You are on page 1of 35

• Ang unang sibilisasyon ng

bansang Gresya ay
lumitaw sa isla ng
Crete sa pagitan ng 3000
at 2000 BCE. Ang
sibilisasyong ito ay
tinawag na Minoan sa
karangalan
ni Haring Minos na
sinasabing naghari noon
doon.
• Ang mga ninuno ng ng taga-Crete ay
nanggaling sa Anatolia at Syria. Sila ay
magagaling na mandaragat at dumating sa
Crete sa pagitan ng 4000 at 3000 B. C. E.
Ang Lungsod ng Knossos
• Arthur Evans – Isang English na arkeologo na
nagsagawa ng paghuhukay noong 1899 sa
Knosos.
• Knossos – Isang matandang lugar na
nabanggit ng bantog na manunulat na si Homer
sa kanyang mga akdang Iliad at Odyssey.
• Fresco – Mga larawang mabilisan subalit bihasang
ipininta sa mga dinding na basa ng plaster upang
kumapit nang husto sa pader ang mga pigment
ng metal at mineral oxide.
• Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang Knossos,
matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo. Lahat ng
daan sa Crete at nagtatapos sa Knossos. Ang iba pang
mahahalagang lugar ng kabihasnang Minoan sa Crete
ay Phaestos, Gournia, Mallia at Hagia Triadha.
Ang Alamat ng Minotaur
• Minotaur – Isang
dambuhala na may
ulo ng toro at
katawang tao. Ito ay
naninirahan sa
silong ng palasyo ng
Knossos kung saan
maraming mga
sanga-sangang
pasilyo.
Sistema ng Pagsulat
• Noonng hukayin ni Evans ang palsyo ng
Knossos, marami siyang natagpuang lapida na
gawa sa luwad. Dalawang uri ng sistema ng
pagsulat ang nakita niya na tinawag niya bilang
Linear A at Linear B.
• Michael Ventris (cryptologist) at John Chadwick
(classical scholar) – Pinatunayan nila na ang
Linear A ay sistema ng pagsulat ng mga Minoan.
Samantalang ang Linear B ay sistema ng pagsulat
ng mga Myceanean.
Kalakalan sa Ibayong Dagat
• Ang mga taga-Crete ay may mga produktong
maaaring ipagbili sa ibang lugar gaya ng
palayok na gawa sa luwad at mga sandata na
gawa sa tanso. Ipinagpapalit nila ang mga ito
para sa ginto, pilak at butil ng pagkain.
• Ang mga produktong pangkalakal ng Crete ay
nakarating sa iba pang pulo sa Aegean Sea, sa
Greece, sa Cyprus, sa Syria at sa Egypt.
Ang Sining ng Minoan
• Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga Minoan
sa dalawang larangan – sa mga fresco at mga
palayok.
• Bull Dancing – imahe na madalas inilalarawan ng
mga fresco ng mga Minoan.
• Tinanggap ng mga Minoan ang impluwensya
ng Egypt sa kanilang sining. Ilan sa mga ito ay
ang double axe, figure-of-eight shield at ang
trident.
KABIHASNANG MYCENAEAN
OF THE BRONZE AGE
MYCENAEAN CIVILIZATION
ANG MGA MYCENAEAN AY
NAGMULA SA MGA LAHI O GRUPONG
ETNOLINGGWISTIKONG INDO-
EUROPEAN.
INDO – EUROPEAN – MULA SA MGA
ETNIKONG
GRUPONG NOMADIKO MULA SA
PAGITAN
NG IRAN-PAKISTAN NA
NANDAYUHAN SA IBAT
IBANG PARTE NG ASYA AT MAGING SA
SILA AY MGA HALONG ASYANO-
EUROPEO
ILAN SA MGA LUGAR NA DINAYO NG MGA
MYCENAEAN AY ANG INDIA SA ASIA
MINOR
ILANG MGA LUGAR SA KANLURANG ASYA
AT GREECE AT IBA PANG LUGAR SA
EUROPA.
MYCENAEAN CIVILIZATION
MYCENAEAN CIVILIZATION
Noong 1900 B.C.E sa panahon ng
pagyabong ng BRONZE AGE o
PANAHON NG METAL ang mga
MYCENAEAN ay nandayuhan sa
GREECE kung saan sila ay
nagtatag ng kanilang mga sariling
lungsod.

Noong 1400 B.C.E sinalakay nila


ang KNOSSOS at iba pang mga
lungsod ng CRETE.
MYCENAEAN CIVILIZATION
Tinapos ng mga
MYCENAEAN ang
paghahari ng
kabihasnang MINOAN
sa AEGEAN SEA.

