Balik-aral • 1. Ano ang difference kung ibabawas ang 231 sa 792? • 2. Ano ang bilang kung ibabawas ang 37 sa 99? • 3. Kung babawasan ang 480 ng 120 ano ang sagot? • 4. Ano ang magiging sagot kung ang 542 ay ibabawas sa 785? • 5. Kung babawasan ng 360 ang 780. Ang magiging sagot ay _______________ Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Si Gng. Francisco ay may 300 na sako ng bigas na ibinebenta. Nakapagbenta siya ng 200 na sako ng bigas, ilang sako ng bigas ang natira sa kanya? Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ilang sako ng bigas ang ibinebenta ni Gng. Francisco?
2. Ilang sako ng bigas ang naibenta na niya? 3. Kung ang 300 sako ng bigas ay nabawasan ng 200 sakong bigas, ilan kaya ang natira sa kanya? 300 – bilang ng sako ng bigas na ibinebenta - 200 –bilang ng sako ng bigas na naibenta
100 –bilang ng natirang sako ng bigas
Kung ang isahan at sampuan ay magkapareho, ang
daanan na lamang ang iyong ibabawas kaya mas mapapadali ang pagbabawas gamit ang isipan. Sa pagbabawas ng bilang gamit ang isip ay maaaring gamitin ang paraan ng expanded form at short method. Halimbawa: 1. Expanded Form Unang Hakbang: Isulat ang halaga o value ng bawat bilang ayon sa kailang posisyon. Numero Daanan Sampuan Isahan 275 200 70 5 -175 100 70 5 100 100 0 0 Ikalawang Hakbang: Maaari ng simulant ang pagbabawas sa isahan, susunod ay sa sampuan at sa daanan.