You are on page 1of 15

ANG

PANDAIGDIGANG
EKONOMIYA
MODULE 2
ANG PANDAIGDIGANG EKONOMIYA
Ang pandaigdigang ekonomiya bilang isang
proseso ay dulot ng pagbabago ng mga tao at
ng prosesong teknolohikal na nagbubunga ng
mataas na bilang ng pag-uugnayan o
pagsasama-sama ng ekonomiya sa buong
mundo sa pamamagitan ng pagkilos o paggalaw
ng mga produkto, serbisyo at puhunan papunta
sa iba’t iabang hangganan ng mundo.
ANG PANDAIGDIGANG EKONOMIYA
Ang pangyayari ay maaaring magkaroon ng nagkakaugnayan na sakop, tulad ng
globalisasyon ng:
1. Kalakalan ng mga produkto at serbisyo
2. Pamilihan ng pananalapi at puhunan
3. Teknolohiya at talastasan
4. Produksyon o paggawa
GLOBALISASYON KONTRA INTERNASYONALISASYON:
ANG KABULUHAN NG ESTADO
Ayon kay Szentes (2003), kung ekonomiya ang pag-uusapan, ang
globalisasyon ay ang proseso kung saan ang pandaigdigang kalakalan ay
nagiging bahagi ng isang organikong (pangkabuang) sistema sa pamamagitan
ng paghahatid ng pandaigdigang prosesong pang-ekonomiya at
pangekonomiyang pakikipagugnayan sa mas maraming bansa na nagpapalalim
ng kanilang pagtutulungan.
GLOBALISASYON KONTRA INTERNASYONALISASYON:
ANG KABULUHAN NG ESTADO
Sa pagsisimula ng pandaigdigang integrasyon ng ekonomiya, lumiit na ang papel
ng estado/bansa bilang pangunahin organisadong instrument ng kalakalan.

Sa kabilang banda, bagama’t sang-ayon ang mga katulad nina Boyer at Drache
(1996) na naging sanhi ang globalisasyon ng pagbabago ng kahulugan sa papel
na ginagampanan ng estado bilang epektibong tagapamahala ng pambansang
ekonomiya, naniniwala pa rin sila na ang mga indibidwal na bansa ay
nananatiling ligtas na kanlungan ng bawat isa sa masamang epekto ng malayang
pandaigdigang kalakalan.
TAGAPAGSULONG NG PANDAIGDIGANG EKONOMIYA

Sa larangan naman ng globalisasyong


pang ekonomiya, matatawag na
pangunahing tagaganap ang malalaking
pandaigdigang korporasyon. Tinatawag
itong mga transnational corporation
(TNCs), international corporation (ICs) o
multinational corporations (MCs).
GLOBALISASYONG
PANG EKONOMIYA:
BIGO NGA BA O
NAGING
MATAGUMPAY?
Para kina Dollar at Kraay (2002) tanging ang mga
GLOBALISASYONG
bansang hindi sumusuporta dito ang nabigong
mapaliit ang insidente ng kahirapan sa kanilang mga
PANG EKONOMIYA:
nasasakupan sa nakalipas na ilang dekada.
BIGO NGA BA O
Para naman sa World Bank, tunay ng nababawasan
nito ang kahirapan, ngunit hindi lahat ng bansa ay NAGING
nabibiyayaan nito.
MATAGUMPAY?
Naniniwala naman si Rostow (1960) na ang
underdevelopment o ang patuloy na kawalan ng
pangekonomiyang paglago at pag-unlad, kasama na
ang kahirapan at malnutrisyon ay hindi ang
panimulang yugto ng pangkasaysayan at
ebolusyonaryong proseso.
ANG INTERNATIONAL
MONETARY SYSTEM (IMS)
Ang International Monetary system (IMS),
tinatawag ding Regime, ay tumutukoy sa
mga panuntunan, buwis na ibinabayad sa
mga inaangkat na produkto, mga
instrumento, pasilidad at mga
organisasyong ginagamit sa mga bayaring
internasyonal (Salvartore, 2007).
ANG GINTONG PAMANTAYAN
Makalipas ang halos 50 taon, noong 1867, nagpasimula ang mga bansa
sa Europe at ang United States ng paglipat sa ginto bilang tumbasan ng
pera sa ginanap na International Monetary Conference sa Paris.

Bumagsak ang klasikong tumbasang


ginto sa pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig noong 1914. Naging bunga
ito ng pagbitaw ng mga bansa sa
sistema ng palitan ng ginto sa pera
para mapangalagaan na rin ang
kanilang mga reserbang ginto sa kanya
kanyang bansa.
BRETTON WOODS Ibinatay sa balangkas ng United Nations
Monetary and Financial Conference na ginanap
SYSTEM AT ANG sa bretton Woods, New Hampshire sa United
States noong 1944, 44 na bansa ang nagkaisa
PAGKALUSAW NITO na ipatupad ang bagong sistema ng
pagtatakda na tinawag na gold-exchange
standard.

Ang mga delegado ay nagkasundo rin na


magtatag ng dalawang pandaigdigang
institusyon:
International Banks for Reconstruction and
Development (IBRD) at ang International
Monetary Fund (IMF)
• Bagama’t hindi orihinal na nagsama-sama para sa direktang kooperasyon sa larangan ng
pananalapi at patakaran ng halaga ng palitan, napilitan ang grupo na bumuo ng isang
panrehiyong sistema, ng pananalapi.

• Sa tagumpay ng EMS at ng pangkalahatang pagtanggal ng kontrol sa puhunan sa


pagtatapos ng dekada 1980, nagkabuhay ang ideya ng isang pagsasanib ng ekonomiya ng
Europe.

• Pinasimula ito ni Jacques Delors, ang tumatayo noong


pangulo ng European Commission. Sa pagsuporta narin ng
makapangyarihang pangulo ng France, si Francois
Mitteran, at Chancelor ng Germany na si Helmut Kohl,
nailatag ang pundasyon ng European Economic and
Monetary Union (EMU) sa pamamagitan ng Maastricht
Treaty noong 1992.

ANG PAGSASANIB NG PANANALAPI SA EUROPE


MULTILATERALISM:
MULA GATT
HANGGANG WTO
MULTILATERALISM
Refers to an alliance of multiple
countries pursuing a common goal.
• Bagama’t atubili ang United States na pangunahan ang pandaigdigang kalakalan
pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, hindi ganito ang kaso makalipas ang dalawa
at kalahating dekada. Naging pandaigdigang salapi ang dolyar ng United States na
sinusuportahan ng dalawangkatlo (2/3) ng lahat ng reserbadong ginto ng buong mundo
noong dekada 1950 (Green, 1999).

• Sa orihinal na plano, nakatakda na ang pandaigdigang rehimen ng kalakalan ay


patatakbuin ng International Trade Organization (ITO), isa sa tatlong haligi ng Bretton Wood
System (ang IMF at IBRD ang dalawa pa), ngunit hinarap ito ng malaking pagtutol sa
Kongreso ng U.S. Sa huli, nagkaisa ang mga bansang nagsusulong ng mababang taripa sa
mga produkto na pag-ugnayin ang kanilang mga hakbang sa ilalim ng General Agreement
on Tariffs and Trade (GATT).

MULTILATERALISM:
MULA GATT HANGGANG WTO
THANK YOU!

You might also like