You are on page 1of 1

HAROLD PASION

8/26/23

“Ang Wika ng mga Pilipino”

A
ng pinagmula ng ating wikang Filipino ay nagsimula sa ibat ibang karanasan ng historia
ng Pilipinas. Sa pmamagitan nito, naitatampok natin ang ating kasaysayan, pagunlad,
at pagbabago bilang isang bansa. Sa kabuoang sanaysay naito , ang aking mga idea
ay nakabatay sa ating wika, mga kasulukuyang kalagayan nito, at ang kahalagahan ng
pagaaral ng ating wika sa pagtuklas ng ating pagkakakilanlan.

Sa pagunlad ng panahon, naitala ang kasaysayang nating wika. Bago pa man dumating ang
mga dayuhang kolonisador, nagmula sa iba’t ibang mga tribong etniko ang malalim na halaga
ng mga wika. Matapos ang mga pananakop ng mga Espanyol at Amerikano, nabago ang anyo
ng ating wika. Base sa naintindihan ko nabuo daw ang wikang Filipino, isang pinagsamang
anyo ng iba’t ibang katutubong wika na naglalaman ng mga salitang Espanyol at Ingles.

Ito ang mga detalyeng sumusunod kung bakit nagsimula ang wikang Filipino base sa aking
napagaralan:

• Pre-Kolonyal na Panahon, Bago pa man dumating ang mga dayuhang Kolonisador


(Colonizer), meroon ng mga malalawak na bilang ang katutubong wika sa ating bansa.
Iba’t iba dito ang mga tribong etniko na may kani-kanilang wika at kultura, katulad sa
Luzon, Visayas, at Mindanao.
• Mga Kolonyal na Pananakop, Noong panahon ng mga Espanyol, ipinakilala ang
Wikang Espanyol bilang wikang panturo at relihiyon. Dahil dito, may impluwensya ng
Espanyol sa mga katutubong wika, kabilang ang paggamit ng ilang Espanyol na salita
sa mga lokal na wika.
• Pananakop ng Amerikano, Matapos ang pananakop ng mga Espanyol, dumating
ang mga Amerikano. Inilunsad nila ang sistema ng edukasyon gamit ang Wikang
Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Ito ang naging batayan ng paggamit ng Ingles sa
edukasyon at gobyerno.
• Pagkamulat ng Kamalayang Nasyonal, Sa kasulukuyan, patuloy na nagkaroon ng
balanse dahil sa historia na karanasan ng ating mga katutubong Pilipino, nagkaroon
ng pag-usbong ng kamalayang nasyonal at pagsusulong ng paggamit ng sariling wika.
Binuo ang "Pilipino" bilang isang wikang pambansa na pinaghalong iba't ibang
katutubong wika, partikular ang Tagalog.

Sa kaulukuyan naman dahil sa pagunlad ng ating panahon, naitala ang ating pinaglabang
wika, bago pa man dumating ang mga dayuhang kolonisador. Mahalaga ang pag-aaral ng
kasysayan ng wika upang maunawaan natin ang ating pinagmulan at bilang isang bansa. Sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga salitang ginamit noong unang panahon, nahaharap nadin
natin ang mga kaganapan sa nakaraan, pati nadin ang impluwensiya ng mga dayuhang
kultura sa ating wika. Sa palagay ko nga na ito talaga ang nagbigay-daan sa ating historia
kung papaano nila natuklas ang ating pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa ating bansa.

August 26, 2023

You might also like