You are on page 1of 26

PANITIKAN mula nang

matamo ang Kalayaan


Hanggang Kasalukuyan
Ni CASELYN D. CANAMAN AT VERZOZA
Ano nga ba ang Panitikan??
Ito ay nagsasabi o nag papahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin mga
karanasan,hangarin at diwa ng mga
tao.
Bago tayo mag simula . . . .
 Masalimoot na pangayayari mga nagaganap sa
panahong iyo. Sa Simulay pagtatayong muli ng
nawasak na moog. Ang mga Nasalantang nilikha ng
digmaan at ang mga alaala ng mganasawing mahal
sa buhay ay mga pangitaing nag papabuntung-
hininga. Ang mga kabiguan ng pangarap, ang
kalupitan ng ndagaang sigwa. At iba pang
masasaklap na karanasan ang namalask sa ating
bansa.
 Ang panitikan ng Ating Bansang Pilipinas ay Noong
Hindi pa tayo nakaranas ng kalayaan ay sinusunod
natin ang panitikan ng mga dayuhan. Wala tayong
kalayaan maipahayag ang ating nasaloobin, o
nararamdaman dahil bihag nga tayo ng mga
dayuhan. Sa panahon nayon ano sa tingin mo ang
iyong mararamdaman kung wala kang kalayaan na
mag pahayag ng iyong opinion o nararamdaman
man lang?
Kailan ba tayo nag simulang mag karoon
ng kalayaan sa larangan ng panitikan?
 Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon


nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa.
Pananakop ng Kastila
 Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong
Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang
pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito:
una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-
asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
Panitikang Pamaksang Pananampalataya at
Kabutihang-asal
 Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga
Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa
panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa
sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan
at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang
nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa
mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga
pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa
– isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at
mga dulang duplo at karagatan.
 Panitikang Rebolusyonaryo at
Sedisyoso
 Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa
panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga
panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at
nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato
sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang
pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at
masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino;
nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na
sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at
pamahalaang Kastila.
Pananakop ng Amerikano
 Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging
tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na
tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon
naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong
ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat
sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga
Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula
lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga
bagong silang na manunulat.
Pananakop ng Hapon
 Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang
Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7,
1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos
kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa
karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos
ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na
nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan
hanggang Kasalukuyan
 Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang
kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang
natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang
uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na
katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay
ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro
Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami
pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang
panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang
pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas .
Ngunit Alam Ninyo Ba?
Na nawala ulit ang ating panitikan sa
pamamahala ni Dating Pangulong
Marcos?? Ngunit ito ay nakamtam ulit
natin noong 1986.
 Isang Tuwirang pag babago-hugis sa buhay na ibang pananalita, ito ay isang
maguniguning pag lalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa
pamamagaitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, iniisp o
ginagawa ng tao.
 Halimbawa
 1. Maikling kwento – isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa laying pagsusulat.Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod.
 Halimbawa – Si Baste At ang Aso Niyang si Pancho
 KALIGIRANG KASAYSAYAN Muling nabawi ng mga
mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin
ng may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula
noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani
ang tinatawag na “PEOPLE’S POWER” o LAKAS NG BAYAN.
 Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan
ng mga mamamayan na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na
makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-kamay
at balikat sa balikat na Barikada, higaan sa kalye,
pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng
mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa
pinararatangang dalawang “rebelde”-ENRILE-RAMOS, ‘pagkat
sumama na sa pangkat ni Aquino. 
 Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang
mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at
marunong magmahal sa sariling bansa sa salita man o sa
gawa. At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang
ang tunay na bagong Republika – “ang Tunay na Bagong
Republikang Pilipinas.”
KALAGAYAN NG PANITIKAN 
 Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng
tunay na RepublikangPilipinas ay may mababakas nang
pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay
madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga
PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa
mga PROGRAMA SA TELEBISYON.
PANULAAN SA KASALUKUYAN
 Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang
kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga
makata: a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga
nanunungkulang may tiwaling gawin b. pagpuri sa mga
nakagagawa ng kabutihan.
AWITING PILIPINO 
 Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena,
ang Handog ng Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa
mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap
sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan. Ang
binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa
panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing
pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. 
 SANAYSAY • Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan
ng mga Pilipino sa nakamit sa bagong kalayaan.

 MAIKLING KWENTO Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o


buhat sa nagging nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon
ng Hapon. Noong panahon na iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang
salita maliban sa kanilang wika.
Radyo at Telebisyon 
 Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng
tunay na niloloob nang walang takot o pangamba ang mga
tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.
Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at
telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang
hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto.
Pahayagan, magasin
  tila
hudyat na rin ito ng pagpapanumbalik sa karapatan ng
lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag. Dumami pa
ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito. • Inquirer
• Manila Bulletin • Manila Times • Philippine Standard
PANITIKAN SA COMPUTER AGE 
 Chat, FB, twitter, blog, IG, tumblr, youtube, jejemon, unli,
website, usb, e-mail, download, wifi, connect, burn, scan,
cd….Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa
ating wika at masasabing dulot ng teknolohiya. At dahil parte
na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong
idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago
sa papel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho,
buhay, at pag-iisip.
 Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala
ng mabisang sandata ng teknolohiya – ang kompyuter,
cellphone, at internet. Naging biswal na manipestasyon ng
demokratisasyon sa internet, ng pamamahayag ang blogging
—isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na
nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may Internet akses na
magsulat ng kanyang nais isulat, at “ipalimbag” ito sa isang
pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang input at
feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa
kayang lubos na gayahin ng isang print-based system.
  Kasunod nitong ang pagsulpot ng mga networking sites gaya
ng friendster at facebook, naging madali ang pagpapahayag
ng mga tao sa kanilang saloobin hinggil sa isang bagay. Sa
libro (at minsan sa internet na rin), ay nakakakita ako ng mga
akda na naisulat sa pamamagitan ng naghaharing paraan ng
pagtetext – ang Hu-U-ismo. Kung saan ang karakterisasyon
ng ganitong klase ng texting ay gumaGmit U bilng tXter ng
mga kRaktern ms pNaikli at pNaarte ang dTing. Sila ang mga
Pinoy na nagagawang ibahin ang Wikang Ingles sa punto na
hindi na ito maunawaan.

 “ MARAMING SALAMAT”

You might also like