MASASABING HATI SA DALAWAG PANINIWALA O
ISTILONG SINUSUNOD.
• ANG UNANG PANGKAT AY SUMUSUNOD SA PANINIWALANG ANG LAHAT NG
SALITA SA FILIPINO AY NAGSISIMULA AT NAGTATAPOS SA KATINIG.

HALIMBAWA:

ASO ‘DOG’
TRANSKRIPSYON: [Ɂa.soh]

/Ɂ/ /h/
• ANG IKALAWANG PANGKAT NAMAN AY SUMUSUNOD SA
PANINIWALANG KAPAG TRANSKRIPSYONG PONEMIKO ANG PINAG-
UUSAPAN, HINDI NA DAPAT ILAGAY PA ANG /Ɂ/ SA PUSISYONG INISYAL
NG SALITA SAPAGKAT ANG TUNOG NA ITO AY PREDIKTABLE O
MAHUHULAANG NAROON SA GAYONG PUSISYON. GAYUNDIN , HINDI NA
RIN DAPAT ILAGAY ANG /h/ SA PUSISYONG PINAL NG SALITA
SAPAGKAT KUNG ITO’Y MAKABULUHAN O PONEMIKO SA GAYONG
PUSISYON, MAGBABAGO ANG KAHULUGAN NG SALITANG KINAKABITAN
NITO KAPAG ITO’Y INIALIS. SA IBANG SALITA, ALISIN MAN ANG /h/ SA
TRANSKRIPSYONG [Ɂa.soh], ‘DOG’ PA RIN ANG KAHULUGAN NG SALITA.
AT ALISIN MAN ANG /Ɂ/ SA PUSISYONG INISYAL NG SALITA, GAYON DIN
ANG KAHULUGAN AT BIGKAS NG SALITA.
mga ponema sa wikang Filipino

/Ɂ/
- kaiba sa ibang ponema, ay matatagpuan lamang sa mga pusisyong midyal sa pagitan ng katinig at
patinig at sa pusisyong pinal ng salita.
Halimbawa:
/magɁalis/
/matandaɁ/

/h/ - ay sa mga pusisyong inisyal at midyal lamang


Halimbawa:
/hali.na/
/ba.hay/
TRANSKRIPSYONG PONEMIKO

• /ŋ / - ng ( isang digrapo o dalawang simbolo na kumakatawan sa isang ponema)

• /Ɂ/ - katumbas ng impit na tunog o glottal na pasara at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (`)
SA TRANSKRIPSYONG SUSUNDIN, MAHALANG MALAMAN ANG MGA
SUMUSUNOD NA ALITUNTUNIN:

1. KUNG NAGSASAGAWA NG TRANSKRIPSYON, DE LETRA O SCRIPT ANG DAPAT NA GAMITIN AT HINDI “PATAKBO” O CURSIVE ;

2. ANG SALITA, PARIRALA, O PANGUNGUSAP NA ITINATRANSKRIBE AY DAPAT KULUNGIN NG DALAWANG GUHIT NA PAHILIS;

3. KAIBA SA PALABAYBAYAN, HINDI GUMAGAMIT NG MALAKING TITIK SA TRANSKRIPSYON;

4. ANG TULDOK NA KUMAKATAWAN SA PAGPAPAHABA NG PATINIG AY LAGING INILALAGAY PAGKATAPOS NG MAHABANG PATINIG.

5. ANG /Ɂ/ NA NAGREREPRISINTA SA IMPIT NA TUNOG NA MATATAGPUAN SA MGA PUSISYONG MIDYAL AT PINAL AY ISINUSULAT
NANG NAKAHANAY SA IBANG PONEMA. HINDI ITO NAKATAAS O NAKAPAIBABAW SA PATINIG TULAD NG GAMIT NG MGA TULDIK
SA PALATULDIKAN NI LKS.
HALIMBAWA SA WIKANG INGLES:

• “weight” - /weyt/
• “what is your name” - /watz yər neym/
HALIMBAWA SA FILIPINO:

• alagad - /alagad/
• mabuti - /mabu.ti/
• matanda - /matanda Ɂ/
• langoy - /laŋoy/
• batà - /bata Ɂ/
NARITO ANG ILANG HALIMBAWANG TRANSKRIPSYON NG
MGA SALITA, PARIRALA, AT PANGUNGUSAP SA FILIPINO:
• /malu.may/ • /dala.ga/ • /pala.tuntu. nan/
• /mabilis/ • /kapisa.nan/ • /sa.sa.ma/
• /malu.miɁ/ • /buŋa. ŋaɁ/ • /nagda.dalamha.tiɁ/
• /maragsaɁ/ • /malaki/ • /pa.aralan/
• /ba.gaɁ/ • /bulaklak/ • /magpa.pakamatay/
• /bagaɁ/ • /alitaptap/ • /nagsa.salitaɁ/
• /ba.ga/ • /kaliwaɁ/
• /baga/ • /panibughuɁ/
NARITO ANG ILANG HALIMBAWANG TRANSKRIPSYON NG
MGA SALITA, PARIRALA, AT PANGUNGUSAP SA FILIPINO:

• ( 1 ) “isang galon” /isaŋ galon/


“isang salop” /isan salup/
“isang basket” /isam ba.sket/
“bagong kain” /ba.guŋ ka.in/
“bagong ligo” /ba.gun li.guɁ/
“bagong punas” /ba.gum pu.nas/
NARITO ANG ILANG HALIMBAWANG TRANSKRIPSYON NG
MGA SALITA, PARIRALA, AT PANGUNGUSAP SA FILIPINO:

• ( 2 ) “Opò, hindî ngâ pô naligò si Gemò.”


/o.poɁ #hindi. ŋa. pu. nali.gu. si ge.moɁ/
NARITO ANG ILANG HALIMBAWANG TRANSKRIPSYON NG
MGA SALITA, PARIRALA, AT PANGUNGUSAP SA FILIPINO:

• ( 3 ) “Iniibig ko ang Pilipinas. Ito ang lupa kong sinilangan. Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako’y
kanyang kinukupkop at tinutulungan, upang maging malakas, maligya, at kapaki-pakibabang.”
/ini.i.big ko.m pilipi.nas//ito.n lu.pa. kun sinila.ŋan//ito.n ta.ha.nan naŋ a.kin la.hi Ɂ//akuy
kanya. Kinu.kupkop at tinu.tulu.ŋan # u.paŋ magiŋ malakas # maliga.ya # at kapaki.pakina.baŋ/
•BILANG PAGSASANAY AY MAAARI NINYONG BASAHIN ANG
MGA HALIMBAWANG AKING IBINIGAY AT PAG-ARALAN
ANG TRANSKRIPSYON NG MGA SALITA, PARIRALA AT
PANGUNGUSAP.
- PA G TA T A P OS N G
ARALIN-
T SA INYO NG PA K IK INIG
MARAMING SALAMA

You might also like