You are on page 1of 48

ANYO NG KOLONYALISMO SA ASIA

• Mula ika-15 hanggang ika-17


siglo, nakikipagkalakalan
lamang ang hangad ng mga
European sa Asia.
• Pumarito sila upang bumili ng
mga produktong
pagkakakitaan nang malaki sa
Europe.
• Dahil dito, ang
pagpapalaganap ng
Kristiyanismo ay hindi na
lubhang pinansin.
• Mas binigyang-pansin ang
pagpapalakas ng
hukbong-dagat upang
matal ang ibang bansa.
• Nanatili ang kalakalan sa
mga daungan kung saan
dinadala ang mga
katutubo ang kanilang
mga panindigang
produkto.
• Ngunit noong huling bahagi
ng ika-7 at unang bahagi ng
ika-18 siglo, nakita nila ang
pangangailangan ng kontrol
na pampolitika.
• Humingi ng tulong ang mga
negosyante sa kanilang
pamahalaan upang matiyak
na kikita sila.
• Dahil dito, nabuo ang mga
kompanyang kagaya ng
English East India
Company.
• Binigyan sila ng
pamahalaan ng Great
Britain ng karapatang
magtayo ng mga kuta,
sumakop ng teritoryo, at
makipagkasundo sa mga
lokal na pinuno sa ngalan
ng pamahalaan ng Great
Britain.
• Kasama rin dito ang
pagpapalakas ng
militar atpulis upang
mapigilan ang mga
kaguluhan na
makasisira sa
kalakalan.
• Ipinailalim din ang
pakikialam ng mga
European sa mga
patakaran ng bansa
upang matiyak ang
matatag na kalakalan at
malaking kita.
EPEKTO NG
PAGPASOK NG MGA
TAGA-KANLURAN
SA ASIA
SA KANLURANG ASIA
• Ang mga unang ugnayan ng
mga European at Kanlurang
Asia ay hindi mabuti.
• Ang pagpasok ng Portugal sa
Arabian Sea at Persian Gulf
ay tinutulan ng Imperyong
Ottoman.
SA KANLURANG ASIA
• Maliban sa kalakalan, matindi
rin ang galit ng mga Muslim sa
mga Kristiyano.
• Ang anumang galing sa
European sa kanilang
lupain,kaya naman iilan
lamang ang mga European na
nakapasok sa rehiyon, kabilang
na rito ang mga alipin,
kinakatawan ng ilang bansa, at
mga manlalakbay.
• Ang mga limitadong
kalakalan ay isinagawa ng
mga hindi Muslim kagaya ng
mga Jews, Greek, at mga
Armenian.
• Dagdag pang nakapigil sa
kanila ang pag-aaway ng mga
tribo at mga pirata.
• Noong ika-16 na siglo,
nakapasok ang mga
nangangalakal sa teritoryo ng
Ottoman.
• Nilabanan sila ng Spain sa
Labanan sa Lepanto noong
1571.
• Nang matalo, napilitan ang
Ottoman na papasukin ang
mga Pranses, Ingles, at
Olandes sa malalaking
siyudad tulad ng Istanbul,
Aleppo, at Symra.
• Hindi ito itinuring na banta
sa Ottaman dahil mga
mangangalakal lamang at
walang balak makialam sa
politika ng imperyo.
• Nakatulong din ito upang
matutuhan ng mga Muslim
ang kultura ng Europe.
SA CHINA
SA CHINA

