You are on page 1of 5

Mga Karunungang-Bayan (FOLK SPEECH) (Ikalawang Bahagi)

4. Panunudyo
-Ito ay patulang binibigkas sa panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng
tao.

Halimbawa:
a. Tiririt ng maya b. Bata batuta
Tiririt ng ibon, Sumuot sa lungga
Ibig mag-asawa Kinain ng daga
Walang maipalamon
5. Palaisipan
- Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.

Halimbawa:
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha
ang bola na di man lang nagalaw ang sombrero?

Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero


6. Bulong
-Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may nadadaanang punso sa lalawigan
na pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga duwende o nuno. Pahayag na may
sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam,
engkanto, at masasamang espiritu.

Halimbawa:
a. Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol
lamang, ang sa ami’y napag-utusan.

b. Tabi-tabi po, makikiraan po.


7. Kasabihan
- Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay
- Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang
diwa o mababaw ang isinasaad na kahulugan.

Halimbawa:
a. Putak ng putak batang duwag, matapang
ka’t nasa pugad
b. Sa kapipili, ang nakuha ay bungi.
c. Ang taong mapagpanggap, hindi nakukuntento ay pagkaminsan
ay lalong minamalas.
GAMIT NG KASABIHAN
1. Pang-aliw - tulad ng katuwaan ng mga naglalarong bata.
2. Panudyo - ginagawa ng mga bata sa kalaro kapag
nagkapikunan.
3. Sabi-sabi - bukambibig
4. Pampadulas-dila - ito’y larong pangkasanayang dila nang lumaking hindi utal
ang bata.

You might also like