You are on page 1of 53

PAGLINANG SA

KASAYSAYAN
Kontemporaneong Isyu
KAHALAGAHAN NG PAG-
AARAL NG MGA
KONTEMPORANEONG ISYU
Bakit ito mahalaga?
Ano ang kontemporaneong isyu?

Ang isang usapin o paksa na laganap na pinag-uusapan at


pinagtatalunan sa kasalukuyan ay tinatawag na kontemporaneong isyu.
 Tatalakayin ang kahalagahan at kahulugan ng iba’t ibang
kontemporaneong isyu, uungkatin ang sanhi ng mga ito, at
kikilalanin ang mga epekto at implikasyon nito sa iba’t ibang sector
ng lipunang lokal at internasyonal. Tutukuyin din ang mga
ginagawang hakbang upang malutas ang mga suliraning sanhi ng
mga isyu.

 Ang mga kontemporaneong isyu ay maaaring pangkatin sa iba’t


ibang kategorya tulad ng pangkapaligiran, pang-ekonomiya,
pampolitika at pangkapayapaan, at panlipunan o pampamayanan.
SANHI AT IMPLIKASYON NG MGA ILANG
LOKAL AT PANDAIGDIGANG ISYU
Narito ang ilang kontemporaneong isyung local at
pandaigdigan na namamalas natin.

1. Terorismo

Ito ay anumang gawain ng


karahasan o pagbabanta na may
layong manakot ng tao o magbanta
na mapapasapanganib ang kanilang
buhay, kalayaan, karapatan, at
seguridad, kabilang na ang
kaayusan ng isang estado.
Narito ang ilang kontemporaneong isyung local at
pandaigdigan na namamalas natin.

2. Hidwaang
Panteritoryo
Sanhi ito ng dalawa o mahigit pang
bansang umaangkin sa isang lugar
bilang parte ng kani-kanilang
teritoryo. Halimbawa nito ay
agawan ng Pilipinas, Vietnam,
Malaysia, Taiwan, Brunei, at Tsina
sa mga isla sa Dagat Timog Tsina
na nagsimula pa nang unang bahagi
ng dekada 1970.
Narito ang ilang kontemporaneong isyung local at
pandaigdigan na namamalas natin.

3. Katiwalian
Sanhi ito ng mga gawaing labag sa
batas at anomalya. Ang katiwalian
ay pinagmumulan ng mga suliranin
sa pamahalaan, kabuhayan,
kapaligiran, at kapayapaan. Ang
katiwalian sa pamahalaan ay
maaaring dahilan upang patalsikin
ang tiwaling opisyal o gobyerno.
Narito ang ilang kontemporaneong isyung local at
pandaigdigan na namamalas natin.

4. Kawalan ng Trabaho
Isa ito sa mga pinakamahirap
lutasing suliranin ng alinmang
bansa. Parang roller coaster ang
takbo nito sa mga nagdaang
panahon: tumataas at bumababa ang
kabuuang bilang ng mga walang
trabaho.
Narito ang ilang kontemporaneong isyung local at
pandaigdigan na namamalas natin.

5. KOntraktuwalisasyon
Ito ay isang eskema na kailangang
mapasailalim ang isang manggagawa sa
bisa ng isang kontratang inihanda ng
employer o ahensiya upang makapagtrabaho
sa maikling panahon nang hindi regular o
permanente. Ito ay nangyayari sa
kagustuhan ng isang kompanya na lumaki
ang kita sa pamamagitan ng mababang
pagpapasahod at hindi pagbibigay ng mga
karapatan at benepisyo na karaniwang
tinatanggap ng isang manggagawa.
Narito ang ilang kontemporaneong isyung local at
pandaigdigan na namamalas natin.

7. kahirapan
Ito ay nakikita sa kawalan
ng trabaho ng maraming
mamamayan, kakulangan
ng permanente at
disenteng tirahan, di-sapat
na pagkain, mataas na
antas ng kriminalidad,
mababang bahagdan ng
nakakapagtapos ng
kolehiyo, at iba pa.
Ang pagiging mulat ng isang tao ay
nangangahulugang nauunawaan niya
ang mga kontemporaneong isyu gamit
ang tamang perspektiba o pananaw.
Dapat tingnan, usisain, at tasahin ang
isyu ayon sa konteksto at kabuuan ng
pangyayari na isinaalang-alang din
ang lugar, kultura, panahon, at mga
taong sangkot dito. Sa ganitong
paraan din matutukoy ang epektibong
kalutasan ng mga suliraning kaakibat
ng isyu.
YUNIT I: MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN AT
PANGEKONOMIYA

