You are on page 1of 45

PAGBASA, PAGSUSURI

AT PAGSULAT NG
IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
MGA
HAKBANG
SA
PANANALIKSIK
1. Tukuyin ang Problema
2. Rebyuhin ang Literatura
3. Linawin ang problema
4. Malinaw na bigyang-kahulugan ang mga termino
at konsepto.
5. Ilarawan ang populasyon
6. Idebelop ang plano ng instrumentasyon
7. Kolektahin ang mga datos
8. Suriin ang mga datos
9. Isulat ang papel pampananaliksik
10. Isulat ang resulta ng pag-aaral
ANG
PAMANAHONG
PAPEL
Kung kaya mong i-manage ang mga
bahagi makakaya mo rin ang
kadalasang nakakatakot na kabuuan,
at makakaasa kang makapagsasaliksik
nang may higit na tiwala sa sarili.

- Booth, et.al (2008)


Ito ay kadalasang nagsisilbing
kulminasyon ng mga pagsulat na
gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang
paksa sa isang kurso o sabjek sa loob
ng isang panahon o term na kadalasa’y
saklaw ng isa o higit pang markahan.
Ito ang kadahilanan kung bakit
tinatawag itong term paper.
Pamanahong Papel
ay isang uri ng papel-
pampananaliksik na karaniwang
ipinagagawa sa mga estudyante sa
mataas na paaralan at kolehiyo bilang
isa sa mga pangangailangan sa
akademiko.
Isa sa mga sukatan ng kabutihan ng
isang pamanahong papel ay ang
presentasyon at pagkakaayos ng mga
bahagi at nilalaman nito. Kung gayon,
marapat lang na maging pamilyar ang
isang mananaliksik sa mga bahagi at
nilalaman ng isang karaniwang
pamanahong papel.
A.Ang Pahinang Preliminari
1. Fly Leaf 1
2. Pamagating Pahina
3. Dahon ng Pagpapatibay
4. Pasasalamat o Pagkilala
5. Talaan ng Nilalaman
6. Talaan ng mga Talahanayan o Grap
7. Fly Leaf 2
A. Ang Pahinang
Preliminari
1. Fly Leaf 1
- Ang pinakaunang pahina ng
pamanahong papel. Walang nakasulat
na kahit ano sa pahinang ito. Sa
madaling sabi, blangko ito.
2. Pamagating Pahina
- Ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa
pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad
din dito kung kanino iniharap o ipinasa
ang papel, kung saang asignatura ito
pangangailangan, kung sino ang gumawa
at panahon ng kumplesyon. Kung titingnan
sa malayuan, kailangang magmukhang
inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga
impormasyon sa pahinang ito.
3. Dahon ng Pagpapatibay
- Ang tawag sa pahinang
kumukumpirma sa pagkakapasa ng
mga mananaliksik at pagkakatanggap
ng guro ng pamanahong papel.
4. Pasasalamat o Pagkilala
- Tinutukoy ng mga mananaliksik ang
mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyon maaaring nakatulong sa
pagsulat ng pamanahong papel at kung
gayo’y nararapat pasalamatan o
kilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman
- Nakaayos nang pabalangkas ang mga
bahagi at nilalaman ng pamanahong
papel at nakatala ang kaukulang bilang
ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.
6. Talaan ng mga Talahanayan at
Grap
- Nakatala ang pamagat ng bawat
talahanayan/ at /o grap na nasa loob ng
pamanahong papel at ang bilang ng
pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.
7. Fly leaf 2
- ay isa na namang blangkong pahina
bago ang katawan ng pamanahong
papel.
B. Kabanata 1: Ang
Suliranin at Kaligiran nito
1. Panimula o Introduksyon
- ay isang maikling talataang
kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
2. Layunin ng Pag-aaral
- Inilalahad ang pangkalahatang
layunin o dahilan kung bakit isinagawa
ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang
mga ispesipikong suliranin na nasa
anyong patanong.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
- Inilalahad ang significance ng
pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa
ng pag-aaral. Tinutukoy dito ang
maaaring maging kapakinabangan o
halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang
indibidwal, pangkat, tanggapan,
institusyon, propesyon, disiplina o
larangan.
4. Saklaw o Limitasyon
- Tinutukoy ang simula at hangganan
ng pananaliksik. Dito tinatakda ang
parameter ng pananaliksik dahil
tinutukoy dito kung ano-ano ang mga
baryabol na sakop at hindi sakop ng
pag-aaral.
5. Depinisyon ng mga termino
- Itinatala sa bahaging ito ang mga
katawagang makailang ginamit sa
pananaliksik at ang bawat isa’y
binibigyang kahulugan.
May mga pamanahong papel na
kakikitaan ninyo ng theoretical o
conceptual framework, hypotheses at
assumption sa kabanata I.
Ang pagpapakahulugan ay maaring
konseptwal ( ibinibigay ang estandard