Mga ACHEAN ang


tawag ni HOMER sa
kanila.
MYCENAEAN CIVILIZATION
Samantala ipinagpatuloy ng mga
MYCENAEAN ang kalakalan ng
CRETE sa kabuuan ng AEGEAN
SEA. Yumaman at naging
makapangyarihan ang mga
MYCENAEAN nang lumipat ang
kapangyarihan ang pamumuno
sa kalakalan sa Aegean se sa
kanilang mga kamay.
Ngunit hindi maikakaila na ang
kanilang kultura ay malaking
naimpluwensyahan ng mga
minoan halos lahat ay hiram nila
sa kulturang minoan
MYCENAEAN CIVILIZATION
Ang mga MYCENAEAN ay nagtayo
ng mga lungsod na
napapalibutan ng malalaki at
matitibay na pader. Sa loob ng
mga pader na ito ay ang palasyo
ng hari.

Ang pinaka malaki sa mga


lungsod na ito ay ang MYCENAE
na matatagpuan malapit sa
kapatagan ng ARGOS.
MYCENAEAN CIVILIZATION

Si AGAMEMNON
ang pinaka
tanyag na HARI
ng MYCENAE
MYCENAEAN CIVILIZATION

Si HEINRICH SCHLIEMANN ay
Naghukay sa mga gumuhong labi
ng MYCENAE noong 1870.

Marami siyang natagpuang mga


Artifacts na kagaya sa kultura ng
mga minoan. Meron ding mga
gintong alahas at maskara

Isa sa pinaka sikat na nahukay


niya ay ang kilalang gintong
maskara ni Haring AGAMEMNON
MYCENAEAN CIVILIZATION

Ang TROY ay lungsod na


matatagpuan sa TURKEY malapit
sa HELENSPONT. Yumaman at
naging makapangyarihan ang
Troy dahil sa lokasyon nito. Ang
troy ay matatagpuan sa
mediterranean sea kung saan
kaya nitong pigilin ang mga
barko ng mga MYCENAEAN na
nakikipagkalakalan sa AEGEAN
SEA at BLACK SEA at sumingil ng
mataas na buwis
MYCENAEAN CIVILIZATION
Noong una, kinubkobng
mga MYCENAEAN ang
TROY ngunit sila ay nabigo
dahil sa matitibay na
pader nito.

Sa kalaunan, ang TROY ay


bumagsak din sa kamay ng
mga MYCENAEAN.
MYCENAEAN CIVILIZATION
Ang pagkabihag ng
TROY ay ikinuwento
ni HOMER sa ILLIAD.
Si HOMER ay isang
bulag na makata na
nabuhay sa ASIA
MINOR noong
ikawalong siglo.
MYCENAEAN
CIVILIZATION
Ang ILLIAD ay isang
EPIKO tungkol sa
naganap na labanan at
umiinog sa kwento ni
ACHILLES, isang
mandirigmang
GREEKat ni HECTOR
isang PRINSIPENG
TROJAN
MYCENAEAN CIVILIZATION
Ayon sa ILLIAD ang mga
MYCENAEAN ay gumawa ng
isang higanteng estatwang kahoy
na kanilang iniwan sa labas ng
TROY. Isa itong handog kay
ATHENA ang diyosa ng
karunungan at digmaan na
pinapahalagahan ng mga taga
TROY.
Hinandog din ito bilang simbolo
ng pagtagumpay ng troy mula sa
mga mycenaean.
MYCENAEAN CIVILIZATION
Sa pag-aakala na umalis na ang
mga MYCENAEAN , ipinasok ng
mga taga-TROY sa kanilang
lungsod ang TROJAN HORSE,
lingid sa kanilang kaalaman ang
laman ng estatwa ay naglalaman
ng mga Sundalong MYCENAEAN.
Binuksan ng mga ito ang
tarangkahan ng lungsod at
nakapasok ang marami pa nilang
kasamahang sundalo. Naganap
ang isang madugong labanan
kung saan natalo ang mga taga
troy.
MYCENAEAN CIVILIZATION
Mayaman at maunlad ang
kabihasnang MYCENAEAN.
Ito ay pinatunayan ng
kanilang mga maskara
palamuti at sandata na yari
sa ginto. Ang mga libingan
ng mga hari ay naglalaman
ng mga ginto at
magagandang palayok.
Malalaki at matitibay rin
ang kanilang mga
palasyo.
MYCENAEAN CIVILIZATION
Ang mga MYCENAEAN ay
naniniwala sa isang
makapangyarihang
Diyos, si ZEUS na
naghahari sa isang
pamilya ng mga diyos at
diyosa. Na nakatira sa
MOUNT OLYMPUS
MYCENAEAN CIVILIZATION
Bumagsak ang kabihasnan ng mga MYCENAEAN ilang
tan pagkatapos ng ika 13 siglo B.C.E. Isa sa mga
sinasabing dahilan ay ang malawakang
pakikipagdigmaan ng mga MYCENAEAN sa isa’t – isa.
KABIHASNANG GREEK

You might also like