Professional Documents
Culture Documents
Tinatawag na wikang Bikolano o wikang Bikol ang pangunahing wika o lingua franca ng mga
naninirahan sa mga probinsya ng rehiyong Bicol. Binubuo ito ng mga probinsiyang Albay, Sorsogon,
Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, at Masbate. Bagama’t magkakatabi ang mga lalawigang
ito at nasa iisang rehiyon, iba't ibang anyo o uri ng wikang Bikolano ang sinasalita ng bawat mamamayan
sa mga nasabing probinsiya. Sa lalawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur, may halong Tagalog ang
kanilang sinasalita. Habang ang mga naninirahan sa Masbate ay nagsasalita ng Bikol na halos kaparehas
ng Cebuano. Samantala, may halong Hiligaynon naman ang wika sa mga lalawigang malapit sa
hangganan ng kanlurang Visayas. Gayundin, ang Bikol ng Sorsogon, Catanduanes, at Albay ay naiiba.
Bikol Naga ang ginagamit nila kung saan wala itong halong ibang wika.
Ngayon, ating tuklasin kung paano ito nabuo at pag-usapan ang kasaysyan ng wikang Bikolano.
Dahil sa paraang asimilasyon pumasok ang salitang Kastila sa wikang Bikol.
Magkaroon man ng iba't ibang anyo ng Bikolano, ito ay nagsisilbing kanilang pagkakakilanlan
upang sila ay magkaintindihan, manatiling nagkakaisa, at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lugar.
Sanggunian:
Lobel, J.W. (2000). An Satuyang Tataramon "A Study of the Bikol Language" . Naga City. Lobel and Tria
Partnership, Co.
Saang lugar ka man magpunta sa probinsya ng Bikol, mapasyudad, baryo, bundok o isla man ay wikang
Bicolano ang kanilang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Naipakita ng mga Bicolano ang tatag ng
kanilang wika dahil binibigyan nila itong pansin at halaga na isa sa mga dahilan ng kanilang
pagkakabuklod-buklod.