LUNAN NG BIKOLNON, 1890-1956 Peñafrancia Raniela E. Barbaza, Ph.D. Naayon sa ating binasa na dahil sa pagkakaiba ng mga wikang sinasalita ng mga Pilipino, nagkakaroon ng maraming hidwaan sa pagitan ng mga tunkol sa kasanayan at paniniwala. Hindi natin maitatanggi na ang buong Pilipinas ay punong-puno ng iba’t ibang mga kultura at wika, ngunit kahit sa pagkakaibang ito nagmumula ang hindi pagkakasunduan ng iba’t ibang mga kultura; kahit na ang wikang sinasalita ng mga taong ito ay iisa lamang. Tulad lamang ng pagkakaiba ng pagsasalita at pagsusulat ng Tagalog sa Luzon, ang rehiyon ng Bikol ay nakaranas din ng hindi pagkakasunduan sa kanilang wika. Ngunit dapat nating alalahanin na ang Bikol, tulad ng ibang mga wika sa Pilipinas, ay may pagkakaiba sa pagsasalita at pagkasulat. Gamit ang mga unang pahayagan na sinimulan ni Mariano Perfecto, nagkaroong ng pagkakaisa o standardization ang wikang Bicol kung saan iisa ang pagsusulat ng wikang Bikol sa mga pahayagan at pagtuturo sa paaralan. Noong nagsimula ang pagsasaprinta ng mga pahayagan sa wikang Bikol, maraming mga Bikolanong akademiko ang tumawag sa mga iba’t ibang baybay ng mga salitang Bikol. Dito nagmula ang usapan tunkol sa pagkakaisa ng mga baybay at tawag sa apabetiko ng wikang Bikol.