You are on page 1of 4

1.

Ang diyalekto ay
isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o lugar. Ang
mga diyalekto ay tinatawag ding wikain o salitang bernakyular.
Ang mga ito ay magkakaiba sa punto, diin at pagbigkas depende sa rehiyon kung
saan ito ginagamit. Nabubuo ang diyalekto mula sa pangunahing wika at
nagkakaroon ng kawing ang mga grammar o bokabolaryo. Maaaring dahil sa lokasyon
o relihiyoso at etniko, ay nagkakaroon ng diyalekto.

Mayroong walong
pangunahing diyalekto na ginagamit sa Pilipinas, ang mga ito
ay ang nga sumusunod:

1.  
Cebuano

2.  
Bikolano

3.  
 Ilonggo

4.  
 Ilocano

5.  
Kapampangan

6.  
Pangasinense

7.  
Waray

8.
Tagalog

Ang walong pangunahing wika sa Pilipinas


ay: Bikol, Cebuano, Hiligaynon (Ilonggo), Ilocano, Kapampangan, Pangasinense, Tagalog,
at Waray.

Ang Bikol ay kalimitang ginagamit ng mga taga Camarines Norte, Camarines Sur, Albay,
Sorsogon, at Catanduanes. Ang Cebuano naman ay ginagamit ng mga taga Cebu, Kanlurang
Leyte, Bohol, Negros Oriental, at malaking bahagi ng Mindanao. Ang Hiligaynon ay ginagamit
ng mga taga Iloilo, Capiz, Negros Occidental, at ilang probinsya sa SOCCSKSARGEN.
Ang Ilocano ay ginagamit ng mga taga Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Region.
Ang Kapampangan ay kalimitang ginagamit sa Pampanga at Tarlac. Ang Pangasinense ay
ginagamit ng mga taga Pangasinan. Ang Tagalog ay kalimitang maririnig sa Central Luzon,
Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA. At ang huli, Waray, ay ginagamit naman sa
Samar at Silangang Leyte.

LINGUA FRANCA

         Sa ngayon ang Ingles ang tinatawag na Lingua Franca ng Daigdig. Bakit, dahil siya ang
linguahe na ginagamit ng lahat ng tao o ang tinatawag na International Languages para sa
komunikasyon.
       Katulad ng Wikang Filipino na batay sa tagalog ay opisyal na ginagamit bilang
pangunahing wika natin sa ating bansa. Ginagamit natin ito ilang pangunahing wika na
ginagamit sa pakikipagtastasan kahit sa ibang lugar.
         Ang wikang ginagamit na ito ay Ikalawang wika ng kanilang mga bansa maliban sa
talagang wika ay Ingles.
        
2. IDYOLEK
Ang wikang Filipino
ay nauuri sa napakaraming barayti dahil sa pagkakaroon ng
pagkakapangkat-pangkat ng bawat indibidwal ayon sa antas ng edukasyon na
natapos, lugar kung saan nakatira, okupasyon, uri ng lipunan na
ginagalawan, kasarian, edad at kapaligirang etniko.
Dahil dito ay nagkaroon pa ng
iba’t-ibang barayti ang wika.
May homogeneous at heterogeneous na uri ng wika.

Isa sa mga uri ng barayti ng wika ay


ang Idyolek. Ito ay isang uri ng pormal na salita na karaniwang ginagamit ng
isang indibidwal sa isang natatangi o yunik na pamamaraan. Ang bawat tao ay may
kanya-kanyang istilo ng pananalita.
Maaring ang pagkakaiba ay dulot ng
pagbigkas o di kaya naman ng naiibang pagbigay diin sa mga salita o mga
parirala. Ang iba naman ay gumagamit ng yunik na tono o ritmo sa pagbigkas o
pamamahayag ng mga partikular na linya ng pangungusap. Dahil dito ang bawat
indibidwal ay nagkakaroon ng sariling tatak o namumukod-tanging pamamahayag ng
saloobin.

Halimbawa
nito ay ang mga susunod:

1.) Naiibang
tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi Bayan!”

2.) Ang
malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalala Mo
Kaya.

3.) Ang
paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng katagang “Promise!”

4.) Ang
maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo brothers.

5.) Ang maharot na istilo ng pag-iinterbyu ni


Arnold Clavio.

6.) Ang
pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me po!” at “Di namin kayo ka
tatantanan!”

7.) Ang
makapal at malamig na boses ni Rey Langit.

8.) Ang
paggamit ng mga matatalinhagang salita ni Jimmy Licauco.

9.) Ang
masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga Kwento ni Marc Logan.

10.) Ang
magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris Aquino
Sila ay mga halimbawa
lamang ng mga prominenteng tao sa ating lipunan na may sariling tatak na susimbolo sa
kanilang pagkatao. Nakabibilib kung tutuosin na walang dalawang indibidwal ang
magpareho sa aspetong pananalita.

3. SOSYOLEK

Sosyolek ang
tawag sa isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na
propesyon o ng anumang pangkat na kinabibilangan ng mga iba’t-ibang indibidwal.
Sa mga wikang ito may mga salitang pormal at ang mga iba naman ay di-pormal.

You might also like