You are on page 1of 42

ANG TIMOG ASYA

(300 BCE-Imperyong Mughal)


TIMELINE:

7000 BCE Sibilisasyong Aryan/


Indus-Saraswati
550 BCE Kaharian ng Magadha
322 BCE-232 BCE Imperyo ng Maurya
30-200 CE Imperyo ng Kushan
320-550 CE Imperyo ng Gupta
1206-1526 CE Sultanato ng Delhi
1526-1707 CE Imperyo ng Mughal
• Mula sa Iranian Plateau, unti-
unting napadpad ang mga
sinaunang Asyano noong 1900
BCE patungo sa kapatagan ng
mga Ilog Indus at Ganges.
• Sila ay mga pangkat ng tao na
sumasamba sa mga diyos sa
pamamagitan ng mga sagradong
awit na nasa Rig Veda.
• Sa pamamagitan ng awit na ito
nalaman ng mga siyentipiko ang mga
bagay-bagay ukol sa kanilang kultura.
Ang mga paniniwala nila ang nagging
batayan ng iba pang relihiyon sa
umusbong sa India sa pagdaan ng
panahon.
• Ang Magadha ang
nagpasimula ng mga kaharian
sa mga pangkat ng Aryan.
Nang mamuno si
Chandragupta Maurya.
• Lumawak ang kaharian at
naitatag ang Imperyong
Maurya.
• Marahas na pinuno si
Chandragupta Maurya.
• Kabaliktaran niya ang anak na
pumalit matapos na ito ay
naakit sa relihiyong Budismo.
• Ang pagbabago ng kaisipan at
ugali ni Prinsipe Ashoka ay
nagbunga ng pamahalaan
mapayapa at makatao.
• Pinalago ng Imperyong Kushan
ang kalakalan. Pinalaganap din
ang Budismo at ang sining ng
nasabing relihiyon.
• Ang pamumuno ni Chandra
Gupta II ang lalong
nagpaunlad sa India.
• Sa panahong ito, ibinalik ang
relihiyon at kaugalian ng
induismo at ang mga sining
at literature na kaakibat nito.
• Napaunlad din ang siyensiya
at teknolohiya.
• Ang Imperyong Mughal
ang nagdala ng Islam sa
India. Ngunit ito ay ipinilit
sa mga tao.
• Tinaggap ni Akbar ang
bawat relihiyon at ito ay
nagpatatag ng imperyo .
• May mga tagumpay at kabiguan ang
bawat imperyong naghari sa India. May
nakapagsagawa ng mga pagbabagong
nakabuti at tumagal.
• Mayroon din naming hindi tumagal dahil sa
ilang salik. Ang mga pinakamatatag na
imperyo kagaya ng Maurya, Gupta, at
Mughal ang umusad at nag-iwan ng di
malilimutang kontribusyon sa pagbuo ng
lipunan ng India.
PANAHON NG MGA ARYAN
• Noong dumating ang mga Aryan sa India, hindi
sila iisang tribo.
• Sila ay magkakahiwalay na pangkat na may halos
pare-parehong paraan ng pamumuhay.
• Sa Kabuoan, sila ay mga Indo-European batay sa
wika nilang Sanskrit.
PANAHAON NG MGA ARYAN
• Ang Sanskrit- ay ang wikang kalsikal ng
panitikang Indian ay nabibilang sa
pamilya ng Indo-European.
PANAHAON NG MGA ARYAN
• Sa simula sila ay mga mangangaso at
magsasaka nagtanim ng trigo at barley.
Maliban doon, gawain din nila ang
pagsalakay at pagkulimbat sa
mayayamang komunidad at lugar ng
kalakalan.
PANAHAON NG MGA ARYAN
• Ang pagtira nila sa India ay napag-
alaman sa mga Veda.
• Veda ang tawag sa koleksiyon ng
kanilang mga awit, dasal, at sakripisyo.
PANAHAON NG MGA ARYAN
• Ang mga ito ay ginawa ng mga paring
Bhramin mula sa awit na naisaulo at
pauli-ulit na inawit ng mga salinlahi.
PANAHAON NG MGA ARYAN
• Ang Rig Veda ang pinakauna sa
lahat ng literaturang Veda. Ang
mag ito ay tinatayang isinulat sa
Sanskrit.
PANAHAON NG MGA ARYAN
• Dito isinasaad ang pasasalamat sa
tagumpay sa digmaan at paghingi ng
pabor kagaya ng kayamanan,
kalusugann, mahabang buhay, at
proteksiyon sa labanan.
ORGANISAYONG SOSYO-POLITIKAL
• Ang mga tribo ay magkakamag-anak.
• Sila ya pumili ng pinuno na tinatawag
na raha.
• Katulong niya sa pamumuno ang
dalawang kapulungan ng tribo, ang
sabha at ang samiti.
ORGANISAYONG SOSYO-POLITIKAL

• Maaaring ang Sabha ang kapulungan o


asemblea ng mga nakatatanda at ang
samiti ang kapulungan ng buong tribo.
• Ang raha ang namumuno sa digmaan at
nangangalaga sa kaligtasan ng tribo.
ORGANISAYONG SOSYO-POLITIKAL

• Hindi diyos ang mga hari. Nakikipag-


ugnayan sila sa mga diyos sa pamamagitan
ng mga pari. Ang mga pari ang
nangunguna sa mga ritwal at nagbibigay
ng payo sa hari.
ORGANISAYONG SOSYO-POLITIKAL