Kabanata 1: Mga Suliraning Pangkapaligiran


Ni Samantha C. Batul
Maaaring ipaloob sa kategoryang
pangkapaligiran ang mga usapin
tungkol sa pagpapalubag o
pagpapahupa ng pinsalang dulot ng
kalamidad, ng pagbabago ng klima, at
ng mga suliraning pangkapaligiran sa
sariling pamayanan tulad ng
ipinagbabawal na paraan ng
pagmimina, pagbaha, deforestation, at
hindi maayos na pangangasiwa ng
basura.
Disaster Risk Reduction
Ito ay naglalayong maibsan ang
matinding kapahamakan,
pahkasira, at pinsala na dala ng
mga likas na panganib sa mga
tao, ari-arian, at mga estruktura
sa pamamagitan ng prebensiyon.
Karaniwang ginagamit ang
salitang kalamidad at sakuna sa
pagtukoy sa magkaugnay na
likas na panganib at disaster.
MGA URI NG
KALAMIDAD
BAGYO
Ito ay isang malakas na hanging
kumikilos nang paikot, na
madalas ay may kasamang
malakas at matagal na pag-ulan.
Ilan sa mga nanalasang bagyo sa
bansa nitong nakaraang dekada
ay ang mga bagyong Remining
(Durian) noong 2006, Frank
(Fengshen) noong 2008, Pablo
(Bopha) noong 2012, at Yolanda
(Haiyan) noong 2013.
PAGASA
(PHILIPPINE ATMOSPHERIC,
GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL
SERVICES ADMINISTRATION)
Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa
paglalabas ng Public Storm Warning Signal o ang
PSWS upang magbigay-babala tungkol sa lakas ng
paparating na bagyo at lokasyon at tatahakin nito
upang makapaghanda ang mamamayan.
Limang Antas ng PSWS
LEAD TIME IMPACTS OF THE
PSWS WINDS (KPH)
(HRS) WIND
No damage to very
PSWS 1 36 30-60 kph
light damage
PSWS 2 Light to moderate
24 61-120 kph
damage
PSWS 3 Moderate to heavy
18 121-170 kph
damage
PSWS 4 Heavy to very heavy
12 171-220 kph
damage
PSWS 5 More than 220 Very heavy to
12
kph widespread damage
BAHA
Ito ay ang pagtaas ng tubig
nang higit sa kapasidad ng
ilog at ibang daluyan na ang
resulta ay pag-apaw nito sa
kapatagan. Sa Maynila,
binabantayan ang pag-apaw
ng Ilog Marikina at Ilog Pasig
tuwing may malakas na bagyo
o may walang patid na pag-
ulan.
Klasipikasyon ng Pagbuhos ng Ulan
Sukat ng Ibinuhos na Posibilidad ng Pagbaha
Klasipikasyon (Kulay)
Ulan (mm) at Maaaring Gawin

Yellow Rainfall Advisory 7.5-15 mm sa isang oras


Monitor
(Dilaw) at magpapatuloy.

15-30 mm sa isnag oras at


Orange Rainfall Advisory
magpapatuloy sa susunod Alert
(Kahel)
na dalawang oras.
30-65 mm sa isnag oras at
Red Rainfall Advisory inaasahang magpapatuloy
Evacuate
(Pula) sa susunod na dalawang
oras.
Matinding Pagbaha
Kabilang sa mga sanhi ng pagbaha ay
ang matinding pag-ulan, pagkaipon
ng tubig dahil sa mga baradong
daluyan ng tubig, at tuloy-tuloy na
pag-ulan sa buong araw.

Isa sa mga itinuturing na


pinakamalubhang pagbaha sa bansa ay
noong nanalasa ang bagyong Ondoy
(Ketsana) noong 2009 at napasailalim ang
Maynila at 23 lalawigan sa kalamidad.
LANDSLIDE

Ito ay ang pagdausdos ng


putik, lupa, o malaking bato
dala ng pagguho ng lupa mula
sa mataas na dako. Ang
landslide ay maaaring sanhi
ng pagmimina, paggawa ng
kalsada, at pagkaubos ng mga
puno sa isang bundok.
Shenzhen, Tsina

Isang halimbawa ay ang landslide sa Shenzhen, Tsina noong Disyembre 2015.


