You are on page 1of 20

LESSON PLAN

Grade 9 – Araling Panlipunan

JOSE T. TALORONG
Teacher I
Raymundo T. Tongson NHS
I. OBJECTIVE/S
Pamantayang Nilalaman (Content Standard)
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sector ng
ekonomiya at patakarang pang-ekonomiya nito sa
harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay aktibong makikibahagi sa maaayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sector ng
ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Pamantayan sa Pagkatuto
(Learning Competency):

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng


agrikultura, pangingisda at paggugubat sa
ekonomiya

Compentency Code: AP9MSP-IVe9


PAMAMARAAN
BALIK-ARAL (REVIEW)

Ano-anong mga salik ang makakatulong sa


pagsulong ng ekonomiya??
PAGGANYAK(Motivation):

Ang mga mag-aaral ay mag-awit ng awiting “Magtanim Ay Di Biro”

*Batay sa awitin anong sektor ng ekonomiya ang tinutukoy?


 
PAGLALAHAD(Presentation):
PAGSUSURI SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
PAGLINANG NA GAWAIN/ACTIVITY:
Gawain 1
Unang Pangkat- Paghahalaman at Paggugubat
Ikalawang Pangkat- Paghahayupan at
Pangingisda
PAGSUSURI(ANALYSIS)
* Sa iyong palagay, sapat ba ang
naitutulong o pagtugon ng sektor ng
agrikultura sa mga pangangailangan ng
mga tao dito sa Himamaylan City?
SEKTOR NG AGRIKULTURA
AGRIKULTURA
Ito ay isang agham, sining at mga paggawa ng mga pagkain at mga hilaw na mga
produkto na nagtutugon ng mga pangangailangan ng mga tao.
May apat na sektor ito: paghahalaman, pangingisda, paghahayupan at paggugubat.
PAGHAHALAMAN
Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog,
tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka. Ang mga pananim na ito ay
iniluluwas sa ibang bansa. Itinatayang noong 2001, umaabot sa PhP 287.43
bilyon ang halaga ng palay, mais at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.
Kasama rin sa paghahalaman ang produksyon ng gulay, halamang ugat at
halamamng mayaman sa hibla (fiber) sa gawaing pang-agrikultura ng bansa.
Ilang halimbawa nito ang pagtatanim ng mani, kamoteng kahoy, kamote,
bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, kalamansi. Mahalaga rin ang
naitutulong ng mga produktong ito sa ekonomiya.
PAGHAHAYUPAN
Ang pagahahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy,
manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pagsuplay ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Upang mapigilan ang pagbaba ng bilang ng
mga kalabaw, itinatag ng Batas Republika Bilang 7307 ang Philippine Carabao Center na
mangangasiwa ng pagpaparami ng populasyon ng kalabaw bilang katulong sa pagsasaka at
pinagkukunan ng karne, gatas at katad (balat). Sa kasalukuyan, maraming farm ang nakatutok
sa cattle raising, hog raising, poultry at iba pa. Mayroon din mga pribadong korporasyon na
nasa ganitong hanapbuhay.
PANGINGISDA
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
Katunayan ang isa sa pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay nasa ating bansa. Maaaring
ang pangingisda ay komersyal, munisipal at aquaculture. Sa mga ito, ang aquaculture ang
pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksyon ng pangisdaan (52.9 bahagdan) noong 2019.
Kasunod nito ang pangisdaang munisipal (29.2 bahagdan) at komersyal (18.0 bahagdan) sa
Kanlurang Bisayas ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Bahagi rin ng pangingisda ang
panghuhuli ng hipon at sugpo, kasama na rin ang pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit
sa paggawa ng gulaman.
PAGGUGUBAT
Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa agrikultura. Patuloy na
nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng
ating kagubatan. Mahalaga kasi itong pinagkukunan ng ating supply ng plywood, tabla, troso
at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang mga produktong
hindi kahoy tulad ng rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
PAGLALAHAT (APPLICATION)

* Paano nakatutulong ang


pangingisda/paghahayupan/paghahalaman
/paggugubat sa pamumuhay ng mga tao
dito sa Brgy. Talaban/Himamaylan City?
PAGLALAPAT (APPLICATION)

* Ano ang iyong masasabi sa naitutulong ng sektor


ng agrikultura sa pamumuhay ng taga
Himamaylan City?
*Bilang isang estudyante, ano ang iyong
maiiambag para sa paglago ng sektor ng
agrikultura?
PAGLALAPAT (APPLICATION)

* Paano nakatutulong ang


pangingisda/paghahayupan/paghahalaman
/paggugubat sa pamumuhay ng mga tao
dito sa Brgy. Talaban/Himamaylan City?
PAGTATAYA(ASSESSMENT)
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot.Isulat ang titik lamang.
1.Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsya ay nakaasa sa agrikultura
para mabuhay.Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagmimina B. Pangingisda C.Paghahalaman D. Paghahayupan
2.Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira
ng kanilang ani o produktong agricultural.Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
B. Kawalan ng mamimili sa pamilihan
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm to market road)
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad
3. Alin sa sumusunod ang apat na paghahati sa sektor ng agrikultura?
A. Paghahabi/Pagkakaingin/Pangangaso/Pagpapastol
B. Paghahayupan/Paghahalaman/Pangingisda/Paggugubat
C.Pagmimina/Pangangalakal/Pagsasaka/Pagbabangko
D. Transportasyon/Komunikasyon/Pananalapi/Elektrisidad
4. Alin sa sumusunod na salita ang tumutukoy sa paghahayupan?
A. Farming B. Fishery C.Forestry D.Livestock
5. Tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa ibat-ibang uri ng tubig
pangisdaan?
A. Aquaculture B. Agriculture C.Horticulture D. Furniture
THANK
YOU

You might also like