• Hindi diyos ang mga hari. Nakikipag-


ugnayan sila sa mga diyos sa pamamagitan
ng mga pari. Ang mga pari ang
nangunguna sa mga ritwal at nagbibigay
ng payo sa hari.
ORGANISAYONG SOSYO-POLITIKAL
• Ang pangkat ay magkakamag-anak ay
tinatawag na GRAMA at ito rin ang tawag
sa kanilang komunidad.
• Ang ama ang ulo ng pamilya, ang ina
bagama’t iginagalang, ay sumusunod sa
asawa.
ORGANISAYONG SOSYO-POLITIKAL
• May mayayaman at mahihirap. Ang
mayayaman ay tinatawag na KSATRA habang
ang karaniwang tao ay tinatawag na VIS.
• Ang dalawang pangkat ng taong ito ang
pinanggagalingan ng pangkat KHSATRIYA at
VAISHIYA sa India nang nabuo ang caste
system.
RELIHIYON

• Sumasamba ang mga Aryan sa


maraming diyos na kumakatawan
sa kalikasan kagaya ng langit, lupa,
hangin, at tubig.
RELIHIYON

• Sa pangunguna ng mga pari,


nagsasagawa sila ng mga ritwal
bilang papuri sa mga diyos.
Karamihan sa kanilang diyos ay mga
lalaki.
RELIHIYON
• Si INDRA ang diyos ng
digmaan at panahon,
at diyos ng bagyo at
kulog. Siya ay mahilig
kumain at uminom
RELIHIYON
• Si VARUNA ay bantay
ng kaayusan sa mund.
Banal siya, malinis, at
may mabuting ugali.
• Galit siya sa kasalanan.
RELIHIYON
• Si RUDRA ay si SHIVA, ang diyos
na naninira. Sumisigaw siya at
nagdadala ng mga sakit at
kalamidad. Sa kabundukan siya
nakatira at hawak niya ang mga
halamang gamot na ibinibigay sa
taong magustuhan.
RELIHIYON
• Ang sentro ng mga Aryan ay ang YAJNA.
• Ito ay mga ritwal na maingat na pinaghahandaan
kung paano nakapalibot sa isang apoy (sacred
fire) ang mga tao at nag-aalay ng pagkain katulad
ng gatas, mga butyl, at iba pa.
• Kasabay ng pagdarasal at pag-awit ng mga paring
Bhramin.
RELIHIYON
• Layunin nito ang humingi ng pabor sa
mga diyos.
• Naniniwala sila na sa oras ng ritwal na
ito, ang mga diyos ay bumababa at
kasama nilang kumakain at umiinom.
EKONOMIYA
• Mga magsasaka at pastol ang mga Aryan.
• Malaki ang papel ng baka sa kanilang
hanapbuhay at pamumuhay.
• Idinadalangin ng magsasaka ang
pagkakaroon ng baka, hinihintay ito ng
mandirigma bilang pabuya. At ang pari ay
nireregaluhan ng baka.
EKONOMIYA
• Mahalaga rin ang kabayo dahil ginagamit
ito sa pakikidigma.
• Nang lumaon, itinuring din ng ilang kulto
na sagrad ang kabayo.
• Nag-alaga rin sila ng tupa para sa
balahibo nito.
EKONOMIYA
• Ang iba ay kumite sa ibang paraan kagaya ng
paggawa ng alahas, pagpanday ng mga mineral
kagaya ng ginto at iba pang metal,
pagkakarpintero, paggawa ng lubid, pagbahi at
pagkukulay ng tela, at paghulma ng banga.
• Mayroon ding mga sirkero, manghuhula,
tumutugtug ng plawta, at mananayaw.
SINING AT TEKNOLOHIYA
• Nakipagkalakaran sila sa Mesopotamia.
• Sa kalakalan, gumamit sila ng mga baryang
yari sa pilak, bakal, at tanso na hugis bilog
ay parihaba.
• Sa mga nahukay ng mga arkeologo,
nakatagpo ng mga instrumenting musical
tulad ng flute, lute, harp, at mga tambol.
SINING AT TEKNOLOHIYA

• Sa Veda, inilalarawan din


ang kanilang pag-awit at
pagsasayaw. Ayo dito, may
mga manannayaw na
propesyonal.
ANG
KAHARIAN NG
MAGADHA
ANG KAHARIAN NG MAGADHA
• Noong 500 BCE isa sa mga
komunidad, ang Magadha,
ang lumakas at sumakop sa
ibang kaharian.
• Naging pinuno ng Magadha si
Bimbisara.
ANG KAHARIAN NG MAGADHA
• Ang kaharian niya ay nasa tabi ng Ilog
Ganges (Bihar ngayon). Napalilibutan
ito ng Ilog Ganges sa hilaga, Ilog
Champa sa silangan, Kabundukan ng
Vindhya sa timog, at Ilog Sone sa
kanluran.
ANG KAHARIAN NG MAGADHA
• Sa lokasyong ito nakontrol ng
Magadha ang kalakalan sa mga tabi
ng ilog at sa dulo ng Ilog Ganges
kung saan naroon ang daungan.
ANG KAHARIAN NG MAGADHA
• May sariling kultura ang Magadha. Dito
nagsimula ang dalawang pangunahing
relihon, ang Jainismo at ang Budismo.
Parehong ipinangaral ng mga ito ang
pagsasakripisyo at paniniwala sa
SAMSARA at KARMA.
ANG KAHARIAN NG MAGADHA
• Dalawang imperyo rin ang nagsimula
rito, ang Maurya at ang Gupta.
• Nasakop din ito ni Alexander the Great
noong 327 BCE ngunit hindi siya
nagtagal dito.

You might also like