You are on page 1of 42

ICE BREAKER

ISAAYOS ANG MGA LETRA


UPANG MABIGYAN NG
KAHULUGAN ANG MGA
MALALIM NA SALITA.
DAKSIPAT – TELESKOPYO

KOPOYSETLE
BAGWIS – PAKPAK

KAPAKP
PUNYAL - ITAK

KAIT
BATLAG - KOTSE

EKOTS
SALAPSAP - KUTSILYO

SILYOTUK
MGA DULOG SA
PAGSUSURI NG
PANITIKAN
DULOG
- ito ay isang set ng mga
pagpapalagay hinggil sa
kalikasan ng wika,
pagkatuto, at pagtuturo.
“ Ang pagbasa ng PANITIKAN ay
hindi lamang naka sentro sa proseso ng
pagkuha ng kahulugan ngunit
mahalaga rin dito ang pagbuo ng
kahulugan. Dito pumapasok ang dulog
sa pagsusuri ng panitikan. ”
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN
01 Markismo
02 Imahismo
03 Klasismo
04 Realismo
05 Romantisismo
06 Humanismo
07 Eksistensyalismo
08 Formalistiko
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN
09 Naturalismo
10 Arkitaypal
11 Sosyolohikal
12 Feminismo
13 Sikolohikal
14 Moralistiko
15 Queer
01
MARKISMO
MARKISMO
• Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga
paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.

• Pinakikita ang pagtutunggali o paglalaban ng dalawang magkasalungat ng


puwersa. Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan.
Sumasagisag sa tao na may sariling kakayahan na umangat sa buhay.
02
IMAHISMO
IMAHISMO
• Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na
higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang
salita. Isang pamamalagay na kinakailangang gumamit ng
matipid at maingat na paggamit ng mga salita upang
makabuo ng konkretong imahen.
03
KLASISMO
KLASISMO
• Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring
payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.
• Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi
naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o
nagaganap parin sa kasalukuyan.
04
REALISMO
REALISMO
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may- akda sa kanyang lipunan sa
makatotohanang pamamaraan. Samakatuwid, ang panitikan
ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may- akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng
pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.
Ipinaglalaban ng teoryang realism ang katotohanan kaysa
kagandahan.
05
ROMANTISISMO
ROMANTISISMO
• Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng
tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

• Binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon


at likas. Pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
06
HUMANISMO
HUMANISMO
• Ito ay nagmula sa salitang ingles na “human” o tao sa Filipino.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo. Binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.
• Ang teoryang humanism ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip
na sa diyos. sa pilisopiya, ito ay atityud na nagbibigay diin sa
dignidad at kahalagahan ng tao. pinaniniwalaang ang tao ay
nilikhang rasyunal.
07
EKSISTENSYALISMO
EKSISTENSYALISMO
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na
pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
• Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil]
utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa
mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at
magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang.
08
FORMALISTIKO
FORMALISTIKO
• Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging
layunin ng pagsusuring formalistiko.

• Hindi binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda,


hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag na
implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal.
Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng
pagdulog na ito.
09
NATURALISMO
NATURALISMO
• Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang
kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog
lamang ng kanyang heredity at kapaligiran.

• Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang


isang bahagi ng buhay. Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin,
damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
10
ARKITAYPAL
ARKITAYPAL
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi
ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Pinakamainam na
alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa
tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga
mambabasa.

• Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa mga


kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya tulad ng
kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba pa.
11
SOSYOLOHIKAL
SOSYOLOHIKAL
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

• Sa pagsusuri ng mga akda ay natatalakay ang mga kalagayang


sosyal, ang kapamuhayan, ang mga sitwasyong nag-uudyok ng
karahasan, mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga, at iba
pa.
12
FEMINISMO
FEMINISMO
• Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga
kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
13
SIKOLOHIKAL
SIKOLOHIKAL
• Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga saliK sa pagbuo ng naturang pag-uugali,
paniniwala, pananaw, at pagkatao sa isang tauhan sa kanyang
akda. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas
sa teksto mismo tulad ng histori, politika, at talambuhay.

• Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga


tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din
ang mga negatibong damdamin ng pangamba, takot, galit,
pagkabigo, at iba pa.
14
MORALISTIKO
MORALISTIKO
• Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao –
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling salita,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
15
QUEER
QUEER
• Ang layunin ng panitikan ay iangat at
pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang mga babae ay may
feminismo ang mga homosexual naman ay
queer.
MARAMING
SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like