Dalawang taon bago ang sakuna, nagsimulang tambakan ang dating quarry sa
kalapit na bundok ng lupa at debris mula sa konstruksiyon. Gumuho ang
naipong burol ng lupa, sanhi ng pagkapatag ng 33 gusali na nabaon sa mahigit
30 talampakangputik. Lumalabas na man-made ang sakunang ito.
LINDOL

Ito ay isang biglaan at mabilis


na pagyanig ng lupa gawa ng
iba’t ibang dahilan tulad ng
paggalaw ng solidong batong
nasa ilalim ng lupa at pagiging
aktibo ng bulkan.
Tala ng Ritcher Scale
Lindol sa Bohol Lindol sa Japan
Noong 2013, naitala sa Ritcher Scale Noong Marso 2011, niyanig ng 9.0
ang 7.2 magnitude at sinasabing magnitude na lindol ang rehiyon ng
pinkamalakas na lindol sa Pilipinas sa Tohoku. Nagresulta ito sa umabot sa
loob ng 23 taon. Katumbas ito ng lakas 130 talamapakang tsunami na nagdulot
ng 32 atomic bombs. ng matinding pinsala.
BULKAN
Sa pagsabog ng bulkan,
bumubulusok ang lava palabas
sa bukana nito. Sumasabog
ang bulkan kapag napakalakas
na ng presyonsa ilalim ng
lupa. Ito ay sinasabayan din
ng nakalalasong gas at
iniluluwang malalaking bato
at abo na umaabot ng daan-
daang kilometro pataas sa
atmospera.
Bulkang Pinatubo
Noong 1991, tinatayang 20
milyong toneladang abo at sulfur
dioxide ang ibinuga nito sa
atmospera, dahilan para
mabawasan ang nakararating na
radyasyon mula sa araw at
mapababa ang temperature ng
mundo nang 0.5˚˚˚˚˚C nang
dalawang taon. Sa lupa, lubhang
napinsala ang gitang Luzon dahil sa
paglamon ng lahar samga bukirin
at kabahayan, na pinalala pa ng
epekto ng paparating na bagyo.
KAUGNAYAN NG MGA TAO SA MGA
KALAMIDAD
Kawalan ng Disiplina ng mga Tao

Ang kalamidad ay hindi lamang


dala ng likas na panganib kundi
dahil na rin sa kagagawan ng
tao. Sinasabing ang epekto ng
kalamidad ay may kaugnayan sa
mga desisyon at pagpili ng
ginagawa ng mga tao tungkol sa
pamumuhay at kapaligiran.
Kawalan ng Disiplina ng mga Tao

1. Halimbawa, ang paggamit ng kemikal na abono ay may di-


magandang epekto sa komposisyon at katangian ng lupa, maaaring
magdulot ng polusyon sa tubig sa ilalim ng lupa, at pumapatay sa
mga mikroorganismo sa lupa.
2. Ang mga minahan naman na iresponsable sa kanilang operasyon ay
sanhi ng pagkalason ng lupa, ilog, at karagatan.
3. Ang pagkakalbo ng kagubatan upang ang lupa ay gawing
subdibisyon at gamitin sa iba’t ibang industriya ay nakasisira sa
talagang ayos ng kalupaan.
MGA PAGHAHANDA SA MAAARING
MANGYARING KALAMIDAD
KALAMIDAD: TAGTUYOT
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan

Pagpapaalala sa Pag-iimbak ng tubig na


mamamayan na magtipid pang-inom, panligo,
sa tubig panlinis, at panlaba
Pagpapanatili ng maayos Pagtitipid sa tubig
na paggamit ng irigasyon Paggamit nang wasto sa
Pag-iimbak ng tubig tubig
Pagsasagawa ng
pagrarasyon ng tubig
KALAMIDAD: SUNOG
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan

Pagpapaalala sa mamamayan na Pag-iimbak ng tubig sa


iwasan ang mga Gawain na bahay at opisina
maaaring pagmulan ng sunog Paglalagay ng fire
Paghahanda ng trak na pamatay- extinguisher
sunog at pagpapanatiling Pag-iingat sa paggamit ng
lagging may tubig ito tangke o gasoline sa
Pagtatalaga ng rescue team pagluluto, at sa paggamit
Paghahanda ng evacuation ng kandila
center
KALAMIDAD:PAGSABOG NG
BULKAN
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan

