You are on page 1of 13

Presentasyon Sa

Retorika
Alcantara, Gregie
Kanon ng Retorika
Kanon o Batas ng Retorika - Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso
ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang
talumpati na maaring sa paraang induktibo o deduktibo.
Ang Induktiboay ang pagbuo ng pankalahatang kongklusyon mula
sa partikular na linya ng pangangatwiran.
Ang Deduktibo ay tumutukoy sa pangangatwiran o mga impormal
na anekdota.
Kanon sa Retorika
Mga Kanon ng Retorika
Ang limang pangunahing kategorya ng kanon.
• 1. Imbensiyon
• 2. Pagsasaayaos
• 3. Istayl
• 4. Memori
• 5. Deliberi
Ang mga kanon na ito ay may silbing analitik at dyeneratib at ito ay
nagproprobayd ng templeyt at patern sa eukasyong retorikal.
Samantalang itong limang kanon ay naglalarawan sa mga larangan
ng atensyon sa retorikal na pedagodyi at hindi lamang ito ay
edukasyonal na templeyt ito din ay isang disiplina ng Retorika
1. Imbensyon -nag mula sa salitang Latin na invenire na ang
kahulugan ay to find.
At ito din ay karaniwang nakatuon ng kategorya sa pag iisip na
magiging kombensyonal na hanguan sa sasabihin ng isang awtor at
paano niya ilalarawan niya ang kanyang paghihikayat.
2. Pagsasaayos - ay nakatuon sa kung paano pagsusunod-sunorin
ang isang pahayag o adka. Ang pagsasaayos ay dapat na iobserb sa
isang oratoryo.
Karaniwang pagsasaayos ng isang Klasikal na oratoryo ay:
a. Introduksyon (exordium)
b. Paglalahad ng mga katotohanan (narratio)
c. Dibisyon (partitio)
d. Patunay (confirmatio)
e. Reputasyon (refutatio)
f. Kongklusyon (peroratio)
3. Istayl -ay nauukol sa masining ekspresyon ng mga ideya.
Kung ang Imbensyon ay nauukol sa ibig sabihin, at ang istayl ay
nauukol kung paano iyon sabihin. Sa pananaw sa retorikal, ang
istayl ay hindi insidental, supersiyal o suplementari sapagak
tinutukoy nito kung ano ang ipinapaloob sa wika ang mga ideaya
kung paano ito nakukistomays sa mga kontekstong komunikatibo
4. Memori - ay kaugnayan sa mnemonics o memory aid na
tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati. Ngunit
ang kanon na ito an nakaukol sa higit na pagmememorays ng isang
inihandang talumpati para sa representasyon.
At nakapaloob din na itong kanon ay ang pag iimbak ng iba pang
materyales sa isipan ng mga paksa o imbensyon upang magamit sa
isang partikular na okasyon.
5. Delibiri - ang deliberi ay madalas na hindi natatalakay sa mga
tekstong retorikal, bagama’t ang kanon na ito ay napakahalaga sa
retorikal pedagoyi.
Ang delibiri ay unang tinawag na pasalitang Retorika na ginagamit
sa mga pampublikong konteksto,ngunit ito rin ay maaring ituring
bilang aspeto ng Retorika sa pampublikong presentasyon ng
diskurso pasalita man o pasulat.
Retorika bilang Sining
Ang Retorika katulad ng pag-aawit, ang Retorika isang sining bukod
nito sa pamamagitan ng mga simbolo na maaring pasalita o pasulat.
Lumilikha ito ng isang likhang-sining na may taglay na sariling
halagang estetiko na naiiwan o nagkakabisa sa ating kaisipan,
damdamin at kaasalan.
Katangian ng Retorika sa Sining
• Isang kooperatibong Sining - hindi maaring gawin ng nag-iisa sa
pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at
tagapakinig sa iisan ideya.
• Isang pantaong Sining - dahil sa ang wika ay midyum ng retorika,
paslita man o pasulat dahil dito, ito ay pagaari ng tao ang retorika
ay isa ring siniong at pantao.
• Isang temporal na Sining - ito ay nababatay sa panahon sapagkat
nagbabago ang wika, nagbabago rin anh estilo ng pagagmit ng
wika sa bawat panahon.
• Isang limitadong Sining - marami ang hindi ito kayang gawin. Ang
retorika ay mayroong sukdulan o hangganan dahil maaring
imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.
• Isang may kabiguang Sining - hindi lahat ay may kagalingan sa
paghawak ng wika ito ay likas na komplikado dahil sa mga
tuntunin na pababago bago.
• Isang nagsusupling na Sining - ay nagsusupling ng mga kaalaman
at ito ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng
isang akda, hangga’t may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat
at nagbabasa.
Pagtatapos ng
Presentasyon
Maraming Salamat po.

You might also like