• Sa panahon ni Han
Wudi lumago ang
kalakalang China at
Europe at nagpatuloy
ito hanggang sa
dinastiyang Manchu
noong 1600.
• Malugod na tinanggap ang mga
European sa palasyo ng
emperador para sa kalakalan at
pagkalap ng dgdag na
karunungan.
• Hindi ikinabahala ng mga Tsino
ang pagtatag ng tirahan at lugar
ng kalakalan ng mga Portuges sa
tabing-dagat partikular sa pulo
ng Macau noong 1500.
• Pinangunahan ni Matteo
Ricci (1552-1602) ang mga
misyonaryong Jesuit s
pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa Asia.
• Kinuha muna nila ang loob
at tiwala ng emperador
bago nila isinagawa ang
kanilang misyon.
• Pinag-aaralan nila ang
kaugalian ng marurunong
na Tsino at isinalin sa
Mandarin ang mga
kaalaman ukol sa
astronomiya, matematika,
at pagmamapa.
• Naging malaya ang pagkilos
ng mga Jesuit sa palasyo at
hindi na rin inalintana ng
emperador ang kung
anuman ang kanilang pakay
at gawin maging s
malalayong lugar kabilang
na ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
SA JAPAN
SA JAPAN
• Hindi pinansin ng mga
Hapones ang pagdating
ng mga Portuges at
mga misyonero dahil
abala sila sa away ng
mga pinunong lokal,
• Pumasok ang European
noong Panahon ng Asikaga
at nagsimulang
makipagkalakalan sa Ming
China.
• Noong 1571,
nakipagkalakalan ang mga
Portuges sa Nagasaki isang
daungan sa timog Kyushu.
• Tinanggap nila Oda
Nabunaga at Toyotomi
Hideyoshi ang mga
misyonerong Katoliko.
Oda Nabunaga Tayotomi Hideyosi
• Ngunit nagbago ang lahat
noong 1587.
• Pinaalis ni Tayotomi ang
mga Portuges nang
subukin nilang palawakin
ang kalaklan sa baybayin
ng Kyushu.
• Nang pumalit si
Takugawa Ieyasu,
tuluyan niyang
ppinigil ang gawain
ng mga misyonero
na itinuturing
niyang banta sa
pamahalaan.
• Sa kanyang pananaw, ang
pagsunod ng mga daimyo
sa Katolisimo ay isang
pakana upang pagkaisahan
siya at ibagsak ang
Shogunate.
• Ipinagbawal niya ang
Katolismo at pinatay ang
mga dayuhang misyonero
at ang kanilang mga
kasama na ayaw tumalikod
sa kanilang relihiyon.
• Upang makontrol ang
impluwensiyang dayuhan,
ang mga barko ay
pinayagan lamang sa
Nagasaki at ang mga
Hapones ay hindi
pinayagang maglakbay sa
ibang bansa.
• Noong 1624, umalis ang
mga Ingles sa Japan.
• Inihinto naman ang
kalakalan sa pagitan ng mga
Espanyol.
• Ang mga Protestanteng
Pranses ay pinayagan ngunit
maraming ipinagbawal na
gawain kaugnay ng
relihiyon.
SA INDIA
SA INDIA
• Tulad sa China,
pinahintulutan din ng
Imperyong Mughal ng
India na manirahan at
makipagkalakalan ang
mga dayuhang Pranses
at Ingles sa mga
baybayin nito.
• Ngunit sinamantala ng
mga dayuhan ang mga
nakahiwalay na
probinsiya at paghina ng
imperyo noong ika-18
siglo.
• Nagsimula silang
makialam sa politika ng
mga lokal na pamahalaan
upang matiyak na hindi
maaapektuhan ang
kanilang interes sa
kalakalan.
• Hindi itinuring ng mga
lokal na mamamayan na
masama ang pakikialam
ng mga dayuhan.
• Ang mahalaga ay kumikita
sila sa kalakalan.
• Ang mga dayuhan pa ang
nagpautang ng pumuhan
at nagtataguyod ng mga
lokal na industriya ng
bulak, seda, hibla, at
opium.
Ngunit nang magsimula
nang pumasok ang mga
Ingles sa politika at
hawakan ang pamahalaan,
nagsimula na ang suliranin
ng pang-aapi.
Dito nagsimula ang mga
digmaan sa India at sa
Timog-Silangang Asia.
SA TIMOG-SILANGANG ASIA
SA TIMOG-SILANGANG ASYA

• Nang dumating ang mga


Portuges sa Moluccas ay
natagpuan nila itong nahahati
sa dalawang kapangyarihan.
• Ang Sultanato ng Ternate at
ang Sultanato ng Tidore.
• Pumasok sa isang
kasunduan ang mga
Portuges at ang Sultanato
ng Ternate ang nagbunga
ng pagpayag ng huli na
makapagpatayo ng kuta
ang mga Portuges.
• Bunga ng kasunduan,
nagkaroon ng kontrol sa
kalakalan ng rekado ang
mga Portuges.
• Naging magkakampi rin
ang dalawang Sultanato ng
Tidore kaya naman hindi
nagpahuli ang nabanggit
na sultanato at bumuo rin
ng kasunduan sa mga
Espanyol.
• Bukod sa hindi kayang
tapatan ng mga Espanyol
ang mga sasakyang-
pandagat ng mga Portuges
upang tuluyang maagaw ang
, Moluccas, nabalingna rin
ang atensiyon ng mga ito sa
pagpapatayo ng kolonya sa
Luzon.
• Samantala, nang lumaon ay
hindi rin naging maganda
ang relasyon ng mga
Portuges at ng Sultanatong
Ternate.
• Pinatay ng mga Portuges si
Sultan Hairun noong 1560
na lubos na ikinagalit ng
mga taga-Ternate at naging
dahilan sa pakikipaglaban
at pagpapalayas nila sa
mga dayuhan.
• Sa Pilipinas, nagrebelde
ang mga tao sa pananakop
ng mga Espanyol. Pinatay
ng pangkat ni Lapu-lapu si
Magellan at mga
kasamahan nito dahil ayaw
niyang magpasakop sa mga
ito.

You might also like