Pagbibigay ng opisyal na Paghahanda ng mga gamit


impormasyon tungkol sa sa paglikas
aktibidad ng bulkan Pakikipagtulungan sa mga
Pagpapalikas sa mga awtoridad sa paglikas
apektadong mamamayan
Paghahanda ng mga
pangunahing
pangangailangan ng mga
lumikas na mamamayan
KALAMIDAD: HAZE
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan

Paggawa ng mga Paghahanda ng mask na


panuntunan upang gagamitin
mapangalagaan ang mga Pag-iwas sa mga panlabas
estudyante at empleyado na na aktibidad
pumapasok kungmay haze Pagsara ng mga pinto at
Pagtatalaga ng mga rescue bintana
team at pagsasanay sa kanila Paggamit ng air purifier
Pagbibigay-babala sa
publiko
KALAMIDAD: BAHA
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan

Pagbibigay ng opsiyal na Pag-iwas sa pagtatapon ng basura.


impormasyon tungkol sa baha Paglikas sa mataas ba dako
Paghahanda sa paglikas ng Pag-iimbak ng tubig-inumin,
mamamayan panligo, at panlinis
Paglalathala ng mga tuntunin Pagliligpit ng mga importanteng
tungkol sa marapat gawin dokumento at gamit na hindi
pagdating ng baha puwedeng mabasa
Pagsasaayos ng mga pampublikong Paghahanda ng mga gamit
estruktura upang maiwasan ang pangkagipitan
pagbaha
KALAMIDAD: BAGYO
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan
Pagbibigay ng tama at sapat na Pakikinig sa balita
impormasyon sa kalagayan ng Paghahanda sa paglikas kung kailangan
isang bagyo. Pag-iimbak ng tubig-inumin, panligo, at
Paghahanda ng evacuation panlinis
center Paghahanda ng pagkain para sa oras ng
Pagpapalikas sa mamamayan kagipitan
kung kailangan Pagsasaayos ng bubong
Pagsasaayos at pamimigay ng Pag-iwas lumabas ng bahay
mga relief goods Pakikioagtulungan sa mga awtoridad sa
Pagtatalaga ng mga rescue team paglikas
KALAMIDAD: LANDSLIDE
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan

Pagtukoy sa mga dako na Paghahanda ng mga gamit


maaaring pangyarihan ng pangkagipitan gaya ng
landslide flashlight at pito
Pagmonitor sa mga dahilig Paglikas sa ibang ligtas na
Pagtatalaga ng mga rescue dako
team
KALAMIDAD: LINDOL
Paghahanda ng Pamahalaan Paghahanda ng Mamamayan
Pagbibigay-babala sa mga taong
nakatira malapit sa fault line Paglahok sa isinasagawang
Pamamahala ng earthquake drill
earthquake drill
Pagbibay-impormasyon sa
Paghahanda ng mga gamit
marapat gawin tuwing at
pangkagipitan gaya ng
pagkatapos ng lindol
flashlight at pito.
Pagtatalaga ng rescue team
Pagmonitor sa anumang paglindol
sa buong bansa at pagbabalita
agad nito
MGA DAPAT GAWIN SA ORAS AT
PAGKATAPOS NG KALAMIDAD
BAHA
HABANG PAGKATAPOS
 Alamin ang sitwasyon ng baha sa pamamagitan  Kung galling sa paglikas, mag-ingat sa pagpasok
ng telebisyon, radio, o internet. Abangan din ang sa bahay dala ang flashlight.
ilalabas na opisyal na instruksiyon mula sa mga
ahensiya ng pamahalaan.  Huwag munang buksan ang main circuit breaker/

