You are on page 1of 11

ARALIN 5

SOBRA BA ANG IYONG


PAGKAIN?
GAWAIN 1: ANG SULAT KO SA
AKING KAIBIGAN
Mahal kong Patrick Dave,
kamusta ka na? halos isang Linggo ka nang hindi
pumapasok sa ating klase. Tumawag ako sa bahay ninyo.
Sabi ng tatay mo namadali kang mapagod at
nahihirapang huminga. Tinanong ko rin siya kung maari
ba tayong maglaro pagkalabas natin ng paaralan pero
sabi niya hindi daw pwede.
Ayaw mo rin daw pumasok dahil natatakot ka na baka
tuksuhin kang mataba ng ating mga kaklase. Sana tumawag
ka sa akin para masabi ko sa iyo ang ating mga takdang
aralin. Sana makapasok ka na rin agad.

Nagmamahal,
John Dave C. David
SAGUTIN ANG MGA TANONG
1. Sino ang hindi pumapasok sa paaralan?
2. Ano ang nangyari kay Patrick Dave?
3. Bakit natatakot si Patrick Dave sa paaralan?
4. Paano tinulungan ni John Dave ang kanyang
kaibigan?
GAWAIN 2: PAGKAIN NANG
TAMA
Iguhit ang iyong paboritong pagkain.
Gawin ito sa iyong Kuwaderno.
TANDAAN
Ang Obesity ay isang karamdaman na nakukuha
sa labis na pagkain.
Ang mga batang obese ay nahihirapan sa pagkilos
nang maayos. Nahihirapan silang gawin ang mga
bagay na ginagawa ng mga batang normal ang
timbang.
SURIIN NATIN
Isulat sa inyong kuwaderno ang tama kung ang pahayag ay totoo
at mali kung ang pahayag ay hindi.
1. Ang batang sobra kung kumain ay nakararanas ng kakulangan
sa nutrisyon.
2. Ang batang sobra kung kumain ay nagiging obese.
3. Ang batang obese ay sobrang payat.
4. Ang batang sobra ang katabaan ay nababawasan ang
kakayahan na gumawa ng maraming bagay.
5. Ang batang obese ay kulang sa protina at carbohydrates sa
kanilang diyeta.

You might also like