You are on page 1of 25

MGA SITWASYONG

PANGWIKA
SITWASYONG PANGWIKA SA
TELEBISYON
1.Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
2.Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection
para marating ang malalayong pulo at ibang bansa.
3.Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na
ginagamit ng mga lokal na channel.
4. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng
wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga
magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang
programang pantelebisyon.
5. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga
teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat
ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng
mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang
Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO

• Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa


FM.
• Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika
ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipagusap.
•  Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang
Filipino naman sa tabloid.
• Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas
naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian
ng isang tabloid: Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na
headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa.
• Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng
impormalidad
• Hindi pormal ang mga salita.
SITWASYONG PANGWIKA SA
PELIKULA
1.Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
2.Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3.Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod
na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng
malaki.
4.Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami
ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng
wikang Filipino.
5.Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa
pamantayan ng propesyonalismo.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG
KULTURANG POPULAR
FLIPTOP
Fliptop
• Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
• Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay
magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw ang paksang tinatalakay.
• Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya
naman kadalasan ang mga inagamit na salita ay balbal at impormal at
mga salitang nanlalait.
• Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung
isinasagawa sa wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference
Battle
PICK-UP LINES

• Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng


isang bagay na madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang
aspekto sa buhay.
• Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may
pagkakataon ring nasa wikang Ingles o kaya naman ay
Taglish.
HUGOT LINES
• Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love
quotes.
• Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o
telebisyon na na nagmarka sa puso’t isipan ng mga mnunuod.
• Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.
• Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines
o love quotes.
• Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa
pelikula o telebisyon na na nagmarka sa puso’t isipan
ng mga mnunuod.
• Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay
Taglish.
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

1.Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay


isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.
2.Humigit kumulang 4 na bilyong text ang
ipinapadalaat natatangap ng ating bansa kaya ito ay
kinilala bilang “Text Capital of the World”.
3.Madalas ang paggamit ng code switching at madalas
pinaiikli ang baybay ng mga salita.
4.Walang sinusunod na tuntunin o rule.
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL
MEDIA AT INTERNET
1.Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay
netizen.
2.Karaniwang may code switching.
3.Mas pinagiisipang mabuti ang mga
gagamiting salita bago I post.
4.Ingles ang pangunahing wika dito.
5.Naglalaman ng mga sumusunod
SITWASYONG PANGWIKA SA
KALAKALAN
1.Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag
komunikasyon maging sa mga dokumentong
ginagamit
2.Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng
produkto sa mga mamayang Pilipino,
SITWASYONG PANGWIKA SA
PAMAHALAAN
1.Gumamit ng wikang Filipino si dating
Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang
SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga
rito.
2.Hindi pa rin naiiwasan ang code switching
lalo na sa mga teknikal na hindi agad
nahahanapan ng katumbas sa wikang
Filipino,
SITWASYONG PANGWIKA SA
EDUKASYON
1.DepEd Order No. 74 of 2009
•  K hanggang grade 3 ay unang
wika ang gagamitin bilang
panturo.
• Sa mataas na antas ay nanatiling
bilinggwal ang wikang panturo
(Filipino at Ingles)
Maikling Pagsusulit
1. Isang kaganapang pangwika na naghahatid ng
impormasyon at pangyayari sa lipunan

A. Behikulong Pangwika C. Sitwasyong Pangwika


B. Komentaryong Panradyo D. Radyo at Telebisyon
2. Maituturing na broadcast media ang mga
sumusunod maliban sa______.

A. pamamahayag C. telebisyon
B. radio D. komiks
Ito ay sitwasyong pangwika na nagpapakilala ng mga
tunay na sitwasyon sa buhay ng isang tao at ng isang
lipunan.

A. Broadcasting C. Radyo
B. Pamamahayag D. Telebisyon
Ang pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan

A. Broadcasting C . Radyo
B. Pamamahayag D. Telebisyon
5. Uri ng media na nakararating kahit sa liblib na lugar
ng bansa

A. Facebook C. Radyo
B. Pahayagan D. Telebisyon
Maraming Salamat sa inyong pakikinig!!!

You might also like