 Mag-imbak ng tubig na tatagal ng tatlong araw  Iulat sa mga kinauukulan ang anumang naputol na
kawad ng koryente o telepono.
 Ihanda ang flashlight at baterya, gayundin
magtabi ng kandila at posporo.  Huwag kainin ang mga natirang pagkain na
nabasa ng baha.
 Ilagay ang mga gamit sa mataas na bahagi ng
tirahan.  Alamin kung saan makahihingi ng tulong at rasyon
ng pagkain, inumin, gamot, at iba pa.
 Kung kailangang lumikas, gawin agad ito nang
mahinahon bago tumaas ang baha.  Iwasang pumunta sa mga lugar ng sakuna upang
hindi makasagabal sa mga rescue operation.
 Bago lumikas, siguraduhing ibaba ang main circuit
breaker.
 Huwag magbabad sa tubig-baha
BAGYO
HABANG PAGKATAPOS
 Isara ang mga pintuan at bintanang maaaring pasukin ng  Tingnan ang paligid kung may naputol na kawad
ulan at malakas na hangin. ng kuryente, poste, at malalaking sanga ng puno.
 Alamin ang sitwasyon ng bagyo sa pamamagitan ng
 Walisin ang paligid ng mga nagkalat na dahoon,
telebisyon, radio, o internet.
basura, at iba pang bagay na inilipad ng bagyo.
 Ihanda ang flashlight at baterya, gayundin magtabi ng
kandila at posporo.  Isampay ang mga nabasang malinis na damit at
labhan ang mga nabasang maruruming damit.
 Iwasang lumabas ng bahay at mabasa ng ulan upang
hindi magkasakit o magkasakuna.  Alamin kung saan makahihingi ng tulong at rasyon
 Maglagay ng sahuran sa mga lugar ng bahay na may tulo ng pagkain, inumin, gamo,t at iba pa.
 Tipirin ang pagkain upang umabot hanggang matapos  Alamin din kung ano-ano ang maaaring maitulong
ang bagyo. sa ibang nasalanta ng bagyo.
 Kung kailangang lumikas, gawin agad ito nang mahinahon
dala ang mga inihandang gamit.
 Huwag nang pumalaot sa dagat kung ma planong
maglakbay o kaya ay mangisda.
 Lumayo sa dalampasigan at lumikas habang maaga.
LINDOL
HABANG PAGKATAPOS
 Mahinahong lumikas palabas ng bahay o gusali.  Mahinahong bumalik sa bahay at gusali.
 Kung hindi makalabas ng bahay o gusali,  Tingnan kung may mga bumagsak na gamit sa
pumuwesto sa ilalim ng matatag na mesa. loob ng bahay at ayusin ang mga ito.
 Gawin ang napag-aralan sa earthquake drill.  Alamin kung may maaaring itulong sa ibang
nasakuna ng lindol.
 Gamitin ang flashlight at pito kung kailangan ng
tulong.
 Humingi agad ng tulong kung nasakuna sa lindol.
SUNOG
HABANG PAGKATAPOS
 Kunin ang mga importanteng papeles, gamit, at  Kung natupok ang bahay, manatili sa evacuation
sapat na pera saka lumikas. center hanggang makahanap ng malilipatan.
 Tiyaking kasama sa paglikas ang buong pamilya.  Kung hindi nasunog ang tirahan, bumalik at linisin
ang loob at labas ng bahay na maaaring napag-
 Pumunta sa isang lugar na malayo sa sunog. ipunan ng abo.
 Huwag mag-usyoso sa lugar ng sunog upang hindi Alamin kung ano ang maaaring itulong sa mga
makaharang sa trak ng bomber at rescue nasunugan.
operation.
MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN SA
PANAHON NG KALAMIDAD
NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION
MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC)

• Tagatasa sa epekto at mga apektado ng isang kalamidad;


• gumagawa ng mga ulat ng iba’t ibang aksiyon o hakbang ng pamahalaan sa pag-
iwas sa mga pinsalang dulot ng kalamidad
• Mayroon ding nakatalagang ganitong konseho sa bawat rehiyon (tinatawag na
RDRRMC) na pinamumunuan ng mga opsiyal sa Office of the Civil Defense
(OCD) kasama ng mga rehiyonal na director ng iba’t ibang ahensiya.
LOCAL DISASTER RISK REDUCTION AND
MANAGEMENT COUNCIL (LDRRMC)

• Pinamumunuan ng local na opsiyal (gobernador o alkalde) na may


tungkuling isagawa ang pagbakwet ng mga residente kung
kailangan at bumuo ng mga programang kaugnay ng DRR.
PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL AND
ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION (PAGASA)

• Nag-uulat at nagbibigay-babala tungkol sa lagay ng panahon, kabilang


ang pagmonitor sa lagay ng baha.
PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY
AND SEISMOLOGY (PHIVOLCS)

• Nag-uulat ng anumang impormasyon na may kinalaman sa aktibidad


ng bulkan, lindol, at tsunami.
PHILIPPINE INFORMATION AGENCY (PIA)

• Nagbibigay ng update tungkol sa ginagawang relief and rescue


operations sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND
DEVELOPMENT (DSWD)

• Nangunguna sa pagtanggap, pagbibigay, at pamamahagi ng tulong


sa mga apektado ng kalamidad.

You might also like