na depinisyon ng mga katawagan
bilang mga konsepto ) o operasyonal
(binibigyang-kahulugan ang mga
katawagan kung paano iyon ginamit sa
pamanahong papel)
C. Kabanata II: Mga kaugnay
na pag-aaral at Literatura
- Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga
pag-aaral at mga babasahin o
literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
- Kailangan ding matukoy ng mga
mananaliksik kung sino-sino ang mga
may akda ng naunang pag-aaral o
literatura, disensyo ng pananaliksik na
ginamit, mga layunin at resulta ng pag-
aaral.
- Hanggat maari , ang mga pag-aaral at
literaturang tutukuyin at tatalakayin
dito ay iyong mga bago o nalimbag sa
loob ng huling sampong taon.
- Pilitin ding gumamit ng mga pag-
aaral at literaturang lokal at dayuhan.
Tiyaking ang mga materyal na
gagamitin ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian;
1. Obhetibo o walang pagkiling
2. Nauugnay o relevant sa pag-aaral
3. Sapat ang dami at hindi napakaunti
o napakarami.
D. Kabanata III: Disensyo
at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng pananaliksik
- Nililinaw kung anong uri ng
pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral.
Para sa inyong pamanahong papel,
iminumungkahi namin ang
pinakasimple na, ang deskriptib-
analitik na isang disensyo ng
pangangalap ng mga datos at
impormasyon hinggil sa mga salik o
factors na kaugnay ng paksa ng
pananaliksik
2. Respondente
- Sa bahaging ito, tinutukoy kung sino
ang mga kalahok sa pag-aaral. Kung
ilan sila at bakit sila napili.
3. Instrumento ng pananaliksik
- Inilalarawan ang paraang ginamit ng
mananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon.
Iniisa-isa rito ang mga hakbang ng
kaniyang ginawa at kung maari, kung
paano at bakit niya ginawa ang bawat
hakbang.
Sa bahaging ito, maaring mabanggit
ang interbyu o pakikipanayam, pagko-
conduct ng sarbey at pagpapasagot ng
sarbey-kwestyoneyr sa mga
respondente bilang pinakakaraniwan at
pinakamadaling paraang aplikable sa
isang deskriptib-analitik na disenyo.
4. Tritment ng mga datos
- Inilalarawan kung anong estadistikal
na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailarawan.
Dahil ito’y isang pamanahong papel
lamang, hindi kailangang gumamit ng
mga komplikadong estadistikal
tritment. Sapat na ang pagkuha ng
porsyento/bahagdan matapos mai-tally
ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng
mga respondente
at Interpretasyon ng mga
datos
Sa kabanatang ito, inilalahad ang
mga datos na nakalap ng mananaliksik
sa pamamagitan ng tekstwal at tabular
o grapik na presentasyon. Sa teksto,
inilalahad ng mananaliksik ang
kanyang analisis o pagsusuri.
Kabanata IV
PRESENTASYON, ANALISIS AT
INTERPRETASYON NG DATOS
Ipinakikitasa kabanatang ito ang
paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan sa
mga nakalap na datos kaugnay sa pag-aaral sa
kasanayan sa pagsulat ng mga respondente.
Ang paglalahad sa mga nakalap na datos ay
inihanay batay sa pagkakasunod-sunod ng
mga tanong na binanggit sa Kabanata I.
•Demograpikong Kalagayan ng mga Respondente
Sa bahaging ito ay ipinakikita ang demograpikong kalagayan ng mga respondente batay sa kasarian, antas ng pin
Kasarian Bilang markahan.
Bahagdan
1.Kasarian
Lalaki 55 43
Inilalahad sa Talahanayan 1 ang demograpikong kalagayan ng mga respondente ba
Babae 74 57
 

Talahanayan 1
Kabuuan Demograpikong
129 Kalagayan 100
ng mga Respondente Batay sa Kasar
F. Lagom, Kongkulsyon
at Rekomendayson
1. Lagom
- Binubuod ang mga datos at
impormasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehensibong
tinalakay sa Kabanata IV.
2. Kongklusyon
- ay mga inference, abstraksyon,
implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag at/o
paglalahad batay sa mga datos at
impormasyon nakalap ng mga
mananaliksik.
3. Rekomendasyon
- ay mga mungkahing solusyon para sa
mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.
G. Mga Panghuling
Pahina
1. Listahan ng sanggunian
- ay isang kumpletong tala ng lahat ng
mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong papel.
2. Apendiks ay tinatawag ding
dahong-dagdag.
- Maaring ilagay/ipaloob dito ang mga
liham, pormularyo ng ebalwasyon,
transkripsyon ng interbyu. Sampol ng
sarbey kwestyoneyr, bio data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping at
kung ano-ano pa.

You might also like